Marahang iminulat ni Selena ang kaniyang mga mata. Kumurap- kurap siya ng ilang beses bago tuluyang bumangon. Pinalibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Kumunot ang noo niya. Nasa isang malinis at eleganteng kuwarto siya. Nalanghap niya ang mabangong amoy sa loob ng kuwarto. At ilang sandali pa, may kumatok sa pinto ng tatlong beses bago ito bumukas. Pumasok sa loob ng kuwarto ang isang guwapong lalaki na mayroong matipunong katawan. Kulay asul ang mata nito, mayroong mahabang pilikmata at matangos na ilong. Mapula ang manipis na labi nito na pinaresan ng umiigting na panga. "Gising ka na pala. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Wallace kay Selena. "Na...nasaan ako?" tanong ni Selena sa malungkot na tono. "Nasa condo unit kita. Bigla ka na lang bumulagta sa kalsada. Muntik

