Chapter 3

2797 Words
NANG MAIHATID ni Francis si Roxanne sa bahay nito ay agad na rin siyang nagpaalam. Nais pa sana niyang makipagkwentuhan sa dalaga ngunit alam niyang sesermonan lang siya nito tungkol sa ugali niya. Isa pa’y alas onse na ng tanghali at alam niyang maghahanda pa si Roxanne para sa online tutorial nito nang ala-una. At first, attracted siya kay Roxanne. Lalo na noong bago pa lamang ito sa kanila. Kaya siya ang nag-presinta na sumama kay Jus para maghanap ng lunas para rito noon dahil malakas ang tama niya rito. Ngunit nang mapag-alaman niyang si Res ang gusto nito ay mabilis na naglaho ang kung ano mang nararamdaman niya kay Roxanne. She’s still special to him dahil kaibigan niya ito. He is sure Roxanne was more than just a friend. Nakababatang kapatid na ang turing niya rito. He was three years older than her. Nagpasya si Francis na tumambay sa court nila. May mga binatilyo roon na naglalaro ng basketball. Mayamaya ay lumapit sa kaniya ang binatilyong si Vince. “Kuya, pwedeng ikaw na mag-sub kay Romel? Namanhid ang mga binti niya,” wika nito nang makalapit sa kaniya. Narinig niya ang ungol ng mga binatilyong kalaban ng team nito. Magkakaibigan naman silang lahat at madalas ay sila-sila rin ang naglalaro. Batid ni Francis na pustahan iyon kung kaya ganoon na lang ang tutol ng kabilang team na siya ang substitute kay Romel. “Huwag na si Kuya Francis. Easy win kayo ‘pag siya pumalit kay Romel,” komento ni Andrei. “Oo nga. Wala pang laban ang pambato naming si Cookie kay Kuya Francis. Iba na lang.” Francis chuckled. Napakamot naman ng ulo si Vince dahil walang mahanap na papalit kay Romel doon. “Hindi matatapos ang laro ninyo kapag kulang ng isa ang mga ito,” turo niya kina Vince at sa kasama nito. “Hindi ako hahawak ng bola. Deal?” “O, ano? Sige na, deal na!” ani Vince na naiinip na. Kahit tagatak ang mga ito sa pawis at taas-baba ang dibdib sa paghinga ay tila walang kapaguran ang mga ito. Which reminds him of the olden days. Noong kasing-edad pa lamang nila ang mga binatilyong iyon. Lagi silang laman na pitong magkakaibigan noon ng basketball courts at mga liga. “Sige na nga. One-Four naman na ang score. Isang puntos na lang at panalo na tayo,” ani Andrei sa teammates niya. Pumayag na rin ang kabilang team. Hindi nga nakahawak ng bola si Francis hanggang matapos ang laro ngunit sa huli ay nanalo ang team nina Vince. HINDI napigilan ni Francis ang mapangiti nang makita ang ka-baryo niyang si Rexzy. Katatapos lang ng laro niya kasama ang mga binatilyo at naroon sila sa sari-sari store para uminom ng tubig. Nagpalibre tuloy ang mga bata sa kaniya ng snacks na agad naman niyang pinagbigyan. Magpapaalam na sana siya sa mga bata ngunit ipinasya niyang manatili muna roon. “Hi, Sexy!” Francis greeted her but Rexzy just looked away. May kausap itong kaibigan at narinig niyang malakas pa itong humalakhak at sumulyap sa gawi niya. He gave her a wink but only rolled her eyes. Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad at pumasok sa tindahan na nasa kabilang kalye lang. Nevertheless, kita pa rin ang mga ito mula sa kinaroroonan niya. Rexzy was short. Sa tingin niya ay nasa five feet lamang ang taas nito. Ngunit sexy ang pangangatawan. Lampas balikat din ang alon-alon na buhok na marahil ay gawa nang palagi nitong pagtirintas. She has a fair complexion at ang isang nagustuhan niya rito ay ang mga hugis tuldok na nunal na nagkalat sa leeg nito at isa sa ibaba ng labi. Wala na sana siyang planong asarin si Rexzy ngunit sumulyap sa kaniya ang kasama nitong si Dahlia. She waved at him. Francis decided to approach them. “Hi, Dahlia.” He smiled at Dahlia and gave her a slight tap on her shoulder. “Ngayon lang kita nakita ulit. Saan ka ba nagtago?” Francis stayed standing in front of the two woman. Nakaupo ang mga ito sa silya at nakapagitan sa kanila ang malaking table na gawa sa narra. “Eh, Dalawang linggo akong nasa siyudad. Job hunting.” “So, nakahanap ka na ba ng trabaho?” Francis rest his back on the post. He glanced at Rexzy but she was not looking at him. Sa sobrang iwas nitong mapatingin sa gawi niya ay pinagdiskitahan na nitong kutkutin ang pintura ng mesa. Francis smiled. “Well, nakapag-apply na ako. Actually, tatlo ang scheduled interview na hinihintay ko. Ikaw, kumusta ka?” balik-tanong sa kaniya ni Dahlia. “Ganoon pa rin.” Ngumiti si Dahlia nang mahuli siyang nakatingin kay Rexzy na nauwi sa makahulugang tawa. “Hi again, Sexy!” bati niya kay Rexzy. Nakasanayan na kasi niya itong tawaging ‘sexy’. She has the right to be called that way, tho. Inismiran at inirapan lamang siya ng dalaga. He chuckled. Sa kanilang baryo ay tanging si Rexzy lang ang dalagang mainit yata ang dugo sa kaniya palagi. Hindi yata ito tinatablan ng charm niya. Pero okay lang naman sa kaniya iyon. Mabuti nga at may naiiba. “Nga pala, Fran. Since nandito ka naman na itatanong ko na rin sa ‘yo. Totoo bang kayo raw ni Roxanne?” usisa ni Dahlia na lalong ikinalukot ng mukha ni Rexzy. “Bakit mo naman naitanong?” “Nakita raw kayo kanina na nag-date sa Solana. So, kayo na nga?” paniniguro ni Dahlia. Francis crossed his arms on his chest. Tama nga ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Ang bilis kasing makarating ng balita kay Dahlia. Naaliw na pinagmamasdan ang naiinis na mukha ni Rexzy. “Kailan ba nawalan ng ka-date iyang bakulaw na ‘yan?” Rexzy raised her perfectly arch eyebrows. “Lahat naman yata nang makilalang babae idini-date niya,” parinig ni Rexzy sa kaniya. “Ikaw lang naman ang hindi pumapayag makipag-date sa akin,” wika ni Francis na matamang tinitigan si Rexzy. Narinig niya ang pagsinghap ng dalaga. Napaawang ang bibig nito ay ilang sandali pa bago nagsalita. “At bakit naman ako makikipag-date sa babaerong katulad mo?” naka-irap pang singhal nito. “Porke’t maraming kaibigan na babae, babaero kaagad?” “Kaibigan? Huh, maniwala ako sa ‘yo.” “Oh, I smells jealousy.” Napa-aray naman si Dahlia nang malakas siyang hampasin ni Rexzy sa braso. “Ano’ng pinagsasabi mo riyan!” Natawa nang marahan si Francis. “Well, galing nga kami ni Roxanne kanina sa Solana. But it’s just a friendly date,” sa wakas ay pag-amin niya. “So, hindi kayo?” “Hindi,” Francis confirmed. Huminga nang maluwag si Dahlia at binalingan si Rexzy. “Oh, hindi naman pala sila, eh!” Muli itong hinampas ni Rexzy sa braso na sinamahan pa ng kurot sa tagiliran. Masama ang tinging ipinukol nito sa kaniya nang marinig nitong natawa siya. “Ano ba ang binili ninyo? Gusto niyo ba ng fries, ice cream, or you want me?” Humalakhak si Dahlia. “Gago ka, Francis. Ako mas gusto ko ang fries. Ewan ko kay Rexzy at baka ikaw ang piliin!” “Baliw ka talaga! Ako na naman pinagtri-tripan mo. Huwag mo nga akong tuksuhin sa hambog na lalaking iyan,” bulong ni Rexzy