Parang bumagsak ako sa sinabi ni ate. Nanlambot ang buo kong katawan. Umurong ata ang dila ko sa sobrang gulat. Bakit nangyari sa kanya yun? “Ate naman, bakit mo ginawa yun?” sabi ko, naluluha na din ako sa nangyari sa kanya. Grabe ang iyak ni ate. “Di ko din alam, JV. Basta, nahulog nalang ako sa kanya. Ayun, dumating sa point na yung pinapadala sa aking pera para pambayad ng tuition binibigay ko na sa kanya, tapos pang-gastos namin sa bahay. Hanggang sa tumigil na ako sa pag-aaral ko” sabi ni ate sa akin. Napaiyak na din ako sa kanya. “Paano ka na? Sayang ka ate, sayang ka! Ang talino mo pa naman, tapos sinayang mo lang ang tiwala sayo nila mama at papa!” sabi ko, tapos umiyak na rin talaga ako. Ganun din si ate. “Diyan ka na nga!” sabi ko, tapos iniwan ko na siya. Nasaktan ako sa gi

