" FORBIDDEN FOREVER "
RALEAM'S POV
Sa apat na araw na pananatili ni mama sa ospital ay hindi ko mahagip si papa hanggang ngayon na tuluyan na siyang makakalabas ng ospital.
Dapat naman ay nag pahinga kana Muna anak, nandito naman ang dalawa mong kapatid para alalayan ako. " Saad ni mama habang nag lalakad kami sa hallway.
Okay lang ma. Wala naman akong ginawa kaya walang problema. " Nakangiting saad ko.
Sigurado ka bang okay lang na doon nuna ako tumira kina tita Maribeth mo? " Tanong niya ulit.
Oo man, ayos lang kay tita, sinabi niya pa nga na mas mabuti kung ganon para mabantayan ka, at malapit na din namang matapos iyong bahay na pinapagawa ko. Pwede kanang lumipat. " Saad ko sa kanya.
Nginitian lang ako nito at hindi na muling nag salita pa. Naging matindi ang pagtatalo namin ng dalawa Kong kapatid nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa Plano kong ito.
" FLASHBACKS "
Bakit mo ba gustong tumira si mama kasamo mo? Eh nandoon naman kami sa bahay. Maalagaan namin siya. " Si ate shiela.
Napa iling na lamang ako dahil ang hirap niyang umintindi.
Alam ko! Pero mas mabuting nasa tabi ko siya. Para hindi na mangyari ang ganon. " Saad ko.
Tinutukoy ko ang unang beses na atakihin si mama kaya napa rito siya sa ospital.
Sinasabi mo bang pabayang anak kami? " Tumaas ang sulok ng labi ni kuya rolly habang sinasabi iyon.
Wala akong sinabing ganun, Ang akin lang ay gusto kong maka sigurado dahil mahirap na kung maulit muli iyon. " Saad ko at agad na tinapos ang usapan..
Wala na silang magawa kaya umalis nalang silang dalawa at hindi na kailanman nag pakita.
" END OF FLASHBACK "
Ayaw Kong maging pabigat sayo anak. " Saad ni mama pagkatapos ko siyang alalayan papasok sa loob ng kotse.
Ma.. Hindi ka abala okay? Gusto kitang alagaan kaya hayaan mo ako. " Saad ko dito..
Ely.. ikaw na mag maneho. " Saad ko sabay bigay sa kanya ng susi.
Umupo ako sa tabi ni mama at agad na pinaandar ni Ely ang sasakyan paalis sa ospital.
" FEW MINUTES LATER "
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay nakita ko si tita Maribeth at Tito tonny sa labas ng gate, na mukhang hinihintay kami.
Nauna akong bumaba para alalayan si mama.
Welcome home Ellen. " Salubong ni Tita sa kanya.
Nginitian siya ni mama at hinalikan naman ni Tita ang pisnge nito at tiningnan ang kanyang kabuuan..
Kumusta naman ang pakiramdam mo? " Tita ask her genuinely.
Eto nag papagaling mabuti nalang at nandito itong dalaga ko. " Natatawang saad ni mama.
Tinulungan ako Tita Maribeth para alalayan si mama hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay ay agad naming pinaupo si mama sa Isang mahaba at malamig na sofa.
Salamat sa pag tanggap sa'kin dito Maribeth. " Sinserong saad ni mama.
Inabot ni Tita ang kanyang kamay at marahan iyong hinaplos.
Hindi ka naman ganon kalayo sa'kin Ellen, para ko na ding anak itong si raleam at maliban doon ay gusto din kitang tulungan. Lalo pa Ngayon na halos napapabayaan kana ng mga panganay mong anak maging ang kapatid ko na Asawa mo ay hindi na din mahagilap. " Mahabang saad ni Tita.
Napayuko lang si mama at agad namang tinapik-tapik ni Tita ang kanyang likod para pakalmahin Siya.
Dahan-dahan lang eman. " Saway ko sa kanya ng patakbo itong naglalakad habang dala Ang mga gamit ni mama.
Sumunod naman sa kanya si Ely na ngayon ay mag bitbit na mga bag at iba pa. At nasa likod niyo si yuan na tinutulungan silang mag hakot ng mga gamit.
Nag salubong ang mga mata namin kaya agad ko iyong iniwas at itinuon ang atensyon sa Nanay ko na hanggang ngayon kausap parin si tita.
Oh yuan nandito ka Pala? " Salubong na bati sa kanya ni Tito.
Good afternoon po. " Nakangiting bati niya sabay lapag ng mga gamit na bitbit niya.
Salamat kuya. " Si Ely at tinanguhan niya lang ito.
Nakita kong nag angat ng tingin si mama at palipat-lipat itong nakatingin sa aming dalawa ni yuan.
Kumusta ang trabaho? " Tanong ulit ni Tito at nag lakad papalapit sa kanya.
It's hard and busy Tito, but it's still successful. " Nakangiting saad nito.
Nanibago ako sa paraan ng pagngiti niya, ilang beses ko na siyang makitang ngumiti, pero kakaiba ang ngayon. Parang hindi iyon umaabot hanggang sa mga mata niya.