kay Dahlia na umabot naman sa pandinig ni Francis. “Hayaan mo na si Sexy, Dal. Mamaya lalong kumulot ang buhok niyan.” Katakot-takot na irap ang ibinigay sa kaniya ni Rexzy. “So, ano ang gusto niyo? Sagot ko na,” alok niya. “Huwag na. Baka hindi pa kami matunawan kapag ikaw ang nakikita namin habang kumakain,” masungit na wika ni Rexzy. “Don’t worry. Hindi naman ako magtatagal.” Francis ordered fries and ice-cream sticks. “So, hintayin n’yo na lang ang pagkain niyo. Enjoy your snacks,” aniya bago nagpaalam sa dalawa. “Thanks, Fran!” pahabol ni Dahlia. Francis just winked at her. Umabot pa sa pandinig niya ang ginawang pagsaway ni Rexzy sa kaibigan na sinagot naman ni Dahlia ng malakas na tawa. “Bor!” Mabilis ang ginawang paglingon ni Francis nang marinig ang pagtawag na iyon. Maliban sa kanilang anim na magkakaibigan ay wala nang nagtatawagan ng ‘bor’ sa baryo nila. It was supposed to be ‘bro’ dahil parang magkakapatid na ang turingan nila. Ngunit dahil sa gusto ng mga itong maiba, ang ‘bro’ ay ginawa nang ‘bor’. Nakita niyang hinahabol pala siya ni Jim at kasama nito si Win. “Akala ko wala ka sa inyo?” tanong niya kay Jim nang makalapit ito. “Kararating ko lang. Naabutan ko si Win sa bahay na hinihintay ako. Saan ka pupunta?” “Sa bayan. Bakit?” balik-tanong niya. “Mahalaga ba ang sadya mo roon? May taga-kabilang baryo kasi na naroon sa court at hinamon kami ng three on three. Puwede ka?” tanong nito. Ipinasok ni Francis ang kamay sa bulsa ng suot na shorts. “Katatapos ko lang magpapawis kasama sina Vince at Cookie. Wala ba kayong makakasama?” Napakamot ng batok si Win. “Mayroon naman. Marami. Pero ayokong matalo sa pustahan. Balita ko’y magagaling ang mga iyon.” Sandaling nag-isip si Francis at mayamaya ay napangiti. “Pahiram ng jersey. Ayoko na umuwi,” aniya. He gestured Jim and Win to get on his motorcycle. “Paano ang sadya mo sa bayan?” tanong ni Win. “That can wait. Hindi naman iyon gaanong importante,” sagot niya at pinatakbo ang motor pauwi sa bahay ni Jim. He always want challenges. Sa kanilang baryo kasi ay silang magkakaibigan na ang magaling sa larong basketball. Kilala rin sila sa ibang baryo dahil sa mga nasasalihan at naipapanalo nilang liga. Kaya nang marinig mula kay Win na magaling raw ang pumaroon pa sa kanila at naghahamon ng pustahan ay hindi niya kayang pahindi-an. Gusto niyang malaman kung hanggang saan ang galing niya. Hindi sa nagmamayabang pero lagi siyang nakakaramdam ng excitement kapag may bago silang nakakalaro. Natawa si Jim. “Lalo tuloy akong ginanahan. Nangangati na ang kamay kong humawak ng bola,” malapad ang ngiting sabi nito. “Ayon kay Anton ay Alog daw ang isa sa kanila,” imporma ni Win na ang ibig sabihin ay Tagalog ang isa raw sa mga ito. “At magaling mag-tres. Wala raw mintis.” Halos sabay silang napasipol ni Jim nang marinig ang sinabi ni Win. Kung naroon lamang si Jus ay hindi ito papayag na hindi masubukan ang galing ng Alog na iyon. Kilala rin kasi si Jus bilang three points shooter ngunit hindi perpekto. Minsan sablay din kapag inaalat. Nang makapagbihis ng jersey ay agad silang bumalik sa court. Bumaba sina Jim at Win sa harap ng court while Francis maneuvered and parked his motorcycle on the vacant lot near the basketball court. Nang makuha ang susi ng motor ay naglakad na lang siya. Nakasunod siya sa likuran nina Rexzy at Dahlia na mukhang patungo rin sa court. