(Alisson) "I don't know why nakipagsabwatan pa ako sayo Fiona. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko sa pagkakataon ito." Ani ko kay Fiona habang binabaybay namin ang daan patungo sa kung saan sa tingin nya dinala ni Reymark ang mga anak namin. Ako ang nagmamaneho ng kotse. "I hate you Alisson. I still hate you. But ayaw kong mapahamak si Ehra. At saka ayaw kong mapahamak pa kayo, kaya kita binalaan. Pero, hindi mo pinansin yon babala ko." "At paano naman kita paniwalaan? Gayun, wala ka nalang ibang ginawa kundi ang guluhin kami." "Bumalik lang ako dito para makilala at makasama ang anak ko. Naging masama man ako pero minahal ko ang anak ko. Hirap ako noon sa pagbubuntis sa kanya at wala ako ni isang karamay, pero pinilit ko syang mabuhay. Hinuhusgahan ako ng marami, dahil sa mg

