SAMANTALA, hindi mapigilang makaramdam ng takot si Xian. Ilang beses siyang lumunok ng kaniyang laway habang nakatingin sa baril na hawak ni Nike. "Alam mo, Xian...kung hinayaan mo na lang sana kaming dalawa ni Selena, kung nagpaubaya ka, hindi sana tayo aabot sa ganito. Kasi hindi naman kayo bagay ni Selena eh. Ang tanda- tanda mo na. Masyado kang gurang para sa kaniya. Kaya bakit nakisali ka pa sa amin? Eh 'di sana ngayon...hindi ako nakagagawa ng masasamang bagay dahil babaguhin ako ni Selena. Pero hindi eh. Bida- bida ka kasing gurang ka..." mahinang sambit ni Nike habang nakatutok pa rin ang baril kay Xian. Lumunok ng laway si Xian. "Nike....wala sa edad kung mamahalin ka ba ng isang tao o hindi. Nasa sa inyong dalawa 'yan kung paano niyo mahalin ang isa't isa. Na hindi hadlang ang

