CHAPTER 32

1411 Words
" FORBIDDEN FOREVER " RALEAM'S POV Samahan mo nalang kasi ako. " Pangungulit ni hazey sa akin. Nagyaya kasi siyang uminom daw kami sa bar kung saan siya madalas tumambad, dahil birthday niya ngayon. Dahil pagod ako ay tumatanggi akong sumama sa kanya. Alam mong binabantayan ko si mama, hazey. " Mahinang saad ko sa kanya. Sandali lang naman tayo, mga apat o limang bote lang uuwi na din tayo. " Saad nito. Napalingon ako sa may hagdan ng makarinig ako ng mga yapak at nakita ko si mamang dahan-dahan na nag lakad pababa. Sa kaba ko at tinakbo ko ang distansya namin at mabilis siyang inalalayan. Sumunod din si Hazey sa akin sa pag lapit kay mama at tinulungan naman niya ako. Bakit hindi niyo ako tinawag ma, alam niyo naman na hindi pa kayo pwedeng mag gagalaw. " Nag aalalang saad ko dito pagkatapos namin siyang pa upuin sa sofa. Anak kaya ko naman, at saka mahigit Isang linggo na din simula nang makalabas ako sa ospital. Ayaw ko naman na laging tawagin ka dahil alam pagod ka din sa trabaho mo. " Nakangiting saad nito sa akin. Okay lang naman iyon ma, dinala kita dito para alagaan. " Sagot ko sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang kamay ko at napalingon kay hazey at ibinalik din sa'kin ang tingin. Bakit hindi ka nalang kasi sumama dito sa kaibigan mo? Mag enjoy ka minsan. " Biglang saad niya. Nakita kong lumitaw ang napaka laking ngisi sa mukha ni hazey, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam niyo kasi tita Ellen, kanina ko pa kinakausap iyang si leam, pero ayaw niya po talaga. Birthday ko pa naman Ngayon. " Nakangusong saad nito kay mama. Gusto ko tuloy siyang batukan, dahil nakahanap ito ng kakampi para kumbinsihin ako. Ma ayaw ko, alam mong hindi ako mahilig sa pagba-bar. " Mahinang sagot ko kay mama. Kailangan mong mag enjoy anak, huwag puro trabaho. Pitong taon ka sa Canada at puro trabaho inaatupag mo. Pati ba naman dito sa pinas? Mag enjoy ka! " Saad ni mama. Nilingon ko si Hazey. " Bakit hindi si Jane Ang yayain mo? " Inis Kong tanong sa kanya. Alam mong may Asawa na iyong tao at nakaka-hiya Kay joma. Saka isa pa buntis Siya, Nakalimutan mo na ba? " Nakataas kilay niyang tanong. Napanguso nalang ako sa pagka pikOn ko, kaya Wala akong choice kundi umakyat sa kwarto para mag palit ng damit, dahil sasama ako sa kanya. Sigurado ka bang okay lang na iwan kita dito ma? " Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at tumango, sabay sabing.. " ayos lang sa akin raleam, gusto kong mag enjoy ka. " Aniya. Aalis ka leam? " Biglang sulpot ni Tita Maribeth. Oo po, pinilit Ako nitong si Hazey eh, mag bar daw kami. " Nakangiwing saad ko. Nakita ko ang pag silay ng matamis na ngiti sa mukha ni Tita maribeth. Maganda iyan, Kailangan mong mag enjoy Minsan. Wag laging trabaho. " Saad nito at nag lakad papalapit sa akin. Nilingon niya sandali si mama at nginitian bago muling nag angat ng tingin sa akin. Ako na muna ang bahalang mag bantay sa mama mo, mag enjoy ka doon at wag kang mag isip ng kung ano-ano. Basta alagaan mo Ang sarili mo at wag imunom ng sobra. Okay? " Paalala niya. Tumango ako at hinalikan ang pisnge niya bago lumipat Kay mama at pinatakan ng halik ang noo nito. Bye po alis na kami. " Paalam ni hazey bago kami nag lakad palabas ng bahay. FEW HOURS LATERRRRR Amoy ng sigarilyo, amoy ng alak, sigawan ng mga tao at malakas na tunog ng music ang sinalubong sa amin ni hazey pag pasok namin sa Isang bar na ilang metro lang ang layo sa bahay. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila papunta sa harap ng mismong bar at naupo kami agad sa mahabang upuan. Two shots of vodka please. " Sanay na sanay na saad ni hazey. Kaya hindi ko maiwasang isipin na madalas talaga siya sa lugar na ito. Dahil unang beses kong pumunta dito ay hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin-tingin sa paligid. Here's your order miss ma'am. " Saad ng bartender kay hazey at kinindatan niya lang ito. Aba ang l@ndi-l@ndi na. " Sa isip ko. Inabot niya sa akin ang isang baso at mabilis ko iyong tinungga. Gulat akong tiningnan ni hazey dahil inisang inOm ko lang iyon. Nag mamadali ka ba? " Tanong nito sa'kin.. Tumawa lang ako, nandito tayo para umin0m di'ba? Kaya umiinom ako. " Saad ko at sinenyasan ang bartender na isa pa. Agad naman siyang nag saling at inabot iyon sa'kin.. Hoi relax lang ano ka ba? " Saway sa akin ni hazey, pero hindi ko siya pinakinggan.. Naka ubOs na ako ng limang shots pero hindi parin ako tinatamaan nito, napapa-isip tuloy ako kung ganon na ba talaga ako kalakas sa alak? Another one please. " Saad ko dito. At tinungga iyon kaagad. Dahil hindi ako na kontento ay tinanong ko ang bartender kung may Isang bote ba, at yon nalang ang kukunin ko para hindi na siya mapagod kaka bigay sa'kin. Thank you. " Pasasalamat ko ng iabot niya sa akin ang isang bote ng vodka. Are you with someone miss? " Napalingon ako ng may lalaking biglang sumulpot ay naupo ito sa tabi ko. Tumingin-tingin muna ako sa tabi ko para masiguro kung Ako ba talaga ang tinatanong niya.. Ako ba ang kinakausap mo? " Mahinang tanong ko sabay turo sa sarili .. Yes, Ikaw. " Nakangiting saad nito. Teka San ka pupunta? " Alerto kong tanong kay hazey ng bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo niya. Hinawakan niya ang balikat ko.. " Cr muna ako. " Bulong nito sa akin. Bumalik ka kaagad ha? Malilintikan ka talaga sakin. " Banta ko sa kanya, pero ngumisi lang ito sa akin at tinapik ang balikat ko. Enjoy... " Pabulong nitong saad. At agad akong tinalikuran. So.. are you with someone? " Tanong niya ulit. That woman, I'm with her. She's my friend. " Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.. Muli akong nag salin ng alak sa baso ko at tinungga ulit iyon na parang wala lang. May problema ka ba? " Tanong niya ulit.. Tumawa ako sa tanong niyang iyon, at ano naman ang magiging problema ko. Wala. Ganito lang talaga akong uminom. " Nakangiting sagot ko. Kuya Isang bote pa po. " Nakangiting saad ko sa bartender. Naubos ko na ang isang bote kaya doon ko na naramdaman ang pagka tipsy ko. Tinamaan na yata Ako. " Saad ko sa sarili ko. Kaya pa po ba ma'am? " Concern na tanong Ng bartender. Tumango ako. Kayang-kaya pa kuya, titigil na po ako kapag hindi na. " Pormal kong saad dito Kaya muli siyang kumuha ng Isang bote, binuksan niya muna iyon bago ilapag sa harapan ko. Gusto mo? " Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko. Nakangiti itong tumango at inilapit ang baso niya sa akin, kaya agad ko itong sinalinan ng alak. Hindi ko naisip na may mga babae pa palang malakas uminom kagaya mo. " Natatawang saad niya. Napa suklay ako sa aking buhok, gamit ang mga daliri ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano ito napalunok habang tinititigan ako. Stop staring at me. " Saad ko sabay lingon sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya, Hindi niya siguro alam na napansin ko ang paninitig nito sa akin. I'm sorry.. I can't help it, you look beautiful and masculine while doing the hair thing. " Saad nito at napakamot sa kanyang ulo. Natawa lang din ako dahil madalas ko talagang marinig ang ganong papuri. Lalo pa't may pagka boyish talaga ako kung gumalaw at pumorma. I'm not surprise to hear that. " Maangas kong saad. Ang cool mong tingnan. " Dugtong niya kaya mas natawa na lamang ako. Humarap ako sa kanya at nagulat naman siya sa ginawa ko. What's your name? " Nakangiting tanong niya sa'kin. Tinungga ko muna ang alak na nasa basong hawak-hawak ko bago siya sinagot. I'm raleam... " Sagot ko sabay abot ng kamay ko sa kanya para makipag shake hands. Lucas... " Aniya. It's nice to meet you Lucas. " Nakangiting saad ko sa kanya. It's nice to meet you too leam. Let's enjoy tonight. " Saad niya at tumango lang ako. Nag toast pa kaming dalawa at sabay na ininom Ang alak na hawak namin. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD