Chapter 1

3066 Words
“Ano ba ang pinagkakaabalahan mo nitong mga araw at hindi ka nagagawi rito sa bahay?” salubong ni Karl sa kaibigang si Francis isang umagang dumalaw ang huli sa bahay ng namayapang kaibigan na si Zyl. Mula nang pumanaw ang kaibigan nilang iyon ay naatang sa kababata nitong kapatid na si Justin ang responsibilidad sa anak ni Zyl na si Zea at gayon din sa mga pag-aari nitong lupain. Pakiramdam nila ay bahay na rin nila ang bahay ng kaibigan. Madalas ay doon pa nga sila natutulog kapag ayaw nang umuwi sa kani-kanilang bahay. Francis only flashed him a million-dollar smile. “Huwag mo akong ngitian ng ganiyan. It's annoying,” reklamo ni Karl. Tiningnan ang suot na relo at nalamang alas siete pa lamang ng umaga. “Ang aga mong naparito, ah!” dagdag nito. “Wala akong magawa sa bahay. Si Mama nagpunta sa grocery at si Papa naman ay maagang pumasok sa trabaho. Kahit si Charlotte ay maaga ring umalis para pumasok. Feeling ko multo lang ako sa bahay namin.” Marahang natawa si Karl sa tinuran ng kaibigan. “Paano kasi ay ikaw lang ang walang trabaho. Panganay ka pero dinaig ka pa ng kapatid mo. Chemist na siya sa isang water company dito sa probinsya natin.” “Masaya ako sa narating niya. Wala akong dapat ika-inggit.” “I don’t mean to offend you. Pero ikaw na lang ang walang trabaho sa inyo. Kahit ang farm na gustong ipamahala sa ‘yo ng Papa mo sa Negros ay tinanggihan mo. Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo?” panenermon ni Karl kay Francis. “Ayoko ro’n sa Negros. Malayo,” wika ni Francis at naupo sa sofa. Halos sabay silang tumingin sa ikalawang palapag ng bahay. Mula kasi roon ay naririnig nila ang matitinis na tili ni Zea at ng tiyahin nitong si JM na marahil ay nagkukulitan. Nakababatang kapatid si JM ni Ayla na siyang ina ni Zea. Ayla also passed away, she sacrificed herself for her daughter’s welfare. “Nandito pala si JM,” makahulugang wika ni Francis at malapad ang ngiting tinitigan si Karl. “Sabi nang huwag mo akong ngitian nang ganyan na para bang inaakit mo ako. Naalibadbaran ako sa ‘yo, bor.” Karl seated on a couch in front of where Francis was seating. “FYI, maraming nahuhumaling sa ngiti kong ito. Many girls were swooning over me with just one smile,” may kayabangan wika ni Francis at pinagkrus ang mga binti. Dinampot nito ang ilang nagkalat na papel sa ibabaw ng lamesita at tiningnan ang mga iginuhit ni Zea. “The thing is...I'm not a girl, Gago. Kaya huwag mo akong nginitian ng ganiyan at baka masapak pa kita riyan. Kaunti na lang at iisipin kung may gusto ka sa akin,” Karl replied. His lips twitched in a lopsided smile. Nagpakawala nang malutong na halakhak si Francis at ibinalik sa ibabaw ng table ang mga papel. “You can have me whenever you want me...bor,” biro ni Francis na pinatinis ang boses na parang sa babae. Karl faked a vomit. “Yuck! Nakakapanindig balahibo ka, bor.” He even rubbed his arm to emphasize. “But seriously, napansin ko kasing madalang ka na lang pumarito. Wala ka namang pinagkakaabalahan, ah!” “Who said I'm not busy? Lahat tayo may pinagkakaabalahan. Lamang ay hindi ko lang ipinapahalatang abala ako,” ani Francis na sinabayan ng pagngiti. “Oh, come on! As if I didn’t know na babae lang ang pinagkakaabalahan mo ngayon...” Disimuladong tumaas ang isang kilay ni