(Alisson) Halos dalawang linggo na ang nakakalipas at unting- unti narin bumalik sa dati ang lahat. Sa araw na yon dalawang buhay ang nawala. Ang isa ay kahit sa huling sandali ng kanyang buhay, nakabawi at nakagawa ng mabuti para sa mga taong nagawan nya ng malaking kasalanan. Ang isa naman ay hanggang sa mga huling sandali sa kanyang buhay, mas pinili nya ang paggawa ng kasalanan. Ang buhay ay hiram lamang natin, hindi natin alam kung kailan ito babawiin sa atin, kaya habang may pagkakataon pa tayo mas piliin natin ang tamang daan. Nakapanghihinayang, pero baka hanggang doon nalang talaga ang buhay nina Fiona at Reymark. Kung saan man sila naroon, sana makita nila ang katahimikan ng kanilang mga puso. Magkasama kami ngayon ni Ethan sa isang mall, nasa may infant section kami. Nags

