" FORBIDDEN FOREVER "
YUAN'S POV
Good morning Engineer Garcia. " Bati Ng iilang staff pagka pasok ko sa mismong site.
Tumango lang ako sa kanila bilang pagbati.
Kumusta dito? " Tanong ko ng makita ko ang isa sa mga foreman.
Nag lakad ito papalapit sa'kin.
Okay naman po lahat engineer, walang problema. " Sagot niya sa'kin. Nakita ko sina Generoso at Borommeo. Dalawa sa mga architect sa project na ito..
Lumapit ang dalawa sa'kin habang dala-dala ang blueprint.
Good morning ENGR. " Sabay na bati ng dalawa. Tumango lang ako sa kanila.
Nandito ka ata? Hindi busy? " Generoso ask me..
Pinag krus ko lang ang magkabilang braso ko at tumingin sa mga trabahanteng busy sa pagta-trabaho..
Not really, may mga tao naman ako doon at nandoon din si Dave ngayon . Kaya okay lang na nandito ako ngayon. " Tipid kong sagot.
Alam nila ang tungkol sa ginagawang bahay ni Raleam, si Dave ang gusto niya architect kaya ako ang naging engineer ng bahay niya. Dahil kinumbinsi ko si Dave.
I'm so desperate so see her. Kahit sa ganong paraan man lang ay malaya akong makita siya. Kahit na nakikipag usap lang ito sa'kin kapag tungkol sa trabaho ay okay lang din. Ang importante ay kinakausap niya parin ako.
And I'm trying my best to be professional, kahit minsan gusto ko siyang hawakan at yakapin.
So nakikita mo siya palagi? " Nanunuksong si Borromeo.
Kinda.. but it's seems like we're totally strangers to each other. Shes giving me a cold treatment. " Mapaklang saad ko.
Narinig ko ang pag sipol ni Kurt sa gilid ko. Kaya bahagya kong siniko ang braso nito at natawa naman siya doon.
Okay na din iyan, dahil nalalapitan at nakikita mo parin naman siya. You can used the project as an excuse to see her. " Si Rafael said.
Tumango lang ako biglang pag sang-ayon at hindi na muling nag salita pa. Nang mabagot ako ay nag palit ako ay hinubad ko ang aking damit at isunuot ang uniform na katulad lang din ng mga suot ng construction workers.
Hinubad ko din ang aking SapatOs ang pinalitan ng boots na kapares lang ng uniform ko. Kumpleto Ako sa gamit dahil nag simula din ako sa pagiging construction worker bago maging Isang engineer..
Naku sir, Hindi na kayo dapat nandito. " Nahihiyang saad ng isa sa mga tao ko.
Tinapik ko lang ang balikat nito at sinabing okay lang dahil sanay naman na ako sa ganito. Mas mabuti na din na tumulong ako para mapadali Ang trabaho, dahil mababagot lang din naman ako kapag buong araw lang akong nakaupo at panoorin lang silang nagta-trabaho.
Lumipas ang mahigit tatlong oras ay tumunog ang bell, senyales ng break time. Inayos ko muna ang mga ginamit ko bago iyon iwanan.
Sir Yuan kain po tayo. " Yaya ni manong Roy sa'kin.
Nilapitan ko ito at sinilip kung anong kinakain nila. Tinolang manOk ang kanilang ulam..
Okay lang ba? " Natatawang saad ko.
Syempre naman sir, malakas ka kaya sa'min. Upo na kayo at sabayan kaming kumain. " Saad nito sa'kin..
Narinig ko pa Ang tawanan ng iba niyang kasama, agad akong naupo sa tabi nito at sumandok ng pagkain..
Kumusta po Ang buhay-buhay engr? " Tumatawang tanong ng Isang trabahanteng mas Bata sa aming lahat.
Okay lang naman, Buhay pa rin. " Maikling saad ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa loob ng aking bulsa at nakita kong si Dave iyong tumatawag.
Oh? " Agad kong saad pagka sagot ko ng tawag..
Wala man lang bang hi Dyan? " Nang aasar na tanong nito sa kabilang linya.
Tumigil ka, Wala akong oras para makipag lokohan. " Sagot ko sa kanya. Habang patuloy sa pagsubok ng pagkain.
Nandito ako sa pinapa gawang bahay ni raleam ngayon at may ibabalita ako sayo. " Saad nito na nakakuha ng aking atensyon..
May nakita kong lalaki dito kanina, dinadalaw ata si raleam. " Saad niya bigla.
Bigla akong napahinto sa pagkain ko at inilapag ang plato sa aking pinggan, unti-unting nag salubong ang aking kilay. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako nang inis eh wala namang namamagitan sa'min ni leam. Dahil matagal na panahon na niya iyong tinapos.
Nag pakawala ng Isang malalim na buntong-hininga, Nakita ko kung paano nagsi lingunan ang mga Kasama ko sa lamesa na abalang kumakain..
Diego daw ang pangalan. " Rinig ko pang saad nito sa kabilang linya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa biglang pagka pikon. Gusto kong matawa na hindi ko alam.
Sobrang close nilang dalawa, Nakita ko pang yakapin ng lalaki si leam kanina at inangat ito sa ere. Parang Richard Gomez at Dawn Zulueta lang. " Dugtong niya pa.
