" FORBIDDEN FOREVER "
JANE'S POV
MAHAL... "Narinig kong tawag ng asa ko kaya mabilis kong nilingon ito.
Sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan naman niya ako sa noo.
Kumusta ang trabaho? " Malambing kong tanong dito.
Gumalaw ang kanyang braso.. " As usual, nakaka pagod. " Natatawang saad niya.
Wala namang trabahong Hindi nakaka pagod. " Sagot ko sa kanya.
Humiwalay Siya sa pagkakayakap sa'kin at hinaplos ang aking tyan.
Walang cravings today? " Tanong nito sa'kin.
Umiling lang ako. I'm two months pregnant actually at nag ke-crave na ako ng kung ano-ano. Sobrang aga Kong nag lilihi.
Matanong ko lang, may tinatakbuhang lalaki ba iyong kaibigan mong si Hazey? " Biglang tanong nito kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.
Bahagyang nangunot ang noo ko.
Bakit mo natanong? " Nagtatakang saad ko.
Sandali itong ngumiwi. " I saw her yesterday at may nakasunod na lalaki sa kanya, parang nag aaway. " Tumatawang saad niya.
Natawa naman ako bigla. NBSB ang isang iyon, paano mangyayari ang ganon. " Sa isip ko.
Wala naman siyang nai-kwento. " Saad ko.
Baka Hindi nag sasabi dahil ayaw niyang malaman niyo, she seems like avoiding the guy. " Sagot ni joma sa akin.
Susubukan kong tanungin Siya tungkol dyan joma, nakakapagtaka naman dahil nag sasabi naman siya sa amin kung anong nangyayari sa Buhay niya. " Saad ko.
Tumango lang siya kaya hindi na din ako muling nag salita.
HAZEY'S POV
Kakainis talaga bakit nandito ang isang to, ang alam ko ay sa Cebu siya mag lalagi ngayong taon, tapos biglang SURPRISE!!!
Siya pala ang architect ng bahay ni Raleam.
" FLASHBACKS "
Bakit ba? Anong problema? " Nag papanic na tanong ni raleam habang hinihila ko siya papalayo kay Dave.
Inis ko itong nilingon. " Bakit hindi mo sinabi na yan Pala ang architect ng bahay mo? " Tanong ko sa kanya.
Gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ata niya naiintindihan ang sinasabi ko.
Kilala mo ba si Dave? " Tanong niya sa'kin.
Napairap nalang ako sa kawalan at pinagkrus ang magka bilang braso ko.
Wag mong sabihin na siya ang lalaking tinatakbuhan mo? " Nanunuksong tanong nito.
Tinalikuran ko lang si leam at nag simulang mag lakad, bakit ba kasi ako ganito mag react? Nalaman niya tuloy.
Sandali!! Nag uusap pa tayo, hoy. " Tawag nito sa'kin.
Tumakbo siya papunta sa harapan ko kaya tumigil ako sa paghakbang.
Mag kwento ka dali. " Excited na sabi nito.
Wala yon, ano ka ba. Na shock lang ako. " Palusot ko at umiwas, pero hindi niya ako hinayaang maka alis sa harapan niya.
Dali na sabi.. Hindi ako makakatulog kapag hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol sa inyo. " Pangungulit nito.
Huminga ako nang malalim, dahil wala na talaga akong kawala. Kaya nag kwento ako sa kanya, Wala akong itinira at sinabi ko na ang lahat..
Talaga? Walang hiya ka talaga hazey, nag lilihim ka sa amin ni Jane, kung hindi pa kayo nag kitang dalawa dito. Hindi ko pa malalaman. " Tumatawang saad nito.
Tumigil ka nga Ang ingay mo. " Saway ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pag tawa na parang t*nga.
" END OF FLASHBACK "
Grrrrrr kaasar. " Saad ko sa sarili at agad na tumayo mula sa pag kakaupo ko, dahil aalis ako.
