May ngiti sa labi si Zeniah nang makita niya si Tristan. Habang ang binata naman ay awtomatikong napangiti nang makita siya. "Wow! Ang guwapo mo ngayon, ha. Anong mayroon?" nakangiting sabi ni Zeniah nang mapansin ang tila kakaibang awra ni Tristan. Ngumisi naman si Tristan. "Palagi naman akong guwapo Ma'am. Ngayon niyo lang napansin? Eh ako nga palagi kong napapansin ang kagandahan ninyo. Araw- araw kayong maganda," sambit ni Tristan sabay kindat. Saglit na natulala si Zeniah sabay iwas ng tingin kay Tristan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig dahil sa sinabing iyon ni Tristan. Ano ba 'to? Bakit parang kinikilig yata ako sa sinasabi ng manyakis na 'to? Leche talaga 'to! Napakabolero! At ako namang si uto- uto ay kinikilig pa! "Ma'am? Ayos lang po ba kayo? Bakit namumula yata a

