“Ang dami naman nyang chocolates mong yan…pahingi ako ng isa” sabi sa akin ni mama, tapos tila kukuha na siya duon sa basket. “Ma, akin ito lahat no” sabi ko naman sabay hawi sa kamay ni mama. Natawa si mama sa akin. “Ikaw ha, akala ko ba ayaw mo sa mga chocolates? Akala ko ba di ka masyado diyan? Nag iba ka ata ngayon, JV!” sabi sa akin ni mama, natatawa talaga siya sa akin. “Eh…masarap ‘to eh. Sige na iaakyat ko na ‘to” sabi ko kay mama tapos inakyat ko na yung regalo ni Darryl sa akin. Grabe naman siya, ang dami-dami nitong chocolates na ‘to, di ko ‘to kayang ubusin. Kaso, bigay niya sa akin ‘to so dapat, akin lang. Selfish ba? Hindi rin. Basta, ganun yun. Masaya naman ang pasko namin. Nagpunta pala dito yung mga pinsan kong bata, as usual namamasko sila sa amin. Nakipag laro ako sa

