Yezenia Hipolito's P.O.V. Nang malapit na ako sa pintuan ay bigla siyang lumapit sa akin at inipit ako roon. Sa pagitan niya at sa nakasara pang pintuan. "Ano bang ginagawa mo?" mahina kong tanong. Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga sa aking batok. "Can't you see?" he frustratedly asked. Kahit na sobrang dikit namin ay pinilit kong makaharap sa kanya. Nagbigay siya ng kaunting espasyo para makaikot ako. Para magtama ang mga paningin naming dalawa. "Ang ano? Ang nagagalit ka dahil kasama ko si Hiance? I already explained my side, Hyeighden. Hindi naman ako nagsisinungaling at totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala ay wala na akong magagawa. Iiwan muna kita para lumamig ang ulo mo," tinulak ko siya ng mahina para makaalis na. Hindi man lang siya nagpatinag sa akin. Ang

