CHAPTER 27

1666 Words
" FORBIDDEN FOREVER " RALEAM'S POV Agad akong napalingon sa pintuan ng kwarto kung saan naka confine si mama ng bigla itong bumukas. Nakita ko si kuya at ate shiela pumasok doon. Gumuhit ang gulat sa mga mata nila Ng madatnan nila akong nandito sa loob. Ngunit agad din nilang inalis ang kanilang tingin sa akin at lumipat iyon kay mama. Maya-maya ay muling bumukas ang pinto at nakita ko si eman na papasok, may dala-dala iyong pagkain. Dahil inutusan ko itong kumuha sa baba kung saan naroon ang canteen. Kuya nandito pala kayo. " Saad nito. Sandali lang siyang tiningnan ng panganay namin at agad din itong inalis. May bisita pala kayo dito, Hindi niyo man lang sinabi eman? " Sarkastikong saad ng babaeng Kapatid ko. Siya ang unang tinawagan ni kuya Ely kahapon pagkarating namin dito sa ospital. " Magalang nitong saad at inilapag ang pagkain sa mesang nasa tabi lang namin. Narinig ko ang marahas na pag pakawa ng hininga ni ate shiela, at hindi ko nagustuhan iyon. Pakiramdam ko ay ayaw niyang nandito ako. At bakit mo naman ginawa iyon? Paano kung hindi siya pumunta dito? Imbes na kami ang tinawagan mo ay siya. " Saad nito. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya dahil nakaka insulto iyon sa'kin. Ano namang masama doon ate Shiela? Mabuti nga ay pinaalam namin sa kanya. " Naguguluhang bulalas ng bunso naming kapatid. Dahil hindi siya parte ng pamilya, Hindi siya dapat nandidito at alam mo iy-- Bakit ba galit na galit ka sa'kin? " Hindi ko napigilang bulalas sa kanya. Dahil naiinis ako sa t'wing nakikita ko ang pag mumukha mo! " Tumaas ang boses niya. Biglang tumaas ang sulok ng labi ko, gusto kong matawa sa sinasabi niya. Pwede bang umayos ka? Mas matanda ka sa'kin, pero sa pinapakita mo ay mukhang mas bata ka sa'kin. Stop being immature. " Kaldamo ngunit mariin bawat pagkaka sabi ko ng mga salitang iyon. Tumaas ang kanyang kilay at nakita ko ang guhit ng galit sa mga mukha niya. BASTOS KA TALAGA KAHIT KAILAN RALEAM! " biglang Singhal ni kuya rolly. Walang gana ko siyang nilingon. Sila itong nang insulto at nang sinagot ko sila ay naging bastos ako. Pambihira naman. Hindi ako makapaniwalang umiling. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at nagkaka ganito silang dalawa. Alam kong hindi talaga kami magka sundo simula nong mga Bata pa kami. Ano bang pinag puputok ng butche niyong dalawa? Kung ayaw niyo akong makita edi umalis kayo! " Saad ko. Sinusubukang maging kalmado kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ay parang puputok na Ang ugat ko sa inis. Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan sa amin! Hindi mo na kami ginalang Ng ate mo leam! " Si kuya rolly. Napapikit ako at hindi napigilang matawa ng sarkastiko. Alam niyo kayong dalawa, imbes na mag isip tayo ng paraan paano makakalabas si mama sa ospital na ito ay gumaganyan kayo. " Bulalas ko. Umigting ang bagang nilang dalawa at mas lalong nanlilisik ang kanilang mga mata habang diretsyong nakatingin sa'kin. Sinalubong ko ang mga mata nila at walang gana lang itong tiningnan. Ikaw ang umalis dahil Hindi ka kailangan dito. " Si ate shiela. Nilipat ko ang tingin ko sa kanya, malamig ko siyang tiningnan bago muling mag salita. Nandito ako dahil nandito si mama. Kaya tiisin niyo munang makita ang mukha ko dito, dahil hanggang sa hindi pa siya Maka alis sa p*tang-inang ospital na ito ay hindi din ako mawawala dito. " Sagot ko sa kanilang dalawa. Mas lalo ka nang nagiging bastos Ngayon, Hindi porket mas naka angat ka sa Buhay kesa sa amin ay may karapatan ka nang pag salitaan kami nang gan- At hindi porket mas matanda kayo sa akin ay igagalang ko kayo, lalo pa at lagi niyo akong iniinsulto. " Putol ko sa sasabihin niya. Walang hiya ka tal-- Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at agad siyang tinalikuran. Nilingon ko si eman na ngayon ay nakatayo sa likod ko. Bakit hindi ka muna kumain? " Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa kin. " Gusto ko kasing kasabay kabate raleam. " Malambing nitong sagot. Inangat ko ang aking kamay at ginulo ang kanyang buhok. Sa labas nalang muna tayo kumain, bumalik nalang tayo dito mamaya pagkatapos. " Magiliw kong saad sa kanya. Agad naman siyang tumango at naunang lumabas Dala iyong mga pagkain. Sandali ko munang nilingon si mama na ngayon ay mahimbing na natutulog bago sinundan si eman papalabas ng kwarto. May Isang mahabang upuan sa labas kaya soon kami pumwesto at nag simulang kumain.. May klase si Ely? " Tanong ko dito. Oo ate. May practice din sila kasi may basketball tournament sila next week, Hindi siya pwedeng umabsent dahil nakasalalay ang scholarship niya doon. " Paliwanag nito. Tumango lang din ako at hindi na muling nag salita pa. Nag