"Zeniah!" tawag ni Nathan sa dalaga. Agad namang lumingon si Zeniah at namilog ang kaniyang mata nang makita si Nathan. "Oh! Anong ginagawa mo dito?" Naglakad palapit sa kaniya ang binata. "Sa akin ang flower shop na 'yan. Napadaan lang ako upang bisitahin kung ayos lang ba dito pati na ang mga crew ko." Napatingin si Zeniah sa flower shop na pag- aari pala ni Nathan. Bibili kasi siya ng bulaklak para sa sarili niya. Naisipan niya lang bilhan ang sarili niya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. May kahiligan din kasi sa bulaklak si Zeniah. "Ay talaga? Sa iyo pala 'to? Pangatlong beses ko ng bibili dito," sabi naman ni Zeniah at saka namili na ng bouquet ng bulaklak. "Oo sa akin nga. Actually kay mommy ko talaga ito. Kaso wala na siya eh. Two years na ang nakalilipas at bi

