CHAPTER 31

1720 Words
YUAN'S POV NA ALIMPUNGATAN ako ng maramdaman kong mag nakadagan sa'kin. Mabilis kong iminulat Ang mga mata ko at ganun nalang ang aking gulat ng makita ko si lyca na nakapatong sa'kin.. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!! " malakas kong bulyaw at dali-daling bumangon.. Bumagsak siya sa paanan ng kama dahil sa biglang pag bangon ko. Itinaas ko ang zipper ng aking pantalon dahil nakababa ito at ibinalik ang pagkaka butones ng polo ko. "Yuan.." tawag nito sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko pero iniwas ko iyon. "What do you think you're doing?!" Inis Kong tanong dito. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa labis na galit na nararamdaman ko. "Please yuan.. Make love to me." She pleaded at me.. Halos malukot ang mukha ko dahil sa ka desperadahan nito, ginapang niya ako sa mismong kwarto ko. How can a woman do that. "Are you out of your mind?!" Gigil kong tanong sa kanya. Mabilis siyang gumalaw at bumama sa kama at nag lakad papalapit sa akin.. "Your my husband and I am your wife, you should pleasure me. " Aniya at sinubukang hawakan ang mukha ako pero umiwas ulit ako at bahagya siyang tinulak. Hindi ko maintindihan ang inaasta niya. It's irritating. "Nonsense, Lyca. Pleasure yourself." Saad ko dito at akmang tatalikuran siya.. Pero mabilis ako nitong hinila pabalik sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisnge ko at sinalubong ito ng halik.. "P*TANG-IN@ LYCA!" Sigaw ko pagkatapos ko siyang malakas na maitulak. Napaupo siya sa ibabaw ng kama. Mabilis kong pinunasan ang labi ko at masama siyang tiningnan. "Hindi mo ba naiintindihan ang salitang boundaries? Are you that st*p*d? If you want pleasure, to it with yourself or find someone else who will do it for you." Singhal ko. Tumayo siya sa pag kakaupo niya. Umangat Ang kamay nito para sampalin ako, pero mabilis ko iyong hinawakan at patapong binitawan. "Asawa mo ako! Trabaho mong paligayahin ako, pero bakit mo ako tinatanggihan? You've been doing this for almost 7 years since we got married." Galit na bulyaw niya sa'kin. Tiningnan ko siya ng diretsyo sa mga mata niya, pinapakita ko kung gaano ka tindi ang galit na nararamdaman ko. "Ayaw kong bastusin at insultuhin ka, pero Ikaw mismo ang gumagawa ng mga bagay para gawin ko sa'yo iyon, Lyca!" I said. Natahimik ito at nag simulang tumulo ang mga luha niya. "Don't expect me to have s*x with you. Ayaw ko nang mangyari ulit ang pagkaka maling nagawa ko noon. Once is enough, Lyca." Kalmadong saad ko at mabilis na humakbang papalabas ng kwarto. "Daddy..." Natigilan ako sa pag lalakad ng marinig ko ang pagtawag ni luhan. Nilingon ko ito at nakita ko ang bahagyang pag punas niya ng kanyang luha. Luhan is not mine, pero napamahal na ito sa akin. And I treat him like my own. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang kanyang luha. Namumungay ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin. "Nag aaway po ba kayo? " Mahinang tanong nito sa'kin. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. "I'm sorry kiddo, when you grow up you will understand what's happening between me and your mom." Saad ko sa kanya. "Are you going to leave, again po? " Inosenteng tanong niya. Nasasaktan ako habang nakatingin sa bata dahil alam kong mas apektado siya. Pero hindi ko din mapigilang ang sarili kong sisihin si lyca dahil sa sobrang pagiging makasarili nito. "Yeah, pero babalik din ako kaagad. Do you want me to buy something for you?" Magiliw kong tanong sa kanya. "Ice cream po. " Sagot niya. Tumango ako at agad siyang binuhat pabalik sa kwarto niya. "Sleep. Pag gising mo may ice cream kana." Nakangiting saad ko dito habang ginugulo Ang kanyang buhok. "Good night daddy, I love you." Saad nito sa akin. Yumuko ako para halikan ang kanyang noo. "I love you too. " Pabulong kong saad sa kanyang tainga. Hinintay ko munang tuluyan siyang makatulog bago siya iwanan. Kinuha ka ang susi ng aking sasakyan at agad na pinuntahan ang sasakyang Kong naka parada sa labas ng gate. Mabilis ko iyong ini-start at agad na pinaharurut paalis ng bahay.. FEW HOURS LATERRRRR Ipinarada ko ang sasakyan sa harap ng bahay ni Dave. Agad akong bumaba at nag doorbell dahil naka lock ang gate nito. Maintindihan ko rin kung hindi niya ako mapag buksan dahil alas dose na nang gabi at baka tulog na ito. Handa na akong umalis ng biglang humukas ang pintuan ng bahay niya. Lumabas si Dave doon na walang pang itaas na damit at nakapamulsang nag lakad papunta sakin. "Oh napadpad ka dito ng ganitong oras? " Salubong nito sa'kin ng mapagbuksan niya ako ng gate. "Hindi ako makatulog. " Pag sisinungaling ko.. "Hindi naka tuLog? O may pinag awayan na naman kayo ni lyca? " Saad nito. Hindi ko na siya sinagot at dire-diretsyong nag lakad papasok sa loob ng bahay niya. Napatingin naman sa lamesa niya ng makita ko ang iilang bote ng beer doon, tatlo ay nasa sahig ibig sabihin naka tatlong bote na siya. "Problemado ka ata? " Nakangising tanong ko dito sabay kuha bg isang bote at binuksan iyon. "Hindi naman, may ginagawa lang ako at gusto kong matapos ngayong gabi, kaya yan para hindi makatulog." Saad nito pero hindi ako kumbinsido. Dahil alam kong hindi niya ugaling uminom ng ganitong oras kapag hindi siya problemado. "Wag mong ibahin ang usapan yuan.. Ikaw itong mukhang problemado eh at bumyahe ka pa talaga papunta dito." Nanunuyong tanong nito. "Sinong matutuwa kapag ginapang ka ng babae." Panimula ko sa gulat nito ay naibuga niya ang iniinom niyang beer. "What the... Lyca did it?