Chapter 2

2971 Words
PAGKATAPOS makipagkwentuhan kina JM at Zea ay nagpasya si Francis na dalawin si Roxanne. Ang kubo na tinitirhan ni Roxanne at ng Tiyo Tinyo ay halos limampung metro lamang ang layo mula sa bahay nina Zea. Nasa gitna ng niyugan nakatayo ang kubo ng mga ito dahil gusto ng Tiyo Tonyo ng tahimik na kapaligiran. Isa itong albularyo at madalas ay gusto ng katahimikan kapag may ginagamot ito. Malapit na siya sa kubo ng mga ito nang makita niya ang dalaga na papalabas ng kubo. Nakabihis si Roxanne at mukhang may pupuntahan. She’s wearing a black tank baring her smooth and sexy shoulders. The black tank was paired with skinny jeans and a T-strapped sandals. May nakasukbit na maliit at itim na chain-strapped purse sa balikat nito. Napahinto siya malapit sa puno ng niyog at hinintay na mapansin siya nito. “Oh, Fran! Naparito ka?” gulat na tanong ni Roxanne nang makita siya. Mabilis itong nakalapit sa kaniya. Hinawakan sa beywang at niyuko ang dalaga. Binigyan niya ito ng matunog na halik sa pisngi. “Dadalawin lang sana kita. Galing ako kina Zea at ang sabi ni Karl ay masama raw ang pakiramdam mo kahapon,” Francis stated na hindi inaalis ang kamay sa beywang ni Roxanne. “Thanks for your concern, Fran. Pero okay na ako ngayon. Sumama lang ang pakiramdam ko kahapon baka dahil sa matinding init. Saka paparating kasi ang period ko kaya ganoon.” “Baka pwede namang huwag nang dumating ang period mo? Napapansin kong tuwing dinadatnan kay hindi ka makausap nang matino. Marami ka pang pinabibili. Tapos sumasakit pa ang puson mo.” “Baliw. Hindi naman pwedeng hindi dumating ‘yon. Magpapabuntis muna ako para mapigilan,” wika ni Roxanne na sinundan ng mahinang tawa. “Edi, bubuntisin kita!” “Gago, ang bastos!” Humalakhak si Francis. “Biro lang. Basta pigilan mo nang reglahin ka. Ayoko na bumili ng napkin mo.” Natatawang siniko siya ni Roxanne sa tagiliran. “Parang isang beses ka lang bumili ng napkin ko, ah! Na-tyempo lang na nakalimutan kong dadatnan ako nang araw na iyon kaya ‘di agad nakabili ng napkin. Bwisit ka, huwag mo na ipaalala.” Francis laughed and pinched her cheek. “Joke lang. Wala namang kaso sa akin iyon. Kahit araw-araw pa ako bumili ng napkin mo hindi ako magrereklamo.” Kinurot na siya ni Roxanne sa tagiliran. “Tumigil ka na nga. Bakit ba ganyan pinag-uusapan natin.” “Ikaw kasi. Ang sexy mo ngayon, ah!” Francis commented as he surveyed her from head to foot. Ang kamay niyang nakahawak sa beywang ni Roxanne ay umakyat patungo sa balikat nito. Nakaakbay na siya ngayon sa dalaga. “Sus, nambola ka na naman.” “Hindi ako marunong mambola. Saan ba ang punta mo para maihatid na kita?” “Kakain lang ako sa labas. Kung gusto mo’y samahan mo na ako.” “Ayoko maging chaperone ninyo ng ka-date mo. Ihahatid na lang kita para makita ko kung sino ang kasama mo.” Hinampas siya ni Roxanne sa balikat. “Wala akong kasama. Lalo wala akong ka-date,” natatawang wika ni Roxanne. “Ang mabuti pa samahan mo na ako. Kakain lang naman tayo sa bayan, eh. May bagong bukas roon sa Solana na burger house. Subukan natin.” “Sigurado ka, ha. Kapag may lalaking dumating magpapakilala akong boyfriend mo. Bahala ka,” nakangising pananakot ni Francis ngunit walang epekto kay