Chapter 2

1307 Words
Kinjie's P O V "Bro, excited kana ba sa presentation natin bukas kina tina?" tanong pa sakin ni Jack habang hawak hawak yung gitara. Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa kaibigan ko na alam kong kakarating lang sa aking likuran. "Ahhh, o oo naman," nauutal kong sagot. Pilit na maialis ang bagay na bumabagabag sa aking isipan. "Sana huwag tayong mapahiya mamaya. Nandoon pa naman 'yong girlfriend mo." Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Tina sakin kahapon. Sabi daw kasi ni tina, ngayon daw kasi uuwi ang kaibigan niyang galing sa Canada. Apat na taon na rin daw silang nanirahan doon, at ayun! Niyaya niyang kumanta kami sa hinanhanda nilang party. Isang welcome party. Bigla ko na namang naalala si Alex. Pero imposibleng mangyari iyon. I always like this especially when I am alone. Palaging pumapasok sa isipan ko si Alexandra. I want to forget her pero ewan ko kung bakit palagi na lang akong natutuliro. Lalo na nitong dagdaang raw. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kwerdas ng gitara. Halos magdadalawang araw na rin yata kaming nag-iinsayo ng banda para bukas. Ganoon sila ka excited na tumogtug bukas. Pwera na lang sakin. Iba kasi itong kutob ko, ewan ko. Ilang minuto pa at tinawag na rin ako ng iba ko pang kasama. We continued practising our performance. Tatlong kanta ata ang tutugtugin namin bukas at isa na roon ang versace on the floor; isang kantang hinding hindi ko makakalimutan kailanman. Isang kantang nagpapatibok sa aking puso hanggang ngayon. Isang kantang nagpapatibay ng mga alaala sa aking utak. Ang theme song namin ni Alex. Oo! Aaminin ko. Hindi ko pa tuluyang nabura ang nararamdaman ko para kay Alexandra. Mula noong naaksidente kami four years ago hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko na siya nahawakan pa o kaya mahalikan man lang kahit isang beses o sa panghuling pagkakataon. Ni hindi ko nga akalaing makakaabot pa ako ngayon eh! Halos araw- araw ay hindi ko magawang kumain. Halos mababaliw na ako lalo na't noong nalaman kong sa Amerika na sila titira. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya kahit sa kahulihulihang pagkakataon man lang. Nakuha ang atensyon ko nang makita ang babaeng paparating ngayon sa akin. Isang babaeng nagpapahilom ng sugat ng nakaraan. Siya ang nagpapasaya sa'kin ngayon at ang babaeng nagturo sa akin na limutin si Alex, si Tina. Wala man sa kanya ang katangian ng babaeng gusto ko. Ang katangian ni Alexandra na nagustuhan ko pero natutunan ko siyang mahalin kahit na sa umpisa'y napakahirap gawin. Siya ang dahilan kung bakit narito pa rin ako ngayon, buhay at nalalampasan ang pagsubok dati na hindi ko inakalang malalampasan ko. "Hey! Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag, tulala ka! Anong nangyari sa'yo?" hinarangan ni Tina ang paningin ko. Ngumiti ako at saka tiningnan siya sa mata. I give her a comforting look. Para naman makita niya sa mga mata kong okay lang ako kahit papaano. "Wala. Hmmm, gutom lang siguro 'to," kinurot ko ang pisnge niya just to convince her that I am really okay. Hindi ko kayang malaman niya ang totoo. Ayaw kong masaktan siya. Siya ang nagpapasaya sa'kin ngayon at ayokong pakawalan siya tulad ng ginawa ko kay Alex dati. I can't lose a girl, not anymore. Isang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko noon. Matagal ko iyong pinagsisihan ni hindi ko nagawang iligtas siya. Ni hindi ko man lang siya nagawang protektahan at iligtas mula sa aksidenteng 'yon. I feel like useless. 'Yon ang dahilan kung ' bat kinamumuhian ako ng parents niya na siyang dahilan upang paglayuin kami sa isa't-isa. I am that dangerous and useless kaya masaya akong dumating si Tina sa buhay ko. I will be more responsible at this time. Ayaw ko nang maulit pa ang nangyari sa'min ni Alex noon. "Tamang tama, nagdala ako ng pagkain para sa'yo, tara? kain tayo?" wika sa'kin ni Tina sabay abot sa'kin ng pagkaing dala niya na siyang nagpapakukog ng aking sikmura. "tara!" nagugutom kong sagot. Halata sa boses ko ang pananabik. Kanina pa ako dito at ni isang beses ay hindi pa ako kumain. Lintik na mga tropa kasi 'to. Mas pinapahalagahan pa ang pag-eensayo kaysa sa kumain. Nilapag namin ang pagkain sa malinis na bermuda saka kumain na. "Oy! Ano na? Kumusta na ang banda niyo?" halos mabulunan ako ng marinig ko 'yon. Hindi dahil nagulat kung hindi dahil parang hindi lang ata ako handang mag-perform mamaya. "Ahh, o okay lang naman," nauutal kong sagot. Binalewala ko na lang ang tanong 'yon mula kay Tina. I just focused on the food in front of me saka binusog ang sarili. "Good! Pagbutihin niyo ha? Ayaw 'kong mapahiya sa bestfriend ko!" I always hear her motivational message even from the start. Palagi siyang nandito para sa'kin sa tuwing may performance ako sa banda o kaya'y may sinasalang na event. She's been that supportive. Isa sa nagustuhan ko sa babaeng to ay dahil masaya siyang kasama, maalalahanin, saka caring. Medyo tumataba na nga ako ngayon eh! Palagi niya kasi akong pinapakain. 'yon tuloy! Napabayaan ko na ang mga abs ko. "oy! Babe! Ice Cream o! Tara bili tayo!" masigla niyang tugon sabay turo sa sorbetero na ngayo'y dumaan sa harap namin. Napailing ako doon saka ibinalik ang tingin sa kanya. "Huwag na! Tubig na lang ! Sige ka! Tataba ka niyan lalo." Binigyan niya ako ng mapanuyong tingin. Sa tingin na iyon ay alam kong hindi niya nagustuhan ang sagot ko. She's been this demanding when it comes to food. Wala siyang pakialam sa diet diet na 'yan. All she care is that she won't be hungry. Kung makakaya pa ng sikmura niya'y kakainin niya. Naalala ko tuloy bigla si Alex, "O siya siya! Tara na nga! Ang kulit mo eh," sabay na kaming pumunta palapit kay manong sorbetero habang nakaakbay ako sa kanya. I let her choose the flavor that she want. Hinayaan ko na rin siyang piliin ang gusto niya. Someone's P O V "Nak ! Bilisan mo nang magbihis diyan! We're going late to our flight na!" talak pa sakin ni mama. Binilisan ko na lang ang paglalagay ng lipstick sa aking labi. Ito'y kulay pula na bagay rin sa red dress ko. I just want to be simple in the whole flight pero hindi papayag si mama. She wants me to be the most beautiful in everyone's eyes. Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa gusto niya. Ewan ko nito kay mama, ang pangit tignan! Para akong nagsilibra ng birthday neto eh! Ang weird ko tignan sa red dress ko. "Opo! Susunod na po!" Mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko na kulay pula rin. Oo, hindi ba? Ang wierd! Mom wants me to have a red theme today. Gusto niya atang ipahabol ako sa kalabaw. Dinaig pa nito ang Valentine's Day e! Pagkarating ko sa parking na kung saan sina mama naghihintay sa'kin kasama ang driver namin, sinalubong agad ako ng nakakailang na tingin galing kay mama. I just give her a wierd look. Anong meron? "Wow! Anak! You look so gorgeous!" masayang bati sakin ni mama kasamay ang paghwak sa suot kong dress. Ang galing talaga ni mama ano? Ang galing mambola? "Ang galing niyo talaga ma! magaling kayong mambola!" knwari galit kong sambit. She's always be this supportive when it comes to me. I am her one and only child kaya sa'kin nakatuon ang atensyon niya. Minsan nga nakakapagod na. Mom wants me to do what she wants. Gusto niyang masunod ang gusto niya kaya heto ako ngayon, gumagalaw na nakaaayon sa gusto niya. "Hindi ah! I'm just telling the truth anak!" Tinapik ako ni mama. I glared at her. "Haaay! Tara na nga ma ang daldal mo," hinila ko si mama papasok sa kotse. Hindi ko na hinintay pa ang driver namin na pagbuksan kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD