“Nagugutom na ako. Kain muna tayo, pwede ba?” sabi sa akin ni Darryl. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Tahimik lang ako, kasi medyo guilty ako nung hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Kumain kami sa isang Steakhouse na malapit sa school. 5:30 palang naman, kaya maaga pa. “Master, ba’t ang tahimik mo?” tanong sa akin ni Darryl. “Wala naman…may iniisip lang” sabi ko naman, tapos kumain na ulit ako. “Ano ba yun? Share ka naman” tanong sa akin ni Darryl. Tapos napatingin ako sa kanya. “Wala talaga, Darryl” sabi ko. Grabe, nagiguilty ako. Kahit maliit na bagay lang yun, it’s still a lie. Kumakabog na naman si heart. “Master naman….ano yun? Makikinig ako. You don’t look well kasi eh” sabi niya. “Darryl…kasi…yung…yung CD” sabi ko. Kinakabahan talaga ako. “Galing kasi kay Dustin yun