Roxanne. Natatawang kinuha ni Roxanne ang kamay ni Francis na nakahawak sa beywang niya at kumapit roon. “Halika ka na.” “Dala ko ang motor ni Win. Wala kang magagawa kung hindi ang umangkas sa akin. Iniwan ko roon sa bahay ni Jus.” Nasira kasi noon ang motor niya at hindi na niya binalikan sa Bernabe noong nakipaglaban sila sa mga aswang dahil sa pagghahanap ng gamot para kay Roxanne. “Walang problema. Basta’t huwag mo lang bibilisan ang pagpapatakbo.” “Ayoko nga. Paano ka yayakap sa likod ko niyan nang mahigpit?” “Loko-loko ka. Kapag ginawa mo ‘yon ikaw magbabayad ng lahat ng oorderin ko!” HALOS biente minuto lang ang itinakbo ng motorsiklo ni Francis bago nila narating ang burger house na ayon kay Roxanne ay bagong bukas lamang. The mini-restaurant was located near the clean river of Solana. May mga cottages pang ginawa sa ibabaw ng sanga ng mga puno na nasa pampang lamang ng ilog. Malamig ang ambiance dahil sa mga ornamental at hanging plants na nagkalat sa bawat sulok ng restaurant. Dagdagan pang medyo malakas ang ihip ng preskong hangin. Pinili nila ni Francis ng cottage na medyo hiwalay sa karamihan. Pang-dalawahan lamang iyon kung kaya sakto lamang para sa kanila. Naupo sila sa magkaharap na wooden chair na napapagitnaan ng parihabang mesa na gawa rin sa kahoy. “Nandito rin pala sina Res at Ereneya,” imporma ni Francis. Sinundan ni Roxanne ang direksyong tinitingnan ni Francis at nakita niya nga sina Res at Ereneya na masayang kumakain sa kabilang dulo ng restaurant. Marahil ay hindi sila ng mga ito napansin dahil masyadong naka-focus ang mga ito sa isa’t isa. “You want us to join with them?” “Naku, hindi na. Hayaan mo na ang magkasintahang iyan. Makakaistorbo lang tayo sa kanila.” Nakita ni Francis ang paninibugho sa mga mata ni Roxanne nang muli nitong sulyapan sina Res at Ereneya. Hindi lihim sa kanilang magkakaibigan ang damdamin ni Roxanne para kay Res. Ngunit nagparaya si Roxanne dahil alam nitong kahit hindi bumalik si Ereneya kay Res at hindi pa rin matutugunan ang damdamin niya para rito. Roxanne sighed. “Nakapili ka na ba ng order mo?” she asked and focused herself on the menu. “Oo, ikaw nakapili ka na ba?” Umangat ang mukha ni Roxanne at matamang tinitigan si Francis na mataman ring nakatitig sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ibinalik ang paningin sa menu. Roxanne closed the menu book. “Ikaw na lang ang pumili para sa akin. Sa dami ng gusto kong kainin ay hindi na ako makapag-decide,” nakangiting sabi ni Roxanne. She’s smiling but it didn’t reached her eyes and Francis knew the reason why. “Gusto mong lumipat na lang tayo ng kainan? Mayroon pa namang masarap na kainan dito sa bayan.” “Bakit naman? Dito ko talaga gustong magpunta, ano? Basta ikaw na bahala sa order natin. Sagot ko,” ani Roxanne and took a glimpse on Res’ direction. “Alright,” pahinuhod ni Francis na ibinigay sa waiter ang order. “You are still into him, aren’t you?” “Ano ang ibig mong sabihin?” maang-maangan nito. Kinuha nito ang cellphone sa loob ng dalang purse at inabala ang sarili sa paggamit ng gadget. “Alam mo na kung sino ang tinutukoy ko,” ani Francis na sumandal sa kinauupuan. He crossed his arms on his chest and looked at Roxanne intently. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Francis. Huwag kang maraming tanong,” reklamo nito na hindi inaalis ang pansin sa hawak na cellphone. Hindi masalubong ni Roxanne ang mga tingin ni Francis dahil alam niyang malalaman lang nito na nagsisinungaling siya. Kahit nga gawin niya iyon ay alam naman ni Francis ang totoo. Simula kasi nang mabigo siya kay Res ay si Francis ang naging sandalan niya. She’s really comfortable with him and she trust him. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa pinsan niyang si Jus. Kaya lang ay marami itong inaalala at ayaw na niyang makadagdag pa sa alalahanin nito. “Paano ka makakapag-move on nang mabilis niyan kung ayaw mong tanggapin sa sarili mo na si Ereneya ang pinili ni Res?” Roxanne hissed and tried to cover his mouth with her hand but it’s too late. Sinulyapan ni Roxanne ang direksyon nina Res at Ereneya. Nang makitang patuloy lang ang mga ito sa masayang pagkain ay inalis niya ang kamay sa bibig ni Francis. “Iyang boses mo, Francis, ha! Napakadaldal mo! Buti na lang hindi nila narinig. Nakakahiya ‘pag nagkataon!” nandidilat ang mga matang singhal ni Roxanne kay Francis. Francis just smirked at her. “Ereneya is pregnant and they’re getting married Roxanne. Dapat ay tanggapin mo na lang na si Ereneya talaga ang mahal ni Res.” Roxanne glared at him. “Tanggap ko na, matagal na! Kaya tumahimik ka na riyan!” “Kaya pala selos na selos kang makita silang ganyan,” pasimpleng wika ni Francis ngunit hindi inaalis ang nanunuring tingin kay Roxanne. Piningot ni Roxanne ang ilong niya at pinanggigilang pinisil iyon. “Aray! Ano ba!” Tinapik ni Francis ang kamay niya. “Napaka-chismoso mo kasi.” “Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ka pa talaga nakaka-move on.” Alanganing napangiti si Roxanne. She sighed in defeat. “Oo na! Hindi kasi siya madaling kalimutan, Fran. I really liked him. Sa mga pagkakataon kasi noon na akala ko ay wala na akong pag-asang mabuhay ay nasa tabi ko si Res.” “I understand. Pero sana ay tinutulungan mo ang sarili mong maka-move on. Why not entertain your other suitors?” Roxanne rolled her eyes and glared at him. “Paano ako maliligawan kung ang alam ng lahat ay ikaw ang boyfriend ko?” Francis chuckled. “Hindi mo kasi itinatama.” “What’s the point? Hindi mo rin kasi itinatama. Kapag dini-deny ko naman ay walang naniniwala. You’re too close to me at kung umasta ka kapag kasama mo ako’y para kang boyfriend ko.” “Eh, ano naman ang gusto mong gawin ko? Magkasama tayo pero we’re ten meters apart? May magkasama bang ganoon kalayo ang distansya?” Francis argued. Roxanne clacked her tongue with Francis’ reasoning. “Ewan, lahat na lang yata ng babaeng nakakasama mo ay pinapaniwalaang girlfriend mo. Bakit ka ba ganyan?” “Ano’ng ganyan? Klaruhin mo,” ani Francis na ipinatong ang magkabilang siko sa mesa at sinapo ang magkabilang pisngi. “Ganyan? Alam mo na ‘yan!” nakairap na sagot ni Roxanne. “You mean, gwapo, makisig, lapitin ng chicks at gwapo?” “Kailangan talagang dalawang beses ulitin ang salitang ‘gwapo’?” “Oo, just to emphasize.” “Ayaw mong natatawag na playboy pero hindi mo naman itinitigil ang pagiging extra friendly at sweet mo sa mga babae,” Roxanne commented. Pagkatapos