Yezenia Hipolito's P.O.V. Expected ko naman na mangyayar iyon pero sobrang sakit pa rin pala talaga sa dibdib. I feel like I have been stabbed for thousand times. Mukhang hindi ko kayang agad pumasok sa may department namin. Lumiko ako at nagtungo sa may banyo. Nakita ko pa si Hyeighden pero mabilis akong umiwas sa kanya. Mabilis akong pumasok sa banyo. Mabilis akong pumasok sa loob ng cubicle. Umupo ako roon at impit na napa iyak. Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. Nasasaktan pa rin ako. Hindi naman kasi agad agad ay kaya kong mag move on. Hindi naman ako ganoon kagaling para sa isang araw lang ay mapapawi ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad at pinagpatuloy ang pag iyak. Tumunog pa ang cell phone ko. Kinuha ko iyon

