bc

Diary ng Maitim

book_age18+
467
FOLLOW
1.6K
READ
confident
comedy
humorous
straight
ambitious
female lead
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Look: Isang babaeng nuknukan 'di umano ng kagandahan ang natuklasan ng mga ekspertong nagtatala sa kanyang diary tungkol sa status ng kanyang kutis, school life at pag-ibig. Dana ang kanyang pangalan.

Katigan kaya siya ng swerte't makakita ng visible result na papabor sa kanya o kailangan niya ng magpatawas?

chap-preview
Free preview
Prologue & Chapter 1
Eto ang mga positibo kong napagtanto nang minsan… (fine, madalas) akong mapatigil sa bagua: 1. `Pag maitim ka, `di ka na tatablan ng skin cancer dulot ng uv rays. Pinuspos ka na kasi sa melanin. 2. Eto pa - `pag maitim ka at trip mong mag-sleeveless, keri lang. Hindi mo na proproblemahin pa ang dark underarms, provided, nagharvest ka na ng mga itim na talahib. 3. Namumukod tangi ka at litaw na litaw kapag nasa lupon ng mga mapuputing people. Odd man out kumbaga. 4. Ngunit ang pinakamalupit sa lahat, `yong tipong pang Ripley’s Believe it or Not ay `yong mapa-fall mo ang isang lalaking walang-wala sa isip mo na magkakagusto sa`yo sampu ng kanyang kagwapuhan at kagaguhan. Dahil diyan mapapaisip ka kung itutuloy mo pa ba ang paggamit ng gluta. Well, ateng! Sinasabi ko sa`yo! Kung ako nga nagkajowa nang walang halong salamangka, hello? Ikaw pa kaya? But of course, tulad ng disclaimer sa likod ng packaging – results may vary. But here’s what I believe don’t vary: Sa halip na balat mo ang paputiin, paputiin mo ang nasa loob mo. O wala akong sinasabing ngipin ang tinutukoy ko, ha? Ipa-root canal kita riyan nang `di oras! And I don’t mean to say either na i-pressure mo ang sarili mo, i-force ba, `Day, na gumawa ng mabuti para magmukhang good girl. I wasn’t a good girl, I was bad, mischievous. And that’s what this diary was for – para balikan `yong mga kabulastugan ko no’ng College, when I was still fighting (sometimes, literal) for representation under the sun without any umbrella. Obviously, that was the first time I made a diary, so kung anuman saloobin ko sa mga panahon na `yon, I freely jotted them down, ignoring any format. Diary nga e hindi Research, kaya kung mag-FLAMES man ako ro’n, okay lang! Diaries were meant to be personal. But since I knew *crossfingers* na `di mo `to ipagkakalat or ituturing na kalat I might as well share what I had been through when I was young, maalindog, at maganda. Hanggang ngayon pa rin naman. Angal ka? To start with, hindi talaga Diary ng Maitim ang original heading ng journal ko kung `di Diary ng Kulay Brown. But since mas maikli ang ‘Maitim’ sa ‘Kulay Brown’ at mas madalas gamiting pang-asar sa`kin ang una, I went with that. O siya sige na, `di ko na patatagalin pa. Eto na ang diary ni Dana – ang Diyosa na kakutis ng lupa pero `di amoy-lupa! -- Entry 1 Dear Diary, Char! Praktis lang! Haha! Sorry, first time kasi ako bigyan ng diary notebook bilang regalo ni Mama. Gusto kong tanungin bakit hindi niya na lang c-in-ash. Of course, na-appreciate ko ang thought behind the gesture pero habang lumalangoy ako sa dagat ng overthinking, naisip ko na baka binigyan niya `ko nito matapos akong mahuling nagsasalita mag-isa, for the hundredth time, sa bagua, probably thinking nasisiraan na `ko nang bait. Where in fact, nagvi-visualization lang naman ako. Masama bang tanungin ang salamin ng, ‘Who’s the fairest of them all?’ at sagutin ang sarili ng, ‘Ikaw, ikaw Dana!’? I think it’s pretty normal. Nagmukha lang abnormal kasi narinig niya. But anyway, sa`yo ko na lang ichi-chika mga ganap ko sa buhay, mga latest gossip, ganern. So, eto na nga, `Teh. Simot na naman ang bote ng skin whitening lotion na binili ko noong isang linggo. Muli na naman akong nagpadala sa mahahalimuyak nilang kataga na ‘whitens in just 7 days.’ E shuta, 7 years na ang nakalipas kakulay pa rin ako ng champoy! But you know what, I never stopped. As long as may nagsusulputang new brand of whitening products `ge lang, pag-iipunan ko `yan. But I bet kung nagsasalita lang ang mga sabon, lotion, toner at cream na pinampapahid ko siguro nasabihan na akong, “Awat na Dana! Hindi namin keri `yang kaitiman mo! Dasal na lang talaga, Gurl. Dasal.” Mantakin mo `yon, produkto na ang sumuko sa`kin? Hay, oo! Actually, `Te, hindi naman ako gano’n kaitim. O.A lang talaga nila. Tingin ko, nasasabi lang nila `yan dahil kapag nang-aasar na sila e nagsisimula na akong maging hotheaded - nangingitim daw kasi ako sa galit. O `di ba, mapang-asar? Itim lang din naman ang pinag-uusapan, isha-share ko na lang sa`yo `yong na-observe ko sa tuwing gagawing beauty center, tulad kanina. I mean, bakit kaya wala pa akong nakikitang produkto na pampaitim (excluding the tanning products)? Seryoso ako! O ikaw ba, Diary, nakakita ka na? Tsk.Tsk.Tsk. Ang unfair, `di ba? Dapat may over-the-counter din na skin darkening lotion, anti-whitening cream and everything! Kaso wala. Ta’s `pag nagtanong ka, irarason nila, ‘Sino ba gustong umitim?’ Ay naku kung ako Diary, Miss Universe, aba’y sasagutin ko `yan ng, “E `di kayong mapuputi! Ba’t ko pa gugustuhing umitim e `di nadehado ako lalo? Gusto kong umitim lahat ng mapuputi para mawala na ang racism. O `di ba pak na pak ang plataporma! Kung ang mga nationalities tulad ng British, Turkish, Americanish at Chinesh ay magiging magkasing kulay, solve na ang problema natin sa racism. At `pag walang racism, may world peace! And I… thank you!” O `di ba, kasing ganda ko sagot ko. Yet they failed to notice. I pity them for that. It’s their lost. Ta’s ako kasi, Diary, kung `di mo lang alam, ako `yong type of girl na pansinin. Hindi nga lang talaga magaganda ang mga napapansin nila sa`kin. Ang bi-bitter, ano? Exhibit one: `yong kahera sa beauty section. Now I got it, cashiers are people too. Pero `yong nakadaupang palad ko kanina sinabihan ba naman ako ng, “Wow, Ma’am, pinakyaw mo na stock namin nito, ha? Effective naman po ba?” Gusto ko siyang Pacquiao-in. Matutunugan mo naman kung sarcastic o hindi e so ang ginawa ko, dahil sarcastic ang dating sa`kin, binigyan ko siya ng malaking bill. “Ay, Ma’am, meron po ba kayong smaller bill?” tanong niya habang dinudungaw ang aking naka-bukas na wallet. “Wala e. Sorry, ha?” ang sabi ko sa kanya kahit meron at alam niya. Kita ko sa wrinkles niya ang inis. She deserved it! At para makaganti siya sa`kin, gusto niyang paghintayin ako nang matagal bago ako suklian. Sabi ko, “Take your time!” Kung sa tingin niya maiinip ako, ay! Very wrong siya do’n. Siya ang pinainip ko dahil tumingin-tingin pa ako ng maaaring bilihin. “Ma’am! MA’AM!” sinigawan niya `kong ganyan, `Te. `Di ko pinakita sa kanya na nairita eardrums ko sa boses froggy niyang timbre. In fact, nakangiti pa nga akong pumunta sa lugar niya’t humingi ng tawad. “Sorry for waiting!” Nilapag ko ang mga pahabol na pinamili, kinuha ang sukli ko’t nilagay ito sa wallet. “Akin rin `yan.” “Bakit `di niyo na lang sinabay kanina?” aniya. Tinaasan ako ng boses at kilay, Sis. “Ops, ops, ops, customers are always right, right?” ani ko sabay labas pa ng isang malaking bill. Tinignan niya lang `to, Diary. Then after almost a minute, “Puwede ba smaller bill na lang ang i-tender niyo sa`kin, MA’AM?” “Nagmamakaawa ka ba o nang-uutos?” O `di ba, ang b***h ko do’n banda. “Sorry, pero wala akong smaller –” “Kabibigay ko lang ng sukli sa`yo tapos sasabihin mo, ‘Wala’?” Nanlisik ang mga mata niya, Diary. Parang inalihan ng evil spirit! Gano’n. Scary much pero siyempre Queen ako, so I said, “FYI, itong binibili ko ngayon ay pinasuyo lang. Gusto niya ang mag-reflect sa resibo ay `yong items lang niya kaya inuna ko `yong sa`kin. Now, take your time to get my change and I’ll take my time to wait.” Hindi ko `to gusto. Ginusto niya `to. Sana narealize niya na hindi dapat ako binibiro ng gano’n! In the first place, close ba kami? Sure, suki ako ng beauty center nila kapu-purchase ng lotion pero close nga ba kami? Bakit porke maputi siya mamata-matahin niya na