ni Karl ay si Roxanne na naman ang nagse-sermon sa kaniya. “Hindi ko na kasalanan kung chick-magnet ako. Basta wala akong ginagawang masama.” “Hi, Francis!” bigla bati ng isang dalagang kakapasok lang at naghahanap ng bakanteng table. May kasama itong isang lalaki na mabilis lumapit sa counter. “Hello, Abby. You look extra beautiful today.” “Talaga? Ikaw rin naman…lalo kang gumuguwapo,” ganting puri ng dalaga. She even tucked her hair behind her ears. “Thanks,” todo-ngiting sagot ni Francis. Roxanne secretly rolled her eyes nang makitang namula ang mukha ng babae sa kilig. Malapad ang ngiting nagpaalam ito nang hilahin ng kasama nitong lalaki patungo sa binakanteng table. Tila ayaw pa ngang umalis sa harap ni Francis kung hindi lamang nahila ng kasama. “Iyan na nga ang sinasabi ko, eh. Mamaya may magbi-break na naman dahil sa ‘yo.” “Ano na naman ang kasalanan ko? She greeted me natural lang na batiin ko siya pabalik, right?” “Oo, pero kailangan pa bang dagdagan ng ‘you’re extra beautiful today’,” sabi ni Roxanne na inartehan ang boses. “Iyon naman ang gusto ninyong mga babae, ‘di ba? You always love to hear compliments.” “Naroon na ako. Pero ilagay mo sa lugar. Alam mo namang kasama ang boyfriend.” “Hindi ko na kasalanan ‘yon, Roxanne,” Francis paused when their orders arrived. “Malaki talaga ang problema ng mga katulad kong guwapo.” “At conceited,” dugtong ni Roxanne bago nilantakan ang burger. “Ang dami naman ng order mo. Mauubos ba natin ‘to lahat?” anito na sinuyod ng tingin ang maraming pagkain. “Mauubos mo ‘yan. May anaconda ka sa tiyan, eh!” sabi ni Francis said laughing. “Loko ka, ah! Anaconda ka riyan!” “Alam mo nagtataka ako sa ‘yo, eh. Malakas ka naman kumain pero hindi ka tumataba.” “Sabi ni Tiyo Tonyo sa buhok ko raw napupunta,” wika ni Roxanne sa pagitan ng pagnguya. “Mukha nga. At hindi ka man lang marunong magtali ng buhok mo. Mamaya pati buhok mo makain mo na.” “Baliw. Gusto ko kasi laging nakalugay ang buhok ko.” Roxanne has a waist length, black, and shiny hair. Pwede na nga itong maging model ng shampoo commercial. “Itali mo muna at kumakain ka…” puna ni Francis. Siya kasi ang nahihirapan sa buhok ni Roxanne na kumakalat sa mukha nito tuwing umiihip ang malakas na hangin. Roxanne just flipped her hair backwards while munching. “Ayoko. Magmamarka ang tali sa buhok ko.” “Tss.” Francis stood up and walked behind Roxanne. Sininop niya ang buhok ng dalaga sa kabila ng pagtutol nito. “Huwag na sabi Francis! Kapag nasira ang buhok ko ipapa-rebond mo ‘yan!” pananakot ng dalaga na tinapik pa ang kamay ni Francis na nakahawak sa buhok niya. “Bitiw na.” Ngunit walang balak tumigil si Francis. They could hear giggles near them at nang igala ni Roxanne ang mga mata sa paligid ay nakita niyang nakamasid sa kanila ang ilang cotumers doon lalo na ang mga kababaihan. Lumipad ang tingin niya sa direksyon nina Res at Ereneya at nalaman niyang nakamasid pala ang dalawa sa kanila ni Francis. They’re smiling at bakas sa ngiti ng mga ito ang panunukso. Ereneya waved at her nang makitang nakita niya ang mga ito. Ginantihan iyon ni Roxanne ng nahihiyang ngiti. “Noong isang araw lang ibang babae ang nakita kong kasama ng Francis na iyan.” Umabot sa