Nakatulala muna si Selena nang magising siya. Nakatingin lamang siya sa kisame. Kung ano- ano ang pumapasok sa isip niya sa mga oras na iyon. Iniisip niya si Xian kung nasa ayos na kalagay lang ba ito. Gusto na niyang makita si Xian. Pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Dahil alam niyang naiinis pa siya kay Xian. Na gusto na nga niyang huwag na munang magpakita dito. "Hays...." sambit ni Selena bago bumangon. Iniligpit na niya ang kaniyang pinaghigaan bago lumabas ng kaniyang kuwarto. Kumuha siya ng walis at dustpan parq magwalis at maglinis. At pagkatapos ay nakita niya si Wallace na nasa kusina. Napangiwi siya nang makaamoy ng mabahong amoy na nagmumula kay Wallace kaya napatakip siya ng ilong. "Morning...wait mo lang itong niluluto kong almusal. Matatapos na ito," nakangiting

