Nagkatitigan kami ni Mara. Hindi ako makasagot, medyo naninigas ang panga ko, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. “Wha…wha…what do you mean?” tanong ko sa kanya. Finally, nakapag salita na rin ako. “Kayong dalawa…parehas kasi tayo ng pinanuod na movie” sabi ni Mara sa akin. Mukha parin siyang kalmado. Samanatalang ako, parang umiikot na ang sikmura ko sa kaba. “Oh…anong meron dun?” tanong ko naman. “Well, di ba nga nakita kita sa labas ng sinehan? Ayun, akala ko nagaantay ka lang dun. Tatawagin sana kita kaso papasok na kami nung mga friends ko. Then accidentally, duon ka umupo sa unahan ng line kung saan kami nakaupo…no, not you lang pala. You’re with another guy…Darryl” sabi niya. Tahimik lang akong nakikinig. Kinakabahan talaga ako kay Mara. “So anyway, the movie started

