Yezenia Hipolito's P.O.V. Napatulala ako sa aking narinig. I can't believe to the words I heard. Totoo ba? "Omg! Yezenia!" kinikilig na sigaw ni Yana at tumalon sa aking harapan. Tumingin ako muli sa doctor at todo ngiti siya sa akin. "Totoo po ba?" I asked. She nod at me. "Yes. Kung pwede ay sundan ako ng isa sa inyo para masabi ko ang mga kailangan mo sa pagbubuntis," tumingin siya sa dalawa. Si Ryuri na ang sumama dahil parehas pa kaming lutang ni Yana dahil sa balitang natanggap. "Yana," tawag ko sa kanya. Agad naman siyang dumalo sa akin. "Pakisampal nga ako," utos ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng masama at kinurot ako ng mahina sa braso. "Oh ayan ha, hindi ka nanaginip," utas niya. Hinila niya ang upuan at tumabi sa akin. "Kaya pala," utas ko ng maalala ang mga naranasa