Francis. “Kailan man ay hindi ko inabala ang sarili ko dahil lang sa isang babae, Bor. Hindi pa...” makahulugang wika niya. “So, bakit ka nagawi rito ngayon? It’s Wednesday, kapag ganitong araw ay nakikipag-date ka. Himala yatang wala kang ka-date ngayon?” “Wala na kasi akong maisip na puntahan kaya dito muna ako,” sagot ni Francis na tinapik si Karl sa balikat. “Walang ibang mapuntahan o may pinagtataguan?” nakangising tanong ni Karl. Madalas kasi kapag naroon si Francis ng buong araw o isang buong linggo ay pihadong may iniiwasan itong babae. Off limits kasi ang bahay ni Zyl sa kahit sinong bisita maliban na lamang sa kasapi ng pamilya at malalapit na kaibigan. Pito silang malalapit na magkaibigan. Si Zyl—ang pumanaw na ama ni Zea, si Res na ngayon ay kasintahan na ni Ereneya at malapit na ang mga itong ikasal. Si Win na kasalukuyang girlfriend ang isa ring kaibigan nila na si Mitch. Si Justin na nakababatang kapatid ni Zyl. Si Jim na bolero at manloloko pa rin hanggang ngayon, at si Karl na ibinubuhos na ang buong panahon sa pagtatambay sa bahay ni Jus sa kabila nang marami rin itong resposibilidad sa negosyo ng pamilya nito. Sabagay, pwede na ngayon ang work from home. May internet connection lang at computer o kahit cellphone lang ay ayos na. Halos magkapatid na ang turingan nilang pito. Kung hindi lamang pumanaw si Zyl sana ay kompleto pa rin sila ngayon. Gaano man sila ka-abala sa kani-kaniyang buhay ay hindi nila nakakalimutang magkita at kumustahin ang isa’t isa. Minsan nga ay binibiro silang tawagin ng mga ka-baryo nila na seven dwarfs kahit na matatangkad silang mga lalaki. “Sino naman ang pagtataguan ko?” “Sino ba ang kawawang babaeng biktima ng charm mo ngayon?” tanong ni Karl na binigyan pa ng diin ang salitang charm. Likas kasi na palakaibigan si Francis sa mga babae. Natural ang pagiging sweet at maalalahanin kahit na may pagkabastos. Ayon nga kay JM na kapatid ni Ayla ay may magic effect raw si Francis sa mga kababaihan. Dagdagan pang kapag ngumingiti ito ay bumibida ang malalim na biloy sa kanang pisngi. Binigyan ni Francis nang matipid na ngiti si Karl ngunit hindi kaagad sinagot ang tanong nito. Humiga ito sa sopa at ginawang komportable ang sarili. “Ano’ng biktima ang pinagsasabi mo? Ako nga ang biktima rito dahil sa tuwing nakikita ako ng mga babae ay lagi akong nakaririnig ng mapanirang puri na mga salita,” Francis defended. Narinig niyang tumawa si Karl. “Paano kasi’y dinaig mo pa ang mga babae sa kalandian.” Binato ni Francis si Karl ng throw pillow. Napapalatak na pinukol niya nang matalim na tingin ang kaibigan. “Hindi ko kasalanang kinukuyog ako ng mga kalahi ni Eba. Alangan namang itaboy ko sila. I don’t wanna hurt them.” Karl snorted. “Kaya ka napagbibintangang manloloko at playboy ay dahil sa ugali mong iyan. Pati kami ay nadadamay sa kalokohan mo. Minsan matuto kung humindi sa mga babae.” “Tss. Mas malala kayo sa akin. Ako maliwanag pa sa araw na pagkakaibigan lang ang gusto ko. Hindi ako nanliligaw tapos mang-iiwan katulad mo,” umiismid na wika ni Francis. “Wala sa katangian ko ang mga sinabi mo. Naalala mo si Gladys? Napa-trouble tayo dahil sa kalokohan mo,” wika ni Karl na ang tinutukoy ay ang babaeng niligawan niya noon. Gladys was the daughter of their town’s former mayor. Nagkakilala