(Alisson) Tulalang nakatitig sa akin si Ethan pagkatapos kong sabihin sa kanyang ang tungkol sa anak namin. Parang pilit nyang ipinasok sa kanyang isip ang aking sinabi. Saka tumalim ang titig nya sa akin. "I knew it. You hiding something from me, Alisson. No! Not something but someone." aniya sa pagalit na tono. Pinunasan ko ang aking luha. Nasabi ko na at kailangan ko nang harapin. Para din naman ito sa kaligtasan ng aking anak. "Kailangan mo ba talaga akong sumbatan ngayon Ethan gayun nanganganib ang buhay ng anak ko." "Anak natin Alisson." pagtatama nya sa sinabi ko. Kinuha nya ang kanyang cellphone at may tinawagan sya. Mas tumindi ang pagkaalala na nadarama ko. Pag malaman ni Fiona na hindi ako tumupad sa usapan namin, baka ano pa ang gawin nya sa anak ko. Hindi ko alam kung

