KINABUKASAN ay maagang nagising si Mirabella. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay sinimulan niya ang pagtulong kay Kora sa mga gawain. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng patatas na sangkap sa lulutuing ulam ni Kora sa tanghalian. Hindi naman siya nahihirapan sa pagtulong sa mga gawain sa mansyon. Ang totoo ay ilang beses siyang sinaway ni Kora ngunit hindi siya nagpapigil. Ayaw niyang tumunganga na lang pagkagising niya. Isa pa'y nakasanayan na niyang gawin ang mga iyon noon sa sarili nilang bahay. “Bella, lalabas lang ako sandali, ha? Kukuha lang ako ng sili sa likod. Mas gusto kasi ni Francis sa adobong manok ay maanghang.” “Sige po,” aniya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Nasaan si Kora?” Napapitlag si Mirabella sa gulat nang marinig ang boses ni Francis. Nakita niyang nakatayo

