Inis na inis na umuwi si Tristan sa bahay ni Susana. Kaagad siyang naghanap ng maiinom na alak at saka nagsimulang mag- inom. Iniisip niya kung iyon na ba ang bago ni Zeniah. Na parang ang bilis naman yata nitong makahanap ng bago. Na ang bilis naman yata siya nitong kalimutan. "Tristan...bakit ang aga mo yatang uminom ng alak? May problema ka ba?" tanong ni Susana kay Tristan. Matalim siyang tiningnan ni Tristan. "Wala kang pakialam. At saka, bakit ka ba nandito? Akala ko ba aalis ka?" Bumuntong hininga si Susana. "Oo. May naiwan lang akong documents kaya bumalik ako dito." Hindi na umimik pa si Tristan. Muli siyang lumagok ng alak. Selos na selos siya sa kaniyang nakita. Gusto niya nga sanang sapakin ang lalaking iyon ngunit alam niyang wala siyang karapatang gawin iyon. Hindi naman