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Hindi ito ang unang beses na ginawa niya iyon, at hindi din ito ang unang beses na tinanggihan ko siya." Sagot ko sa kanya at muling tinungga ang bote. "It's normal to have s*x with her, because she's your wife." Saad niya sa'kin. Mapakla akong natawa, Hindi ko alam pero nakakaramdam talaga ako ng pagka pikon sa t'wing maririnig ko ang katagang iyon. She's your wife... Your wife... Wife.... Nakaka inis mang sabihin, pero hindi talaga ako natutuwa kapag naririnig ko iyon sa iba. We set our boundaries to each other Dave. We get married because that's what she wants at ginawa ko. I let her scream at me hurt me physically and whatever. "Ayaw kong bastusin at insultuhin siya, pero siya mismo gumagawa ng mga bagay para gawin ko iyon. She's desperate. " Saad ko. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Dave sa tabi ko. "May karapatan siyang maramdaman iyon at maging desperada dahil sobrang lamig ng pakikitungo mo sa kanya, she's your wife and she has her needs, same as you." Seryosong saad niya. "Pero kaya kong makaraos kahit mag-isa lang ako, I know she can do it on her own too." Mahinang saad ko. "Bakit niya gagawin yon eh meron naman siyang Asawa at Ikaw 'yon. Bakit hindi mo subukan? Malay mo kaya mong gawin." Saad niya. Sa sinabi niyang iyon ay muling sumagi sa isip ko ang alaala noong gabi, bago kami ikasal. Iyon ang gabi na sinubukan kong makipag t*lik sa kanya. "Ginawa ko na iyon Dave, pero hindi ko talaga kaya. Galit na galit siya nang gabing iyon dahil na bitin siya, kasi hindi ko kayang ituloy." Mahinang usal ko.. "Si raleam ba ang dahilan?" Biglang bulalas niya kaya napalingon ako sa kanya. Tipid akong napangiti at muling iniba ang direksyon ng mga mata ko. "Sa t'wing hinahalikan ko si lyca si Raleam ang iniisip ko, sa t'wing sinusubukan kong galawin si Lyca, ay sumasagi sa isip ko ang mukha ni raleam na umiiyak." Mapait kong saad. Huminto ako saglit sa pagsasalita at binuksan ang panibagong beer at tinungga iyon. "Every time I look at my wife, I wish that she was Raleam, na sana si Raleam ang pinakasalan ko. Sana hindi ako naging mahina at hinayaan ang sarili kong matali sa babaeng hindi ko mahal." Dugtong ko. "Hindi mo talaga kayang matutunang mahalin ang Asawa mo?" Tanong nito sa'kin. "I can't.. Ang hirap turuan ng puso ko, my heart chose raleam, not me. I fell in love with her because that's what exactly my heart felt. " Sagot ko sa kanya. Alam kong nagiging makasarili din ako, pero yun ang totoo. Ilang taon akong nag dusa para maging buo kami, pero hindi iyon ganon kadali. "So what's your plan now? " Maya-mayang tanong ni Dave. Malalim akong bumuntong hininga. At sandaling nag isip ng kung ano ang gagawin ko para maka alis na relasyong ito. "Nag file na ako ng annulment. Dalawang taon na ang nakalipas. " Saad ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag tingin nito sa'kin.. "Paano kung hindi siya pipirma?" Tanong niya. "It doesn't matter, Binayaran ko na ang attorney ng mahigit pa sa presyong hinihingi niya para mapa walang bisa ang kasal namin." Sagot ko sa kanya.. "Paano kung babaliktarin ka niya?" Tanong ulit nito.. "She can't do that, I can use the DNA of our child as an evidence that she lied to me. She can't used any accusations of me especially went it comes to the child dahil sustentado ko iyon at may records sa kumpanya na kinukuha niya lahat ng sahod ko at sobra-sobra pa nga iyon para sa kanilang dalawa. " Saad ko sa kanya. Naghari ang katahimikan sa pagitan namin ng muli siyang mag salita. "Anong susunod mong gagawin kapag naging malaya ka na?" Nananantyang boses na saad nito sa'kin.. "I will win Raleam's heart, again. Dave. " Sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko at hindi na kailangan sabihin ang pangalan nito. "Paano kung ayaw na niyang bumalik sayo? " Nang aasar na tanong nito. Mahina akong tumawa. "I will get her back, she will end up with me." Siguradong saad ko. "How can you be so sure? Tinataboy ka nga niya. ?" Saad nito at natawa. "Dahil gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya ulit, I am d*@d serious about it dave. I will get her back no matter what it takes, because from the very start. She belongs to me." Saad ko at mahinang inilapag sa lamesa ang hawak kong bote na wala ng laman.. "Malalaman natin. " Saad ni Dave kaya napa-iling nalang ako. TO BE CONTINUE....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD