“Oh, master ko? Nagulat ka ba?” sabi niya, nakangiti padin siya. “Ah…oo…medyo” sabi ko. Nag sink in na sa akin ang lahat. One month na pala kami ni Darryl…or should I say, “kami” pala. “Happy Monthsary, soldier…” sabi ko sa kanya, tapos ayun pinisil ko ulit ang ilong niya. Yun kasi ang paborito kong gawin kay Darryl eh, ang ganda kasi ng ilong niya. Tapos tinignan ko yung isang maliit na box na binigay niya sa akin. “Buksan mo na yang bigay ko sayo” sabi niya sa akin. “Sige. Ano ba ito?” sabi ko, tapos binuksan ko na. Isa siyang wristband na kulay green tapos nakasulat: “MY SOLDIER”. Napatingin ako sa kanya, tapos ngumiti ako. “Grabe, salamat ha. Buti nakahanap ka ng ganito” sabi ko. “Hindi, pinagawa ko yan. In fact, may kapartner yan” sabi niya, tapos nilabas niya yung isa pang wris

