" FORBIDDEN FOREVER "
MIRA'S POV
Ano bang nangyayari sayo? " Tanong ko Kay raleam.
Mag da-dalawang linggo na kasi simula ng maging ganito siya, parang lantang gulay kung pumunta sa trabaho, Hindi ito nag sasalita hanggang mag uwian na. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kaya naninibago ako.
Okay lang ako mira. " Yun ang laging sagot niya kahit hindi naman siya mukhang okay.
Hinila ko ang isang upuan at naupo ako sa harap niya, sinubukan kong hulihin ang kanyang tingin, pero lagi niya iyong iniiwas.
Sabihin mo na, may problema ka ba? " Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at nakayuko, sinusubukang gawing abala ang sarili ang sarili. Hinawakan ko ang kamay niya ng makita ko ang panginginig nito.
Hindi naman malamig dito at walang aircon.
Sabihin mo ang problema, makikinig ako. " Nakangiti kong saad sa kanya.
Ayaw ko nang pag usapan iyon Mira, kaya hayaan mo nalang muna ako. Pwede ba? " Kalmadong saad nito..
Kaya hindi ko na siya kinulit pa at iniwan nalang muna siya.
Nakita ko si Mrs chua na nag lalakad papunta sa gawi namin, walang expression ang kanyang mukha.
Nasaan si raleam? " Tanong nito at agad kong itinuro ang kinaroroonan ni raleam.
Malalaki ang hakbang na ginawa nito hanggang sa makalapit siya sa kaibigan ko.
RALEAM'S POV
Ano ba ang problema mo raleam? Hindi ka naman ganito ah? Ano bang problema? " Sunod-sunod na tanong ni mrs chua sa'kin..
Pasensya na po. " Mahinang sagot ko at nakayuko lang.
Kung ano man ang problema mo ay dapat hindi mo iyan dinadala sa trabaho, dahil nakaka apekto iyon. Alam mo Yan. " Sermon nito sa'kin.
Mas lalo lang akong natahimik at itinigil ang ginagawa ko.
Nag rereklamo na ang kumpanya, dahil laging palpak ang delivery natin nitong nga nakaraang araw. Walang maayos na income. " Dugtong nito.
Kumibot-kibot ang labi ko at sinusubukang huwag maiyak. Alam ko namang kasalanan ko iyon. Dinala ko ang personal kong problema sa trabaho.
I tried my best to depend you and make them understand, pero walang silbe iyon raleam. " Mahinang saad niya.
Wala naman pong problema. " Saad ko at unti-unting tumayo at kinuha ang aking gamit.
Ayaw Kong gawin, pero wala akong choice raleam. Gusto nilang matanggal ka ngayon din. " Saad nito sa'kin.
Tumango lang ako. Sandali ko munang nilingon ang ginang bago tuluyang mag paalam at nilagpasan ito. Naka salubong ko pa si Mira sa hallway.
Alis na'ko. Ingat ka dito. " Bilin ko at mahinang timapik ang kanyang balikat.
Dire-diretsyo lang ako sa pag lalakad hanggang sa dumating ako sa kanto at agad na pumara ng taxi..
VSM phasa 1 po. " Saad ko sa driver at agad nitong Pina andar ang kanyang taxi.
Nakatingin lang ako sa bintana ng taxi habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan, biglang pumatak ang luha ko kaya agad ko din iyong pinunasan.
Okay lang po ba kayo ma'am? " Biglang tanong Ng driver.
O-oo po. Salamat. " Sagot ko habang pinipilit ang sariling ngumiti.
May mga bagay po talagang nangyayari sa buhat natin na hindi inaasahan ma'am. Kailangan lang nating gawin ay harapin ito at sabayan ang agos. " Mahinang saad ni manong.
Nakangiti ito habang sinasabi ang mga katagang iyon kaya ganon na din ako.
Pagkarating sa lokasyon ay agad na huminto ang taxi sa harap ng bahay. Agad akong nag abot ng bayad at bumaba na.
Nag lakad ako papunta sa gate ng bahay, ngunit natigilan ako ng makita ko si yuan doon. May dala-dala iyong Isang bouquet ng red roses. Mabilis akong nag lakad at planong lagpasan siya, pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko dahil para mapahinto lang ako sa kinatatayuan ko.
Raleam.. " mahinang tawag nito sa'kin.
Kung noon ay masaya akong marinig kapag tinatawag niya ako, ngayon ay hindi na ako natutuwa.
Anong ginagawa mo dito? " Diretsyong tanong ko sa kanya.
Kita-kita ko ang pamamaga ng kanyang mata, magulo ang buhok nito. Iyong mga mata niya noong lumiliwanag sa t'wing nakikita ako ay wala na. Puno ng lungkot at pangungulila ang nakikita ko habang tinitingnan siya..
Tinatawagan kita, pero hindi ka sumasagot. " Aniya.
Gusto kong matawa dahil ang lakas ng loob niyang pumunta pa dito kahit na nakipag hiwalay na ako sa kanya..
Hindi pa ba klaro sa iyo ang lahat? Hiwalay na tayo, kaya hindi kana dapat pumupunta pa dito. " Malamig kong saad at malakas na iniwaksi ang kamay ko para mabitawan niya iyon.
