Naging abala sina Tristan at Zeniah sa pag- aasikaso ng kanilang kasal. Akala ni Tristan ay nagbibiro lang si Xian na dapat na silang ikasal ngayong linggo. Ang balak pa nga sana ni Xian ay ikasal na sila ngayong araw pero masyadong mabilis iyon kaya humingi ng ilang araw sina Tristan at Zeniah. "Mahal ko...bakit parang malungkot ka yata?" malambing na sambit ni Zeniah. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang parke kung saan nakalatag ang sapin nila sa damuhan. Maraming malalaking puno sa parke kung nasaan sila ngayong dalawa. At talaga namang dinadayo ang parke na ito ng mga tao dahil malamig ang simoy ng hangin doon at talaga namang nakaka- relax. Halos magpapamilya o magkakasintahan ang nagpupunta doon ngayon. Tumikhim si Tristan. "Nahihiya lang kasi ako sa pamilya mo, Zeniah. Wala man

