Nanginginig ang kamay ni Selena habang naghihintay ng resulta sa limang pregnancy test na binili ni Wallace. Sinadyang dahilan ni Wallace ang pregnancy test para makasiguro. At habang naghihintay sa resulta, hindi mapigilang kabahan ni Selena. Hanggang sa makita na nga niya sa limang pregnancy test ang dalawang pulang guhit. Na ang ibig sabihin ay buntis na nga siya. "Oh my..." nanginginig ang kaniyang kamay sabay tingin nang maigi sa limang pregnancy test. "Bu...buntis nga ako..." naiiyak niyang sabi. Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Magkahalong lungkot at saya ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Malungkot siya dahil hindi sila okay ni Xian at hindi niya ito magagawang sabihin. Masaya siya dahil nagbunga ang kanilang pagmamahalang dalawa. May parte sa kaniya na balak ng bal