ako? E `di natikman niya tuloy kaitiman ko! Alam mo kasi, Diary, dapat ang mga taong tulad niyan `di kinokonsinti. Namimihasa. Sometimes, I wished may kapangyarihan na lang ako tulad ni Elsa. But instead na ma-frozen, mangingitim. Tignan natin kung masabi pa nila, “The darkness don’t bother me anyway!” Well, hanggang dito na lang muna, Diary. Antok na ang Lola mo. Sabay na lang tayong manalig na sana sa paggising ko, kasing puti na ako ng ngipin ko. Entry 2 Dear Diary, Alam mo kung bakit mabilis masimot ang lotion? Dalawang beses kasi ako nag-a-apply - morning and evening, dala-dalawang layer pa! Pero why? Bakit hindi pa rin nagto-took effect sa akin? Ano, ipatawas ko na ba `to? Nakulam ata ako e! Hay! Sa totoo lang, `Te, bad trip ako. Hindi lang sa balat ko pati na rin kay Onin. But of course, you would ask, ‘Who’s Onin?’ Well, according to Wikipedia, Onin is a type of monster Pokemon, `di joke. Basta! He’s not important. Papansin, oo. Since first year College. HRM student kami pareho. Excellent in class, pero nuknukan ng yabang. Looks innocent pero kampon ni Satanas. Then there’s Harold. Hay! Diary, kapag naririnig ko ang pangalang `yan, makita, o masambit, ay! Diyos ko, Lord! Nagkakasala ako sa isip. I feel some kind of way. E pa’no ba naman ang gwapo na pakinggan, ang gwapo pa tignan. He’s aesthetically appealing. More than appealing. Beach wave hair, sun-kissed skin, kisabble lips. Kyah! Diary, I just wet myself. Char! Pero besides the looks, he’s also a true gentleman. Eloquent speaker, matalino pero hindi mayabang. Kung pinakilala niya ang sarili sa klase during Orientation na isa siyang prinsipe, I would buy it. Siya `yong tipo ng lalaking Pacific Ocean ang layo kumpara kay Onin. Onin – o `ta mo, ultimo pangalan ang baho. Tunog bangketa. Disgusting. Si Harold – amoy at mukhang mayaman so it’s easy why everyone, even boys, secretly had a crush on him. Of course, everyone knew I had a crush on him. Kaya nga it’s a lot worse embarrassing nang inasar ako ng impaktong Onin nang mag-‘Good morning!’ sa`kin si Harold. Buti sana kung `yong asar ay, ‘Ayiiee! Binati siya ng crush niya! Ayiie!’ siguro mas nagustuhan ko pa. E hindi e! Siya, may paglabas pa ng puting bimpo’t gulat na ekspresyon as he pointed a finger and said, “Pvta, P’re! Ang itim na Nazareno!” Ta’s ang hinampak, sinubukan pang pumahid sa balat ko kaya mas lalo lang lumakas ang tawanan. Think of Comedy Bars pero ang showing sa umaga. Aba’y naghabulan kami sa corridor! Nakaamba na folding payong ko. And I knew na imbes classroom lang maka-witness ng pang-aasar, nalaman na rin ng iba kay panay sigaw ba naman ng ‘Viva! Viva!’ Coincidentally, nakasuot siya ng maroon na t-shirt samantalang ang buhok ko, that time, naka-perm so in a way ka-resemble ko nga. Hindi ko naratatat ng mura ang depungal kay baka ma-turn off sa`kin si Harold. ‘Consider yourself lucky!’ sabi ko sa sarili samantalang pabalik noon sa classroom. Pero bakit nga ba `ko nagpa-perm no’n? Ay, oo, may 50% discount kasi na promo `yong bagong bukas na salon malapit sa`min. Isa rin talaga sa dahilan kung bakit gusto kong pumuti ay si Harold. Feeling ko kasi mga ivory-skinned, glass-skinned type of girl ang bet niya, so I tried and was determined to be one. Kaya nga after class, dumaan ako sa palengke’t bumili ng isang kilong calamansi. Kasalukuyan akong nangangasim while writing to you. Oo, Diary, tama ka ng hinala. Minarinate ko ang sarili sa calamansi. May lightening property daw kasi ito sabi sa web. Mayamaya, magbabanlaw na rin ako. Until then, kailangan ko munang tiisin ang hapdi ng kalamansi, lalo na sa parteng kili-kili. Ganito talaga ang magaganda, matiisin. Kaya lahat ng pang-aasar titiisin ko. Pero `pag napuno ako sorry na lang sa`yo, Onin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

NINONG II

read
619.6K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.6K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.7K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook