Malawak ang ngiti ni Catherine nang siya ay magising. Naalala niya kasi kagabi ang ginawa niyang paghalik sa pisngi ni Xian kung saan sobra talaga siyang kinikilig. At nagkaroon pa siya ng pag- asang maagaw si Xian sa asawa nito dahil magkaaway ang dalawa at mukhang magkakalabuan pa. "Wow! Malawak ang ngiti sa labi! Halatang nag- enjoy sa kagagahang ginawa niya kagabi! Impakta ka rin talaga kahit kailan," sambit ni Eva na bestfriend ni Catherine. Sa condo na kasi ni Eva nanatili si Catherine. Ito ang bestfriend niyang babae mula noon na kahit nagkalayo sila ng matagal, hindi pa rin nila kinalilimutan ang isa't isa at ganoon pa rin ang trato nila. Walang nagbago sa kanilang dalawa. Umirap si Catherine at naupo sa tabi ni Eva. "Alam mo, tumigil ka na lang at suportahan ako sa kasiyahan