Oh bakit hindi ka nag sasalita? Nag seselos ka an--
Hindi ko na pinakinggan ang ibang sasabihin niya at p*nat*y ang tawag. Ibinalik ko nalang ang cellphone sa aking bulsa at mabilis na tinapos ang pagkain..
Salamat ulit manong Roy. " Pasasalamat ko at agad na nag paalam sa kanilang aalis na, dahil may pupuntahan ako.
Nag punas muna ako bago nag palit ng damit at nag lakad paalis sa site.
Aalis ka? " Tanong ni Kurt.
Oo nay pupuntahan pa ako. " Tipid kong saad at mabilis na nag lakad patungo sa parking lot kung saan naka park ang kotse ko.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse at agad iyong pinaandar para maka alis na. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hampasin ang steering wheel dahil sa inis na nararamdaman ko.
Gusto kong sumaya siya, pero sa t'wing nakikita kong may kasama siyang iba ay hindi ko mapigilang masaktan. Napapa-isip ako na sana siya Ang kasama ko ngayon, pero ang hirap mangyari ng bagay na iyon dahil nakatali pa rin ako sa iba at nahihirapan akong makawala.
DAVE'S POV
Lokong lalaki to. " Saad ko pagkatapos akong binabaan ng tawag ni Yuan.
Ibinalik ko sa aking bulsa ang selpon at muling tiningnan sina raleam at ang lalaking Kasama nitong nag ngangalang Diego. Hindi maipag kakaila na gwapo din ang isang to, base sa porma niya ay kaya niyang tapatan si yuan.
Sorry nalang talaga my friend, malabong mabawi pa ang isang to. " Sa isip ko.
Hindi ko mapigilang matawa dahil na i-imagine ko ang mukha ni yuan sa mga oras nato, alam kong nagseselos siya. Selosa pa naman ang isang yon. Pinag selosan nga ako, ito pa kayang si Diego na niyayakap si raleam.
Dave... " Narinig Kong tawag ni leam.
Sumenyas ito na pinapa lapit Ako sa kanya. Agad naman akong tumayo sa pagkaka upo ko at nilapitan siya.
Bakit? " Mahinang tanong ko.
Diego ito ang architect ng bahay si Dave. " Pag papakilala niya sa'kin sa lalaking kasama niya.
Nice to meet you. " Saad ko at inabot ang kamay sa kanya para makipag shake hands.
Are you familiar with the engineer? " Tanong nito sa'kin.
Baka dudugo ilong ko nito, English speaking eh. " Sa isip ko.
Tumango ako sa kanya. " He's my best friend. Actually he comes here often to check the area. " Sagot ko.
Proud ako sa sarili ko dahil nakapag english ako. Jusko Naman, mapapalaban tayo dito self.
Bakit wala siya dito ngayon? " Biglang pag Tagalog niyo.
Marunong naman pala, bakit pa nag e-english.
Actually may apat na project sa ngayon at magkasama parin kami sa grupo. Binisita niya muna ang ibang projects niya kaya ako muna ang nandito, pero pupunta iyon dito baka mamaya or bukas. " Paliwanag ko.
Naramdaman ko ang bahagyang pagka gulat ni leam sa tabi ko. Halatange affected parin at may nararamdaman sa kaibigan ko, pero mas pinili g maging professional.
That's good to hear. " Tipid nitong sagot sa'kin.
Muli niyang nilingon si raleam, napatingin Ako sa kamay nitong nakapatong sa balikat ni leam.
I just went here to visit you and your house. Kailangan ko ng umalis, dahil hinihintay na ako ni boss. " Paalam nito.
Sige Ingat ka. " Saad ni raleam sa kanya.
Lumingon sa akin ang lalaki at mahinang tinapik ang braso ko.
Boyfriend mo? " Biglang tanong ko Kay leam.
U*ol kaibigan ko lang iyon. Nakilala ko sa Canada. " Natatawang saad nito sa'kin..
Pogi Ng kaibigan mo ha? " Nakataas kilay kong saad.
Oo marami yan sila. Gusto mo bigyan kita. " Nang aasar na saad nito.
Naku wag na. Virgin pa ako. " Sagot ko.
Mas lalo lang siyang natawa, pero napahinto kami sa asaran namin ng may babaeng tumawag sa kanya.
Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. " Hinihingal na saad nito.
Sa curiosity ko ay hindi ko na napigilang lingunin ang babaeng tumawag sa kanya at halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung sino iyon.
Natigilan din ito at gumuhit ang pagka gulat at pagtataka sa mukha niya ng makita niya ako.
Ito iyong architect mo? " Hindi makapaniwalang tanong nito Kay raleam habang nakaturo sa'kin.
Oo si Dave, kaibigan ko. " Saad naman ni raleam.
Ibinaba ni hazey ang daliri niyang nakaturo sa'kin at tinanguhan ako na parang hindi ako nito Kilala. Kasabay nito ang mabilis na pag hila niya sa kamay ni raleam paalis sa lugar na iyon kaya naiwan akong mag-isa.
Hindi ko alam na magka kilala ang dalawa, ilang buwan ko na siyang sinusundan at ilang buwan ko ding inalam kung saan siya lumipat ng tirahan. Hindi ko alam na nasa iisang Lugar lang pala kami at sobrang lapit sa isa't-isa.
TO BE CONTINUE