Leam. Ihatid na natin ang mama mo sa kanyang kwarto. " Natauhan lang ako ng tawagin ni Tita ang pangalan ko.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at nag simulang mag lakad habang hinawakan ang kamay ni mama.
Napalingon pa ako kay yuan at napalunok ako ng mag salubong ang mga mata namin at ngumiti siya sa'kin. Wala akong naging reaksyon at ibinalik lang ang tingin ko sa harapan.
Mag pahinga kana ma. " Saad ko pagkatapos naming siyang ihatid sa kanyang kwarto.
Naka upo lang si mama kama habang pinapanood akong inaayos ang gamit niya. Kaya nagtaka naman ako at tiningnan siya.
Bakit ma? May dumi ba sa mukha ko? " Natatawang saad ko. Umiling lang ito at sinenyasan akong lumapit sa kanya.
Kaya agad naman akong tumayo at nag lakad papunta sa kanya, hinila niya ako pa upo sa kanya g tabi at nag patianod lang ako.
Anong meron sa inyo ng lalaking nag ngangalang yuan? "Biglang bulalas nito.
Muntik akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Unexpected ang tanong na iyon.
Bakit niyo naman na tanong ma? " Curious kong saad.
Ngumiti lang siya habang tinitingnan ako. " Alam mo kasi anak, kahit hindi mag salita ng Isang tao tingnan mo lang ito sa mata at makikiti mo iyon doon. " Saad nito sa akin.
Hindi kita gets ma. "Natatawang saad ko.
Nakikita ko iyon sa paraan ng pagtingin niya sa iyo raleam. He's longing for you and I saw it in his eyes. " Matamis nitong saad.
Alam mo kasi ma. May mga bagay na hindi na talaga dapat ipilit. " Tipid kong saad.
At bakit naman anak? Kung gusto mo bakit hindi mo ipilit? " Aniya kaya natawa naman ako.
Iba sa sitwasyon namin ma at ayaw ko na sanang pag usapan ang mga bagay na iyon, dahil matagal na panahon na ang nakalipas. " Sagot ko sa kanya.
Mabuti nalang at hindi na siya nag tanong pa at humiga nalang sa kanyang kama at agad sing nakatulog. Kinumutan ko ito at ng Makita kong ayos na siya ay agad akong lumabas sa kanyang kwarto.
Naabutan ko pang nag tatawanan sina yuan kasama si tito. Bigla itong lumingon sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin at diretsyong nag lakad papunta sa kusina.
Habang nasa kusina ako ay nakarinig ako ng mga yapak at papalapit ito sa akin.
How's your mom? " Narinig ko ang boses ni yuan.
Okay lang naman, Kailangan niya lang mag pahinga kaya dito muna siya sa akin titira. " Sagot ko na hindi nakatingin sa kanya.
How about you? Kumusta kana? " Tanong niya ulit.
Sa mahigit Isang buwan ko dito ay ito palang Ang unang beses na mag usap kami na hindi tungkol sa trabaho.
Napalunok ako ng maramdaman kong malapit na ito sa likuran ko dahil nararamdaman ko ang init ng katawan niya sa aking likod.
What happened to the professionalism yuan? " Kalmadong tanong ko.
Wala tayo sa construction site raleam. " Halos pabulong nitong saad sa aking tainga kaya napapikit ako.
Ilang taon kong binuo ang isang malaking yelo sa buong puso ko at hindi ko hahayaan na matutunaw lang iyon agad-agad.
You're in my territory yuan, engineer ka ng pinapagawa kong bahay at kliyente mo ako. Nag ta-trabaho ka sa'kin at nag babayad ako. Dapat mo yang ilagay Dyan sa kokote mo. " Mahinang saad ko sa kanya at umalis sa kanyang harap.
I'm just asking how are you Raleam, why so grumpy? " Naguguluhang saad niya.
Wala tayong dapat pag usapan lalo na kapag personal kong Buhay Engr Garcia. We only see each other because of work that's it. " Saad ko at muli siyang tinalikuran..
Raleam. " Tawag nito habang sinusundan ako..
Pwede bang tumigil kana! Bakit Hindi ka nalang pumunta sa construction site at asikasuhin mo Ang trabaho mo. " Walang ekspresyon kong saad.
Umangat ang sulok ng labi niya.
Bakit ba gustong-gusto mo na agad matapos ang bahay mo raleam? Because you're moving out with your boyfriend? " Saad nito.
Mabilis na nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Kung ano man ang rason ko ay wala ka nang pakialam doon, just do your job dahil binabayaran kita. " Saad ko.
Gumuhit ang sakit sa mga mata nito habang nakatingin ng diretsyo sa akin.
Ang laki ng pinag bago mo, Hindi ka naman ganito dati eh. " Mahinang bulalas nito.
Hindi ko na siya sinagot at agad na tinalikuran. Nag lakad ako papunta sa likod ng bahay para magpa hangin.
Masisisi mo ba ako kung naging ganito ako? Ikaw din naman mismo ang naging dahilan kung bakit ako nag bago.
TO BE CONTINUE