UNANG LINGGO ni Tristan bilang driver ni Zeniah, wala naman siyang naging problema dito. Kahit na minsan ay may ugali itong maldita o sinusungitan siya, hinahayaan na lang niya ang dalaga. "Oh ano na naman? Bakit nakatingin ka na naman sa akin, ha?" mataray na sabi ni Zeniah nang mapansing nakatingin sa kaniya si Tristan. Tumawa naman si Tristan. "Wala lang Ma'am. Masama po bang tingnan kayo?" Umirap si Zeniah. "Hindi. Pero hindi ako natutuwa. Alam kong maganda ako pero hindi mo naman ako kailangang titigan diyan palagi. Baka kasi mabighani ka sa ganda ko at mahulog ka. Sinasabi ko sa iyo, hindi kita sasaluhin." Muling tumawa si Tristan. Talagang natatawa siya sa mga sinasabi ni Zeniah. Masungit nga ito pero nakakatawa naman ang mga sinasabi. "Grabe ka naman, Ma'am. Malayo na kaagad a

