(Alisson) Pagkatapos namin mag- usap nina mamala at papalo, agad din akong umalis. Nasa isang grocery store ako ngayon, tulak- tulak ko ang isang cart kung saan nakasilid ang mga pinamili ko. Nag- gro- grocery ako ng mga household supply namin at pampersonal hygiene ko rin. Sariling pera ko ang ginamit ko, hindi naman kasi ako binibigyan ng pera ni Ethan. Nahihiya din naman akong humingi sa kanya. Okay lang! Wala naman akong paglaanan sa kunti kong naipon. Kasi, wala na 'yong pinag- iipunan ko. Napatingala ako sa kisame para mapigilan ang nagbabanta kong luha. Hanggang ngayon, ang sakit parin isipin na wala na 'yong ipinagbubuntis ko. Ang dami kong plano para sa magiging anak ko, pero hindi na matutupad kahit isa sa mga iyon. Agad ko din inayos ang aking sarili at pilit na iti