Halos hindi na makilala pa ang itsura ni Angela dahil sa ginawang pagpatay sa kaniya ni Vincent. Napakabrutal kasi nito. Napangiwi si Nike nang makita ang itsura ni Angela kaya naman agad siyang lumabas ng silid kung nasaan ang bangkay ni Angela. "Masyado naman brutal ang ginawa mong pagpatay kay Angela. Bakit hindi mo na lang siya binaral sa ulo?" kunot noong tanong ni Nike sa kaniya. Bigla namang nakaramdam ng kaba si Vincent dahil seryoso ang mukha ni Nike na nakatingin sa kaniya. Sa tuwing papatay kasi si Vincent, palaging nakangiti si Nike sa kaniya. Na ang ibig sabihin ay masaya o natuwa ito sa kaniyang ginawa. Pero iba ang itsura ngayon ni Nike. Seryoso itong nakatingin ng diretso sa mata ni Vincent na tila ba sinasabi nitong hindi siya natuwa sa ginawa ni Vincent kay Angela.