sila nang minsang magkabungguan sila sa restaurant sa bayan. Nakipagkilala sa isa’t isa and they even exchanged numbers. Their meeting was so cliché. Sa kalaunan ay sineryoso niya ang panliligaw sa dalaga. Ngunit pinutol ang ugnayan nila nang may matuklasan tungkol dito. “Ayokong akuin at panagutan ang kasalanan ng ibang lalaki, bor. Alam kong walang nangyari sa amin ng gabing nilasing niya ako. She just wanted me to father her child dahil mapapatay siya ng ama niya kapag nalamang d**g addict ang lalaking ama ng anak niya.” “But she point you as the father of her child.” Francis scoffed. “Ginawa ni Gladys iyon upang pagtakpan ang lalaking iyon. Alam niyang papaboran ako ni Mayor dahil kay Papa,” ani Francis. Magkaibigan ang kaniyang ama at ang dating mayor ng kanilang bayan. Maliban doon ay malaki ang tulong ng kaniyang ama sa mayoral race mg ama ni Gladys noong tumatakbo pa lamang ito. His father gave Gladys’ father financial support that time. Sa mga panahong iyon ay nasa Maynila si Gladys at nag-aaral kung kaya hindi sila nagkakilala agad. “That’s the point. Dapat ay naghihinay-hinay ka na sa mga babae. Baka mapikot ka nang wala sa oras.” Francis lips curved into a lopsided smile. “I’m very careful, bor. Unless, gusto ko ang babaeng pipikot sa akin,” aniya na lalong napangisi. Napapailing na sinuklay ni Karl ang buhok gamit ang mga daliri. “And there’s Julienne na muntik nang mag-suicide dahil sa ‘yo,” patuloy na pag-papaalala ni Karl sa mga babaeng naging bahagi ng kaniyang nakaraan. “Julienne is another story, bor. Wala kaming relasyon. She only assumed.” “Hindi naman siya mag-a-assume kung hindi ka nagpapakita ng motibo. Sino ba naman ang hindi maniniwalang nililigawan mo siya noon dahil lagi kayo magkasama. May padala-dala ka pa ng prutas at kung ano-anong pagkain sa kaniya. Kahit yata pang-load ng babae ay ikaw ang nagbibigay.” “Eh, naawa ako sa kaniya. She has depression. Kaya tinulungan ko siyang makaahon sa dinaramdam niya. Ang sabi niya’y wala siyang makausap na iba. So I’ve helped her.” “Hindi mo siya natulungan. Lumala pa ang depression ng babae dahil sa mga pinanggagawa mo.” “Look. I just wanted to help her. Hindi ko naman sinabi na manliligaw ako sa kaniya o kaya ay gusto ko siya. Walang ganoon,” Francis argued. “Kahit naman kay Roxanne at JM ganoon ako, ah.” “Iba naman si Roxanne at JM. Sila alam na ang likaw ng bituka mo. Hindi eepekto ang charm mo sa kanila.” “Alam ko. Kaya nga wala akong problema sa kanila, ‘di ba?” “Iyon na nga. Iba naman si Julienne. She mistook your efforts into something romantic. Kahit sino naman yatang babaeng binubuntutan mo lagi ay iisiping gusto mo sila.” “Hindi ako bumubuntot sa kaniya. Nagpapasama siya sa akin. Alangan namang tanggihan ko gayong wala naman akong ginagawa. I just can’t refuse her, bor. Isa pa’y sa simula pa lang ay sinabi ko nang gusto ko lang na makipagkaibigan sa kaniya.” “Ewan ko sa ‘yo. Siguro ay titigil ka na kapag may babaeng gusto mo na pero ayaw naman sa ‘yo. Only then you will realize that flaw of yours that you refuse to recognize. Francis shrugged his shoulders. “Wala naman akong ginagawang masama para karmahin, bor.” Francis smiled at Karl flashing his dimple. “Isa pa’y lie low na ako ngayon.” Tinapik siya ni Karl sa balikat. “Keep up the good work, Bor. Nang sa gayo'y hindi ka matulad kay Jim na kung bansagan ng mga babae ay walking s*x,” sabi ni Karl na tinutukoy ang isang kaibigan nilang masyadong matinik pagdating sa babae. Hindi ito basta-bastang nakikipag-flirt lang sa mga babae. Jim always see to it that they ended up in bed. Bagay na naiiba sa prinsipyo at pananaw ni Francis. He wouldn’t dare to have s*x with a woman unless, he want a serious relationship and would want to marry her. Maliban na lamang kung bayaran ang babaeng iyon at hindi na niya mapigil ang tawag ng kaniyang laman. “Sadyang malakas lang ang hatak ng karisma ni Jim sa mga kababaihan. Mukha kasi siyang t**i,” ani Francis na sinabayan ng malakas na halakhak. Napailing na lamang si Karl sa tinuran ng kaibigan. Mabait itong si Francis pero minsan ay wala ring preno ang bibig. Sa madaling salita, bastos. “Eh, ikaw? Bakit ka nandito?” nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Francis kay Karl. Hindi maaaring siya lang ang gisahin ng kaibigan. “Bakit, hindi pwede?” “Baka naman may binabantayan ka lang?” panunubok ni Francis sa kaibigan. Nahahalata kasi niyang nitong mga huling araw ay nakadikit na si Karl kay JM kahit na tinatarayan naman ito ng huli. “Sino pa ba? Eh, di si Zea,” patay-malisyang sagot ni Karl na mabilis namang iniwas ang tingin. “Si Zea ang binabantayan mo o iyong nagbabantay kay Zea?” “Tss. Shut up. Kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa isip mo.” Francis chuckled. Nahahalata niyang gusto ni Karl si JM. Hindi lamang maka-porma dahil bukod sa nakatatandang kapatid ang turing dito ni JM ay patay na patay pa ang dalaga kay Alvadon. “Bakit hindi mo na lang aminin kay JM na gusto mo siya?” “That’s nonsense. Hindi ko gusto ang tingting na iyon.” Francis smirked. “Kailan ka magtatapat? Kung gusto na rin siya ni Alvadon? Kapag nangyari iyon ay wala ka na talagang pag-asa, bor. Mapapanis ang pagsintang pururot mo kay JM.” “Tumahimik ka,” angil sa kaniya ni Karl. He glared at him. “Alam mo namang ang hirap pomorma sa babaeng iyon. Hindi pa ako nagsasalita ay sinusupalpal na ako.” Francis chuckled. “Akala ko ba’y walang babae ang tumatanggi sa ‘yo? ‘Di yata’t si JM lang ang katapat mo?” “Tss. Wala na akong pakialam sa tingting na iyon. Magsama pa sila ni Alvadon,” Karl murmured but still, it reached Francis’ ears. “Well, okay naman si Alvadon. Isa pa’y pataya na patay si JM sa kaniya.” “Oh, shut up, bor. Sumasakit ang tainga ko sa ‘yo!” Natawa si Francis at iginala ang paningin sa loob ng bahay. “Nasaan si Jus?” tanong niya nang hindi napansin ang kaibigan. “May binili lang sa bayan na supplies dito sa bahay. Magkasama sila ni Eira. Tingin ko nga may relasyon na ang dalawang iyon, eh.” “Hayaan mo na. Alam naman ni Jus ang ginagawa niya.” “Alam naman nating lahat kung ano na naman ang mangyayari sakaling ipagpatuloy niya ang pakikipaglapit kay Eira.” “Hindi naman siguro aabot sa puntong iyon. Matatag ang paninindigan ni Jus.” “Baka lang naman.” Francis looked at Karl. “Si Roxanne hindi nagagawi rito?