" FORBIDDEN FOREVER "
LYCA'S POV
YUAN! KINA-KAUSAP PA KITA. " Singhal ko sa kanya dahil nilagpasan niya lang ako.
Sinusubukan ko siyang kausapin, pero parang wala siyang naririnig at nakikita, he keeps on ignoring me. At nakakainis iyon, dahil parang wala siyang pakialam sa'kin.
Sinundan ko ito at nakita ko siyang dumiretsyo sa refrigerator at kumuha ng beer doon. Palagi siyang ganito simula ng magsama kami sa iisang bahay hanggang sa mag pakasal kami. We live in the same house, but it seems like he can't see me.
Not now lyca. I'm tired. " Mahinang saad nito at agad na tinungga ang bote ng beer na hawak niya.
Muli itong nag lakad papunta sa sala at naupo sa mahabang sofa. Isinandal niya Ang kanyang katawan doon at pumipikit sabay masahe sa ulo niya.
Hindi ka pumunta sa eskwelahan kanina, hinihintay ka ng anak mo at parang wala lang iyon sayo. " Saad ko sa kanya.
Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata at tulalang nakatingin sa kisame, mukhang malalim Ang iniisip nito at hindi ko mabasa kung ano iyon.
Hindi niya ako sinasagot bagkus ay sa alak lang Ang atensyon niya at muling tinungga ito. Sa inis ko ay inagaw ko ang bote mula sa kanyang pagkaka hawak. At doon niya lang ako tiningnan.
Sinabi kong wag Ngayon, Hindi ka ba nakaka intindi? " Galit nitong saad sa'kin.
Kina-kausap kita yuan, Hindi mo ako sinasagot. " Naiinis kong sabi sa kanya.
Napapikit siya at marahas na nagpakawa ng malalim na paghinga. Marahas niyang binawi sa kamay ko ang bote ng beer kaya nabitawan ko iyon at tuluyan niyang nakuha.
Hindi ko alam kong anong gagawin ko para bumalik ka sa dati yuan. " Mahinang saad ko sa kanya.
Naupo ako sa tabi niya, pero gumalaw lang ito papalayo sa'kin, parang tinutusok ng punyal ang puso ko sa t'wing ginagawa niya iyon.
Ilang taon ka ng g-ganito. Nasa iisang b-bahay lang tayo, pero nasa magka ibang kwarto. Lagi tayong nag kikita pero hindi mo ako k-kinakausap. Ganon ba talaga ka tindi ang galit mo sa'kin? " Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Ano pa ba ang gusto mo lyca? You already have me, Hindi ka pa ba na kontento? " Sarkastikong saad nito.
Naramdaman ko ang pag init ng bawat sulok ng mata ko at nag babadyang tumulo ang aking luha.
Nandito ka, pero ang layo mo parin sa'kin? Lagi kitang Kasama, pero pakiramdam ko ang hirap-hirap mong abutin. " Umiiyak kong saad.
Hindi niya ako tinitingnan, sobrang laki ng ipinagbago niya, halos hindi ko na siya makilala. He's not the same yuan anymore.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya, pero iniwas niya iyon. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa pagka pahiya.
Kailangan ka ng anak natin, He's always looking for you, but you're not around. Kung ano man ang galit mo sa'kin ay sana hindi mo idamay ang bata. " Dugtong ko.
Nag salubong lang ang kilay niya na parang hindi nagustuhan ang kanyang narinig.
Stop spitting nonsense lyca, it's annoying. " Saad nito at mabilis na tumayo mula sa kanyang pagkaka upo.
Agad din akong tumayo at sinundan siya.
ANO BANG DAPAT KONG GAWIN PARA BUMALIK KA SA DATI? ANO BANG DAPAT KONG GAWIN PARA MATANGGAP MO AKO AT ANG ANAK NATIN? " Singhal ko sa kanya..
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako.
You can't do anything anymore lyca. Sinira mo ang Buhay ko. Pinaniwala mo akong anak ko ang batang dinadala mo pero hindi! " Madilim ang mukha niya ng tiningnan ko ito.
