(Ethan)- Continuation of TNW 54 Wala na akong pakialam sa aking mga luha. Blurred na blurred na ang aking paningin. Kaya hindi ko napansin ang sasakyan na palapit sa akin, huli na para iwasan ito. Ipinikit ko ang aking mga mata, hinintay ko na tuluyan sumalpok sa aking kotse ang sasakyan. Pero sumagi sa isip ko ang magandang mukha ni Alisson, pati na ang matamis na ngiti ng aking anak at ang masayang pamilya na bubuuin namin kasama ang kambal namin ni Alisson na isisilang palang. Bakit ba hanggang ngayon, napakahina ko parin? Agad kong ibinuka ang aking mga mata, kinabig ko ang manibela paliko para hindi ako tuluyan masalpok ng sasakyan na ngayon palapit sa akin. Nagdilim ang aking paningin ng bumangga ang aking kotse sa isang puno. Pero, alam kong magigising ako muli para sa mag- iin