Haze... " Narinig ko ang boses ni Dave na papalapit sa'kin.
Nataranta ako bigla kaya dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at nag mamadaling umalis.
SANDALI NGA LANG! " sigaw nito at mabilis na nahawakan ang balikat ko.
Marahas niya akong hinila kaya napaharap ako sa kanya. Salubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Halatang naiinis.
Problema mo? " Mahinang tanong ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa tanong ko.
Ikaw ang problema ko, bakit kaba umiiwas sa'kin? " Nakataas kilay niyang tanong pabalik sa'kin.
Marahas kong inalis ang braso ko sa pagkaka hawak niya at humakbang ng dalawang beses pa atras para magkaroon ng distansya sa pagitan namin.
Wag kang mag tangkang lumapit. " Banta ko dito.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong hindi siya gumagalaw sa pwesto niya.
Now tell me, why are you running away from me? " Mariin niyang tanong sa'kin.
Naniningkit ang mga mata ko at sinalubong ang kanyang tingin.
Kung ano man ang dahilan ay akin nalang iyon, at Saka bakit ba big deal sayo kung iniiwasan kita? May dahilan ba para dumikit Ako sayo? " Nang hahamong tanong ko.
Napahawak siya sa kanyang sentido habang naka pamaywang itong nakatayo sa harapan ko. Kung may nag bago man sa kanya yun ay mas naging mature ang katawan niya at ang kanyang mukha kung ikukumpara noong huling beses na mag kita kami.
Wala naman akong matandaang pwedeng maging dahilan ng pag iwas mo sa'kin hazey. " Biglang bulalas niya.
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Talaga lang, nagka amnesia ba Siya? O sir@ulo lang talaga ang isang to.
Wala naman pala, guni-guni mo lang itong sinasabi mong pag iwas ko sayo. Kaya tumigil kana sa kaka sunod sakin dahil hindi nakakatuwa. " Saad ko sa kanya.
I've been looking for you everywhere after that night hazey. " Biglang saad niya kaya natigilan ako.
Namumungay ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
I want to take responsibility for my reckless actions, pero hindi kita mahanap at ngayong nakita kita ay umiiwas ka. " Mahinang saad niya at nag simulang humakbang papalapit sa akin at napapa atras din ako.
Sabi ko Dyan ka lang, mag uusap lang naman tayo. Hindi kailangang lumapit Dave. " Pigil ko sa kanya.
What the h*ll hazey. Just tell me what exactly is your problem? " Inis nitong tanong.
Kita mo? Siya na itong t@r*nt@d0 siya pa itong galit at naninigaw.
HINDI AKO BINGI, KAYA WAG MO'KONG SIGAWAN! " Singhal ko sa kanya at natigilan siya.
You rejected my confession, so there's no use of clinging to you anymore. Kinlaro ko na ang lahat sa pagitan nating dalawa, Wala kang responsibilidad na dapat pangutan, dahil ayaw ko. " Saad ko sa kanya.
Napalunok siya habang nakatingin sa akin. I saw a hint of built in his eyes.
Kaya please lang. Tumigil kana sa kaka sunod sakin dahil hindi nakakatuwa, kundi nakaka irita. " Saad ko dito at agad siyang tinalikuran.
Padabog akong nag lakad palabas sa coffee shop at agad na pumara ng taxi.
" FLASHBACKS "
Dave gusto kita. " Saad ko sa kanya.
Nakita ko ang pagka gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin.
Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko gusto kita. " Pag uulit ko.
Nagulat ako dahil kumunot lang ang noo niya na parang gusto niyang matawa.
Stop saying nonsense hazey, Hindi nakakatuwa Ang ganyang biro. " Tumatawang saad niya.
Napalunok ako at naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko nag babadyang tumulo ang luha. Nakita niya iyon kaya natigilan siya.
H-hindi ako nagbibiro. G-gusto k-kita. " Saad ko ulit.