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang pinsan ni Jus na nakatira malapit lang sa bahay. “Nandito siya kahapon. Ngayong araw hindi ko pa siya nakikita. Ang sabi sa akin kahapon ay masama ang pakiramdam niya.” “Papasyal ako sa kanila ngayon. Gusto mong sumama?” yaya ni Francis kay Karl ngunit matigas na iling ang sagot nito sa kaniya. “Ayoko. Tinatamad akong lumabas.” “Talaga lang, huh?” nagdududang wika ni Francis. “Kung gusto mong pumunta roon, ikaw na lang. Huwag ka nang gumawa ng isyu tungkol sa akin,” Karl grumbled but still audible. “Sige na nga. Magkukunwari na lang akong hindi ko alam na si JM ang binabakuran mo. Wala kang panama kay Alvadon, bor,” Francis stated again. Alvadon was a centaur turned human at siyang kinahuhumalingan ni JM. “Hindi ko binabakuran ang tingting na iyon. Kahit magpakasal pa sila ni Alvadon, wala akong pakialam.” “Ninong Francis!” narinig nilang tili ni Zea. Nang tingnan nila ay naroon ito nakatayo sa itaas ng hagdanan. Mabilis itong bumaba. “Careful, Zea!” paalala ni Francis na agad na bumangon at sinalubong ang inaanak nang mahigpit na yakap.. “Ninong, kanina ka pa ba?” tanong ni Zea na nagpakarga na sa kaniya. “Kararating ko lang, sweetheart. Basang-basa ka ng pawis,” aniya na kinuha ang panyo sa bulsa ng suot na six-pocket shorts at pinahiran ang pawis ng inaanak. “Naglaro kasi kami sa itaas, Kuya,” wika ni JM na malapad ang pagkakangiti. Namamawis na rin ang noo at leeg nito. Basa na rin ng pawis ang suot nitong puti at manipis na kamiseta. Balewala namang humarap si JM sa kanila kahit na nababakat ang umbok ng dibdib nito. Hindi na kasi iba sa kanila si JM at nakatatandang kapatid na ang turing sa kanila. “Magpahid ka rin ng pawis mo, JM,” wika ni Francis na inabot ang panyong ginamit kay Zea sa dalaga. “Thank—s**t!” Karl threw a small and clean towel on JM’s face bago pa man makuha ng dalaga ang panyong inaabot ni Francis. “Ayan ang towel, magpunas ka.” “Bwisit ka talaga!” inis na hinampas ni JM ang towel sa braso ni Karl. “Pwede namang ibigay nang maayos bakit kailangan pang ibato sa akin?” nandidilat ang mga matang tinitigan ni JM si Karl. “Hindi ka kasi marunong magdala ng sarili mong panyo. Kapag nagdadala ka naman ay iwinawala mo lang.” “Kaya nga hindi na nagdadala kasi mawawala lang,” pagra-rason ni JM. Hindi na bago kay Francis at Zea ang eksenang ganoon sa pagitan ng dalawa. Mula yata nang magkaroon ng muwang si JM sa mundo ay nagsimula na silang mag-inisan. “Tss. Magpahid ka na ng pawis mo. Mukha kang dugyot.” “Excuse me, kahit namamawis ako’y attractive pa rin akong tingnan, ‘no!” “Ano’ng attractive sa hitsura mong iyan? Mas attractive tingnan iyong pitsel na namamawis dahil sa yelo. Mukha ka ngang dugyot.” “Mukha ka namang unggoy,” balik ni JM na inirapan pa si Karl. “Ninong why is Aunt JM always bickering with Ninong Karl?” inosenteng tanong ng pitong taong gulang na si Zea. “Because they like each other,” bulong ni Francis sa tainga ni Zea ngunit hindi naman hininaan ang boses at sadyang ipinarinig sa dalawa. “Hell, no!” “Of course not!” halos sabay na sagot ng dalawa. Zea giggled. “Ninong, Francis. How will Aunt JM and Ninong Karl end up with each othet if they’re always like that?” tila wala roon ang dalawa kung magtanong si Zea. Francis heard Karl snorted and JM groaned. He then saw Karl get out of the house at si JM nama’y nagdadabog na bumalik sa ikalawang palapag ng bahay. “That’s for us to find out, sweetheart,” Francis said and winked at Zea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD