Yezenia Hipolito's P.O.V. Naging masaya ang pag i-stay namin sa Cavite. Totoo ngang hindi man lang niya napuntahan ang binook niyang hotel. Hindi na kasi siya pinaalis nina Mama at Papa. Gustong gusto nila na nakikita siya. Balik trabaho na naman. Wala siya ngayon dahil kailangan niyang pumunta sa Manila. Meron siya iko-close na deal doon. "Gurl," pukaw sa akin ng katabi ko na si Ryuri. "Hmm?" "Birthday bukas ng girlfriend ng kapatid ko. Invited ako. Kaso wala pa akong gift. Help mo ako sa mall," sambit niya habang nakatingin pa rin sa kanyang monitor. "Alright. Kain tayo sa bonchon. Nagki-crave ako," sagot ko. Napapalakpak siya. "The best ka talaga," utas niya. Natawa na lang ako at bumalik na sa aking ginagawa. Wala naman kasi akong gagawin pagkatapos namin dito sa trabaho. Wal

