(Alisson) Kaharap ko ngayon si ma'am Ella. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang tawagin pa muli na mommy. Masyado nang marami ang nangyari at puro masasakit ang mga yon. Titig na titig sya sa akin. Hinawakan nya ang aking kamay na umani ng pagkabigla sa akin. "Alisson ija, mabuti naman at bumalik kana." maaliwalas ang kanyang mukha na parang tuwang- tuwa talaga sya na makita ako muli. "Gustong- gusto kitang puntahan doon sa California kaya lang----" napalunok sya at hindi na nya ipinagpatuloy ang sasabihin. "Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sayo. I'm sorry at hindi kita nagawang ipagtanggol noon. Wala akong mapagpilian. It will ruined my son's reputation kung hindi namin gagawin ng daddy Nathan mo ang ginawa namin noon. If I just know what will happened afterwards, sana ipinagla

