TAHIMIK si Mirabella sa panggugupit ng mga tuyong sanga at dahon ng gumamela na nakatanim sa garden. Kasama niya si Doroy na nagtatabas naman ng bermuda grass gamit ang malaking gunting. Ilang araw na siyang naroon sa mansyon ni Francis pero hindi niya nalamang bumisita ang magkapatid na Laida at Maita. Himalang hindi nagagawi roon ang mga bida-bida niyang mga kapatid. Nagbago na kaya ang isipan ng mga ito? Naniwala kaya ang mga ito na ikakasal na si Francis at Roxanne? Sumuko na kaya sila sa ambisyon ng mga itong yumaman uli? Napasulyap si Mirabella sa gate nang bumukas iyon at nakita niyang pumasok si Francis. Nakasuot ito ng puting hooded na sando at gray na sweatpants at mukhang kagagaling lang sa pag-jogging. Nakita niyang namamawis pa ang balikat at dibdib nito. Medyo magulo pa an

