"Xian...handa ka na ba?" tanong ni Nico kay Xian. Humingang malalim si Xian kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa kaniyang baril. "Oo, Nico... handang- hand na..." "Xian...kung sakali man na hindi mo naman kailangang pumatay, huwag kang papatay. Iba pa rin kapag walang bahid ng dungis ang kamay natin, Xian. Kaya kung talagang alanganin, pumalag ka. Patamaan mo sa katawan kung saan hindi niya ito ikamamatay pero hindi na siya makakalaban," payo ni Nico kay Xian. Mabagal na tumango si Xian. "Oo, Nico. Alam ko na ang gagawin ko." Kasama nila ang mga armadong pulis, sumugod na sila sa pasugalan ni Nike. Walang kaalam- alam si Nike na magwawakas na ang kasamaan niya. Mabilis ang naging pagkilos nila Xian. Bumungad sa kanila ang maraming tao na nanlalaki ang mga mata nang makita sila. "Taas