Maging ang mga mata niya ay malamig na nakatingin sa'kin.
Huli na nang malaman ko ang lahat, dahil nakatali na ako sayo! P*TANG-I*A naman! " Malakas niyang mura at kasabay nito ang pagka basag ng glass table dahil ibinato niya ang bote ng beer na hawak niya doon.
Napa atras ako dahil sa takot. Ito ang unang beses na naging ganito siya, nagalit Siya noon pero hindi umabot sa puntong ganito.
Kaya ngayon wag kang mag makaawa sa harapan ko dahil hindi ako natutuwa! My life is become miserable because of your selfishness lyca! Noong nag makaawa ako sayong hayaan akong puntahan siya ay hindi ka pumayag! Tinakot mo'kong mag papakamatay ka! Dahil t*nga ako ay naniwala ako sayo at mas pinili kita kesa sa kanya, dahil Akala ko anak ko iyon! Pero hindi! " Sunod-sunod nitong saad.
Nanghina ako at agad na napahagulgol ng iyak..
Nang muli akong mag angat ng tingin ay wala na Siya, narinig ko nalang ang pag andar ng sasakyan niya at tuluyan itong nakalayo. Napaluhod ako sa sahig habang patuloy sa pag-iyak.
Nagawa ko lang naman ito dahil sa pagmamahal ko sa kanya, pero pakiramdam ko ay pinagsi-sisihan ko na lahat.
Mommy. " Narinig ko ang boses ng anak ko, kaya dali-dali Kong pinunasan ang luha ko at pilit na ngumiti at hinarap siya..
Where's daddy? Why is he shouting? " Sunod-sunod na tanong nito habang kinukusot ang mga mata niya.
Nagising at dahil sa ingay.
I-it's nothing baby.. daddy just went somewhere, babalik siya mamaya. " Saad ko at agad siyang binuhat para dalhin pabalik sa kwarto niya.
RALEAM'S POV
Agad kong naimulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag galaw ng kamay ni mama, kaya tiningnan ko ito at nakita ko siyang nakatingin sa'kin.
K-kailan ka pa umuwi? " Mahinang tanong nito..
Mag-iisang buwan palang po simula noong nang dumating ako. " Sagot ko sa kanya..
Hindi na siya muling nag tanong pa. Nakita kong tumingin lang ito sa paligid at maya-maya din ay bumalik ang tingin sa'kin.
Gusto niyo po bang kumain? Mag papakuha po ako kay haze--
Wag na. Hindi pa ako nagugutom. " putol nito sa sasabihin ko. Kaya tumango lang din ako.
Sa loob ng matagal na panahon ay ngayon lang niya ako kinausap. Ngayon niya lang ako tinitingnan ng ganito. Dahil noon, kahit sulyap ay hindi niya magawa sa'kin.
Patawarin mo ako anak. " Biglang usal nito.
Biglang bumuhos ang matinding emosyon sa dibdib ko, sa tinagal-tagal ng panahon ay ito ang unang beses na tawagin niya akong anak. Sa sobrang tuwa ko ay naiyak ako. Mabilis ko iyong pinunasan at sinubukang matawa.
Patawarin mo ako dahil hindi ko nagawang ipaglaban ka mula sa iyong ama, hinayaan ko lang na pag malupitan ka niya. " Dugtong nito.
Nakayuko lang ako habang pina kikinggan siya. Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nito sa kamay ko kaya tiningnan ko iyon.
Pero sobrang laki ng pasasalamat ko dahil dumating ang panahon na natuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, natuto kang lumaban. At sa nakita ko ngayon ay sobra akong natutuwa dahil lumaki Kang mabait na bata masipag. " Nakangiting saad nito..
Pinilit ko pong matuto, pero hindi naman naging madali ang lahat para sa'kin. * Mahinang sagot ko sa kanya.
Alam ko. Kaya nga proud na proud ako sayo, dahil sobrang lakas ng loob mo at nilampasan mo lahat. Alam mo ba noong umalis ka? 11 years na ang nakalipas ay naisip ko na mabuti nalang at ginawa mo iyon. Dahil kung hindi ay hindi ka mapupunta sa kinatatayuan mo ngayon. " Saad niya.
Inangat niya ang kanyang kamay at pinunasan ang luha na dumadaloy sa aking pisnge. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisnge ko at mas idinikit iyon sa aking mukha.
Sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito ma.. Hindi niyo lang alam kung paano ako umiiyak sa t'wing iniisip ko na wala akong halaga sa inyo. " Pumipiyok Kong saad sa kanya.
Kaya nga humihingi ako ng tawad dahil hindi ko nagampanan ang pagiging Ina ko sayo. At kasalanan ko din lahat kung bakit mo naranasan ang pag mamalupit ng iyong ama. " Saad niya at mapait na ngumiti.
May ipagtatapat sana ako sayo, alam kong ito na ang tamang panahon para malaman mo ang totoo. " Biglang saad nito kaya bahagya akong kinabahan..
Alam kong napapa isip ka kung bakit ganon ka nalang tratuhin ng iyong ama raleam.. " saad nito at hinaplos ang aking pisnge.
Nag bago siya simula sa araw na iyon. G*nahasa ako noon leam at Ikaw ang bunga. " Biglang usal niya.
Biglang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi ni mama, maging ang puso ko ay sandaling tumigil sa pagtibok.
Alam kong mahirap tanggapin, pero yun ang totoo. Sinisisi niya ako dahil naging pabaya ako at hinayaan kong g*hasa*n ako. Mas lalong tumindi ang galit niya ng maisilang na kita. Kaya sa t'wing pinang mamalupitan ka niya ay wala akong magawa kundi ang manood nalang. " Dugtong ni mama at napaiyak.
Sandaling katahimikan ang naghari sa pagitan namin, Hindi ako nag salita at ganon din siya. Sariwa pa sa isip ko lahat ng sinabi niya.
At biglang sumagi sa isip ko ang isang memorya na pilit kong kinalimutan noong bata pa ako.
" FLASHBACKS "
Ang ganda naman nitong anak mo pare. " Saad ng kaibigan ni papa habang malagkit na nakatingin sa'kin.
Oo nga. Sayang at ang bata pa. " Nag tatawanan sila habang pinag uusapan ako.
Hindi ko anak yan, masyadong malayo kung ikukumpara sa'kin. " Natatawang saad ni papa.
Lasing na lasing na ito at ako lang ang kanyang inuutusan kahit na may Kapatid naman akong lalaki.
Paanong hindi mo anak ito? Eh parang pinag biyak na bunga kayong dalawa. " Saad nang Isang lalaki sabay sulyap ng tingin sa'kin.
Wag mong sabihin iyan. Nakakadiring pakinggan. " Si papa at malakas na tumawa.
Wag naman ganyan Randy! Maririnig ka nang Bata. " Sabi ng isa niyang sakama.
Wala akong pakialam Mario, dahil iyon naman talaga ang totoo at Tama lang na marinig niya iyon. " Sagot ni papa.
Napayuko ako at nag simulang maiyak.
Ano pang ginagawa mo dito? UMALIS KANA SA HARAPAN KO! " Napa talon ako sa malakas na pag sigaw ni papa.
Kaya agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa aking kwarto at doon umiyak.
" END OF FLASHBACK "
Ngayon nauunawaan ko na ang lahat, kung bakit ganon niya ako tratuhin at kung paano niya akong tignan. Naiintindihan ko na, malinaw na sa akin ang lahat ngayon.
Muli kong nilingon si mama at nakita kong nakapikit na ulit ito at mahimbing na natutulog.
Hindi na ako nag abala pang tanungin ang tungkol sa totoo kong ama, dahil wala na iyong halaga sa akin. Sa dinami-rami ng masasakit na pinagdaan ko ay hindi na ito bago sa'kin.
iiyak ako saglit at magigi
ng okay din kalaunan, Hindi ko na hinahayaang maapektuhan ako ng kung ano-ano. Tinatanggap ko nalang ang lahat at nagpa panggap na parang wala lang.
TO BE CONTINUE