(Ethan) Naglalakad ako paakyat sa isang hagdanan, at sa dulo nito ay isang liwanag. Habang naglalakad ako, unting- unti bumalik sa aking gunita ang mga pagkakamali ko noon, na ngayon pinagsisihan ko ng sobra. Ang pagpapadala ko sa tukso at ang pagbabaliwala ko sa aking asawa, pati ang pagkamatay ng una sana namin supling ng aking asawa. Ang mga salitang binitawan ko noon kay Alisson at ang mga panunumbat nya sa akin ngayon. Ang mga araw na naging kompleto ang aking buhay dahil kasama ko ang aking asawa at anak. Lahat ng scenario na nangyayari sa aking nakaraan pati na sa aking kasalukuyan ay unting-unti bumabalik sa aking isipan. Tumigil ako sa paglalakad at ipinikit ko ang aking mata, inalala ko ang huling tagpo bago ako napunta sa lugar na 'to. Pinaputukan ng aking kalaban ang gulon

