"Ayos ka lang po ba, Ma'am? Bakit nakabusangot ang mukha ninyo? Pero kahit na ganoon, maganda pa rin naman po kayo," mapang- asar na sabi ni Tristan. Tumingin sa kan'ya si Zeniah. "At bakit ka ba nagtatanong, ha? Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" mataray na sabi ni Zeniah sa kan'ya. Tumikhim naman si Tristan. "Okay lang naman po sa akin, Ma'am kung hindi niyo sagutin ang tanong ko. Kumbaga concern lang naman po ako sa nararamdaman niyo dahil parang may iba po kasi talaga sa inyo ngayong araw. Paang mas mainit ang ulo niyo ngayon. Kasi nasanay naman po ako na mainitin ang ulo niya. Pero ngayon parang mas sumobra ang init. Mas galit kasi nakabusangot kayo..." Matalim siyang tinitigan ni Zeniah. "Ikaw kahit kailan ka talaga kung ano- ano ang mga sinasabi mo! Ang lakas ng loob mong

