"Mukhang ang saya mo yata ngayon, Tristan?" tanong sa akin ni Susana. Tiningnan ko siya. "Malamang, hindi ka na masyadong paepal sa buhay ko. Pampatuloy mo lang 'yan. Nang matuwa ako sa iyo," walang ganang sabi ni Tristan. Bumuntong hininga si Susana. Hindi niya maiwasang mainis dahil alam niya kung sino ang dahilan ng pagngiti ng binata at ito ay ang amo niyang si Zeniah. Dahil mayamang babae si Susana, may pera siya para pasundan si Tristan. At nalaman niyang close si Tristan kay Zeniah. At hindi maiwasang makaramdam ng matinding inggit ni Susana lalo ng isang beses niyang sundan si Tristan. Masaya itong nakikipagtawanan kay Zeniah na ni minsan ay hindi ginawa sa kaniya ni Tristan. Na kahit anong kabutihan pa ang ipakita niya sa binata, hindi siya nito nagawang kausapin ng nakangiti.