Hindi ako pumayag. Kung para sayo ay wala na tayo, sa akin hindi. You're still my girlfriend. Please. Pwede pang ayusin ito raleam. " Pakikiusap niya.
I laughed at him sarcastically.
Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos ng ginawa mo ay naiisip mo parin na babalik parin ako sayo? G*ga ka ba? Ganon Kaba ka b*b* dahil hindi maintindihan ang sinasabi ko? AYAW KO NA, PAGOD NA AKO KAYA PAKAWALAN MO NA AKO YUAN. " malakas kong singhal sa kanya.
Hindi siya nag patinag at muling humakbang para lapitan ako, marahas Kong kinuha ang bulaklak na hawak niya at malakas itong inihampas sa kanya.
Oh my God. " Dinig kong boses ni Tita Maribeth.
Nilingon ko ito. Nakita kong natakpan niya Ang kanyang bibig gamit ang magkabilang palad niya.
I s-said sorry a-alreadyyyyy leam. I can give you e-enough time. Until you're calm so we c-could fix it. " Saad nito.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Sa inis ko at malakas kong sinipa ang gate ay napatili si Tita sa ginawa ko.
Gusto kong mag Wala, galit na galit ako na hindi ko maintindihan. Bakit ba palagi nalang ganito? Pagod na pagod na ako eh.
Stop hurting yourself. " Biglang saad nito at mabilis akong niyakap mula sa likuran at inilayo sa gate.
BITAWAN MO'KO! " sigaw ko at pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya.
Ayaw ko na.. pagod na ako, pakiusap lang.. " humihikbi kong pakiusap.
Naramdaman ko ang unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin.
G-gusto k-ko nang mag.. mag pahinga yuan.. " saad ko dito.
That's why I'm giving you enough time.. " mahinang boses na sagot nito sa'kin.
I'm tired... Tired of everything.. unti-unti na akong nawawala sa sarili ko yuan, Hindi ko na nga alam kung ako pa ba'to. " Panimula ko.
Nakatingin lang siya sa'kin habang nag sasalita ako.
Pinunasan ko ang luha ko.. " Isa ka sa nakakaalam Kong Anong pinagdadaanan ko noon, bago ako nag layas sa amin. Hindi ako tinatrato ng tama ng pamilya, I was vi*lat*d. My first boyfriend cheated on me! And you just did the same. " Mapait kong saad.
A week ago, muntik na rin akong mapahamak dahil hindi ka dumating! You lied to me, hinihintay kong mag sabi ka sa'kin, pero hindi. Hinintay mo pa talaga na mismong iyong babae ang magsabi sa akin. Kaya mas doble ang sakit nito sa'kin. I trusted you! Palagi kong pinipiling intindihin ka! " Napapaos na ang boses ko.
And today, I just lost my job. " Mapakla akong natawa habang sinasabi sa kanya ang nangyari sa araw ko.
Siguro naman ay titigil na siya ngayon. " Sa isip ko.
Araw-araw akong lutang, Hindi ako Maka usap ng matino. Dinala ko sa trabaho ang problema ko kaya na aapektuhan ito. And I got fired! Masaya kana? " Sarkastikong saad ko..
Raleam.. " iyon lang ang nasabi niya.
Ngayon sabihin mo sa'kin? Maaayos pa ba natin to? Sinira muna ang tiwala at Buhay ko! I'm so disappointed at you! Akala ko ay iba ka, katulad ka rin pala nila. MANLOLOKO AT SINUNGALING. " Diniin ko talaga ang pagkaka sabi ko ng mga huling salita.
Huminga ako ng malalim para pa kalmahin ang sarili ko at muling nag angat ng tingin sa kanya.
Umalis kana yuan, simula sa araw na ito ay ayaw ko ng makita ka pa kahit kailan, kung Isang araw ay magka salubong tayo sa Isang Daan. Wag ka nang mag tangkang kausapin ako. Isipin mo lang na Hindi mo ako Kilala, because I will do the same. " Saad ko bago siya tinalikuran.
Tahimik akong nag lakad papasok sa aking kwarto pagkatapos ay pabatong iyong isinira at ini-lock..
Umupo ako sa dulong bahagi ng aking kama at hindi ko na napigilan pa ang pag patak ng mga luha ko, lalo na nong marinig ko ang tunog ng motorsiklo ni yuan at papalayo na ito.
Lumipas ang dalawang araw ay kinausap ko si tita tungkol sa Plano kong sumama sa kanila sa Cebu.
Sigurado ka ba? " Tanong nito ulit.
Mahina lang akong tumango. Hindi naman na siya nag tanong pa kaya pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinag kainan ko at agad na nag impake ng aking gamit. Dahil sa susunod na araw ay aalis na kami papuntang Cebu.
Wala ng rason para manatili pa ako dito. I lost my job and lost myself too. Lagi ko lang maalala ang sakit na naramdaman ko kapag mananatili pa rin ako sa Lugar na ito.
Kaya mas mabuting umalis nalang, kesa manatili dito.
TO BE CONTINUE