Hazey.. " sambit nito sa pangalan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Inangat niya ang baba ko para pag pantayin ng mga mata namin.
Masyado ka pang Bata para sakin. " Biglang saad niya.
Dun na nag simulang pumatak ang mga luha ko, sa inis ko at marahas kong inalis ang kamay niya na naka hawak sa balikat ko at tumakbo papalayo sa kanya.
" END OF FLASHBACK "
Napahiya ako doon eh. 18 na ako nang mag confess Ako sa kanya, pero tinawag niya parin akong bata. Kaasar talaga.
Natigilan ulit ako ng muling sumagi sa isip ang ibang memorya. Alaala iyon nang gabi kung kailan may mangyari sa aming dalawa.
Sobrang lasing niya nang gabing iyon, halos hindi na niya ako makilala.
" ANOTHER FLASHBACKS "
Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan, at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pangalan ni Dave. Pero ipinas sawalang bahala ko muna ang nangyari kama kailan lang at sinagot Ang tawag nito.
H-hazey.. " tawag nito sa pangalan ko.
Lasing ka ba? " Diretsyong tanong ko sa kanya.
A bit. C-can you... you c0m3 here? " Mahinang tanong nito.
Sige, sabihin mo sa akin ang address, pupuntahan kita. * Saad ko sa kanya.
Pagkatapos niyang banggitin Ang address ay agad kong pinutol ang linya at dali-daling pinuntahan Siya.
Few hours laterrrrr...
Nadatnan ko si Dave na nakasalampak ang mukha sa ibabaw ng lamesa at tulog ito. Agad ko siyang nilapitan at sinilip ang mukha niya.
Dave... " Tawag ko sa kanya.
Mabilis siyang nag angat ng tingin sa akin, at bigla siyang ngumiti pagkatapos akong makita..
K-kanina pa kita hinihintay... " Lasing na saad nito at biglang niyakap ang baywang ko.
Nagitla ako ng isiniksik niya ang kanyang Mukha sa aking tyan.
Umuwi na tayo. " Saad ko ulit at tinulungan siyang tumayo.
Bango bango naman. " Biglang nitong inamoy Ang leeg ko kaya bahagya akong napa singhap.
Umayos ka anga! Ang bigat-bigat mo kaya. " Reklamo ko sa kanya.
Tumawa lang siya habang naka akbay sa akin.
Ipinasok ko siya sa loob ng kotse niya at agad na kinuha ang susi nito sa kanyang bulsa dahil Ako Ang mag mamaneho.
Juskooo nabalian ata ako ng buto. " Saad ko sabay stretch pagkatapos ko siyang maihiga sa kanyang kama.
Lumuhod ako para tanggalin ang kanyang sapatos. Pagkatapos ay isinunos ko ang kanyang medyas. Nang mag angat ang kamay ko para hubarin ang kanyang damit ay nagising siya at hinawakan ang pulsuhan ko.
What are you doing? " Mahinang tanong nito habang naka tingin sa akin.
Papalitan ka ng damit. " Saad ko.
Bigla itong bumangon mula sa pagkaka higa. Mabilis niyang nahawakan ang baywang ko. Napatili Ako ng bigla ako nitong inikot.
Natakpan ko ang bibig ko ng tuluyan niya akong kubabawan.
Dave.. papalitan natin ang damit mo. " Mahinang saad ko habang nakalagay Ang nga palad ko sa dibdib niya.
Kinuha niya lang iyon at inalagay sa uluhan ko. Sa Isang kurap lang ay naramdaman ko ang kanyang labi sa akin.
" END OF FLASHBACK "
Ma'am nandito na po tayo. " Biglang anunsyo ni manong driver kaya natauhan ako.
Agad akong nag bayad at bumaba sa taxi.
Tss.. " asik ko sa sarili ko at nag lakad papasok sa bahay namin.
Imagine pa self. " Sabi ko sa sarili ko at bahagyang hinila ang aking buhok.
TO BE CONTINUE....