simula na kaming kumain ng biglang sumulpot si Hazey sa harapan ko Kasama si Jane at ang Asawa nitong si Joma. Oh napadpad kayo dito? " Salubong Kong tanong sa kanila. Nakangiting tumango sa akin si joma kaya tumango din ako pabalik sa kanya at muling hinarap ang dalawa kong kaibigan. Dadalaq of course. " Umiirap na saad ni jane. Pag talaga ito binato ko ng hawak kong tinidor ay sigurado akong sa mata niya tatama. How's your mom? " Tanong ni jomarie. Ayon, NatuLog lang ulit. Stress and over fatigue, idagdag mo pa iyong sakit niya sa puso. " Umiiling kong sagot at muling sumubo ng pagkain. Pahingi Ako Nyan. " Bilang bulalas ni hazey at mabilis na lumapit sa'kin. Hindi pa nga ako nag sabing oo ay agad na niyang dinampot ang lumpia na nasa plato ko. Sinabi ko bang kumuha ka? " Nakataas kilay kong tanong sa kanya. Hindi, pero nag paalam naman ako bago kumuha. " Saad niya habang nginunguya ang lumpia sa kanyang bibig. Ewan ko sayo hazey, Hindi ka ba kumain sa bahay niyo? " Bulalas ko. Nakanguso itong lumingon sa'kin. Kumain pero alam mong mahilig ako sa lumpia. " Sagot niya. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang pagka asar. Bakit ba napapalibutan ako ng ganitong klaseng tao. M*m*m@tay Ako ng maaga nito eh. " Sa isip ko. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napalingon tatlo doon. Nakita ko na tumaas ang kilay ni Jane habang nakatingin doon. Nag tawag ka pa talaga ng mga kaibigan mo raleam? I can't believe you. " Si ate shiela. Hazey just cross her arms at nakangiwing nakatingin sa mga kapatid ko. We came here on our own, to check kung kumusta na si Tita. " Saad ni Jane. Hindi kita tinatanong. " Sagot ng kapatid ko sa kanya. Hindi ko din sinabing sumagot ka sa'kin. " Si Hazey. Gusto kong matawa dahil sa pang aasar nito sa kapatid ko, pero nag pigil ako dahil baka mabilaukan ako. Pareho talaga kayong magka kaibigan, mga bastos. " Naaasar na saad ng kapatid ko. Mabuti nga at hindi namana ni leam iyong ugali mong hindi maganda. " Narinig kong bulong ni hazey. Mahina iyon, pero alam kong naririnig iyon ng kapatid ko. Masyadong matapang talaga ang isang ito, walang preno ang bibig. Hey.. we're here to visit your mother, not to please you. " Si Jane. Wow English. " Sa utak ko. Hindi na nag salita pa ang kapatid ko at agad na nag lakad at nilampasan silang tatlo. Hindi pa tayo tapos raleam. " Si kuya rolly at sunid itong nag lakad paalis. Mga kapatid mo ba talaga iyon? Ang sama talaga ng ugali. Ano kayang pinaglihi ni Tita Ellen kaya ganyan silang dalawa. Samantalang kayong tatlo nitong sina eman at Ely ay hindi naman. " Si jomarie. Tumawa lang ako at mabilis na binuksan ang mineral water na binili ni eman. Hayaan niyo na, ganyan talaga sila. " Tipid kong sagot. Tapos kana? " Tanong ko kay eman. Tumango lang ito at agad na iniligpit ang pinag kainan namin. Pinag krus ko ang magkabilang braso ko at sinenyasan silang tatlo na maupo. Okay lang bang pumasok kami sa loob leam? " Tanong ni Jane. Oo Naman, Go ahead. Para Makita niyo si mama. " Saad ko sa dalawang mag Asawa. Tumango naman sila at agad na binuksan ang pintuan papasok sa loob. Naiwan kaming dalawa ni hazey sa labas. Kumusta ang trabaho mo? " Tanong ko sa kanya. Okay Naman, on leave ako ng Isang buwan. " Saad nito. Kumunot naman ang noo ko. Pwede bang mag leave ng ganon katagal pag flight attendant ka? " Nagtatakang tanong ko. Gusto ko eh. " Saad nito. Ang alam ko lang kasi ay buntis nag nagle-leave ng ganon katagal. " Sa isip ko. Buntis ka ba? " Tanong ko. Naibuga niya ang iniinom niyang tubig dahil sa gulat. Putek na tanong iyan. Paanong mabubintis? Eh Wala akong boyfriend. " Saad nito. Pero diba may sinasabi kang tungkol sa lalaki? " Tanong ko ulit. Wala namang namamagitan sa'min, tsaka hindi na din kami nag kikita. " Saad nito. Ang totoo talaga at nag resign na ako. " Saad niya kaya gulat ko siyang nilingon. Ano naman ang dahilan? " I ask. Pagod na ako, tsaka nag a-apply ako sa Isang beach resort sa front desk. At pwede na akong mas simula next week. " Nakangiting saad nito. Parang hindi ako kumbinsido sa sinasabi niya eh. Pero hi di nalang ako nag tanong at hinayaan nalang siya. Masyado na rin siyang matanda para pag sabihin. Ikaw bahala, kung ano ang gusto mo at kung saan ka masaya push mo lang. Wag mong pasukin ang Isang bagay kung tingin mo ay napipilitan ka dahil mahihirapan ka lang. " Saad ko sa kanya at tinapik ang braso nito. Uyy ateng-ate ah. " Nanunuksong saad nito. Kaya bahagya kong hinila ang kanyang buhok. Binabawi ko na iyong sinabi kong mabait ka, magka ugali pala kayo nang dalawa mong Kapatid. " Asik niya. Tumawa nalang ako at agad na tumayo at bumalik sa loob ng kwarto. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD