(Alisson) Isa akong desperada. Alam kong ganun ako. Sa kabila kasi ng kalamigan ng pakikitungo ni Ethan akin. Nandito parin ako at nanatili parin ako sa kanyang tabi kahit ramdam ko na hindi nya gusto ang presensya ko. At habang lumilipas ang mga araw, mas lalo kong naramdaman ang kalamigan ni Ethan. Isang kalamigan na mas higit pa sa malamig na yelo. Nagluluto ako ngayon ng hapunan namin ni Ethan. Lagi ko itong ginagawa kahit pa sa mga lumilipas na mga araw, madalas naman syang hindi dito naghahapunan. Isang linggo na mahigit na gabing- gabi na sya umuuwi. Kagabi nga, kalahating gabi na sya nakakauwi. At hindi na nya kinain ang iniluto ko kahit pa iniinit ko ito. Pagod na daw sya at busog. Kinaumagahan naman, maagaang- maaga din syang umaalis. Kaya nga, maaga din akong gumigising p