pandinig ni Roxanne ang sinabi ng babaeng malapit sa table nila. Nang sulyapan niya ito’y nalaman niyang tatlo ang mga ito sa table at ang isa’y matalim ang pagkakatitig sa kaniya. “Hmmp. Hindi ko type ang mga ganyang lalaki. Masyadong babaero,” wika ng babaeng masama kung makatitig. “Pero, girl. Aminin mo, malakas ang s*x appeal ni Francis. At ang guwapo. Kahit ang pinsan kong sa karatig-bayan pa nakatira ay kilala siya. Hindi lang ‘yon, crush pa nila ng kaibigan niya ang Francis na iyan!” sabi naman ng katabi nito. The other girl smirked. “Yes. He’s handsome. At kung katulad lang naman niya ang magiging boyfriend ko ay huwag na lang. Guwapo nga, babaero naman.” “Ang sabi nga nila kapag ang babaero nagseryoso, pati asin lalanggamin,” the other girl commented and laughed. “You’re hopeless. Kaya nga pinigilan ko ang kaibigan ko sa plano nitong makipagkilala riyan sa lalaking iyan. Wala siyang maidudulot sa magiging girlfriend niya kung hindi sama ng loob,” the girl said cruely. Napailing si Roxanne sa mga narinig. Totoo ngang pinagkalat ng magaling na lalaking ito ang ‘charm’ niya kahit saang lugar. “Tigilan mo nga ang buhok ko, Francis.” Hindi niya alam kung nais nga ba niyang patigilin ito sa ginagawa dahil wala namang halo ng pagsaway ang boses niya. Hindi yata at nawalan na rin siya ng lakas para sawayin ito. “Ipapa-rebond ko agad ang buhok mo pagkatapos mo kumain,” wika ni Francis na tinanggal ang wrist band at iyon ang ginawang pantali sa buhok ni Roxanne. Pagkatapos ay bumalik na ito sa kinauupuan. Hinawakan ni Roxanne ang nakatali sa buhok niya at bumuntong hininga. “Salamat. Hindi mo na dapat ginawa iyon. Aakalain na naman ng mga tao rito boyfriend kita,” nakasimangot na turan ni Roxanne. “Buti sana kung totoo,” she murmured. “Huwag ka nang bumulong-bulong diyan. Bakit mo ba iniisip ang opinyon ng ibang tao? Hayaan mo sila.” “Tss. Hindi mo ba narinig ang opinyon sa ‘yo ng mga babaeng nasa kabilang table?” Francis glanced at them at muling ibinalik ang pansin kay Roxanne. “Their opinion doesn’t matter to me. Hindi naman nila ako kilala talaga.” “Bahala ka nga sa buhay mo. Wala naman yata akong sasabihin na wala kang maidadahilan.” “Galit ka na naman,” puna ni Francis na tinitigan siya. “Mas maganda ka kapag nakatali ang buhok, Roxanne.” “Such a sweet talker. No wonder, kilala ka ng lahat ng kababaihan.” “Para namang ngayon mo lang ako nakilala, Roxanne. Ganito talaga ako at wala akong balak baguhin ang nakaugalian ko na. I would prefer people to hate me for who I am that to love me for who I am not,” Francis said firmly. “Ewan ko sa ‘yo. Ini-stress mo ako at ang buhok ko. Ikaw magbayad nitong lahat, ah!” turo ni Roxanne sa lahat ng pagkain nila. “Oo naman. Ni minsan hindi pa gumastos ang babae sa akin sa date namin.” “Date, huh?” Francis grinned. Ipinagpatuloy ni Roxanne ang pagkain. “Dagdagan mo ang isang ito. Ano ba pangalan nito? Masarap, eh,” wika ni Roxanne na ang tinutukoy ay ang hawak na burger. “Para kang bata, Roxanne. Huwag kang dumaldal nang puno ang bibig. Baka mabulunan ka pa,” saway ni Francis na inilapit ang isang baso ng iced tea sa dalaga. Pinandilatan lamang siya ni Roxanne bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD