Yezenia Hipolito's P.O.V. "For real?" hindi ko na alam kung paano pa itatago ang ngiti sa aking labi. Mariin akong napakagat sa aking labi para kahit papaano man lang ay hindi masyadong maging halata iyon. Bumaling ako sa kabilang side dahil ayaw talagang magpapigil ng ngiti ko. Sinampal ko ng mahina ang bibig ko para naman tumigil iyon. Hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ako sa kanya. "Yup. But not like those ordinary relationships," he said. Napataas na ang tingin ko sa kanya. Napalitan ng kunot ng noo ang ngiti ko kanina. "What do you mean?" I asked. You can hear the confusion in my voice. Tumayo siya at nagtungo sa may bintana ng aking kwarto. Tumingin siya sa labas at tumahik saglit. Tumayo na rin ako para sundan siya. "Hyeighden," tawag ko sa kanya. "The deal is still

