Yezenia Hipolito's P.O.V. Gumising ako sa kalagitnaan ng gabi. Tumayo ako at lumabas. Gusto kong uminom ng tubig. Sa tingin ko ay mga four o'clock pa lang ng umaga. Bumaba na ako at ang ilaw sa may sala ang tanging nakasindi. Pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig. Imbis na bumalik sa aking kwarto ay nagtungo ako sa garden namin. May swing naman doon kaya pwede akong umupo at magnilay nilay. Dahil yata nakita ko kagabi sa newsfeed ko si Liarra at Hiance ay napanaginipan ko ang lalaki. Well, actually. It is not the first time na mapaginipan ko si Hiance. Noong siya pa ang humahawak sa Heneson sa Pampanga ay napapanigipan ko rin siya. Hindi naman madalas, mga minsan lamang. Pero nagtataka lang ako kung bakit ko siya napapanaginipan. At sa mga panaginip ko mabait siya sa akin.

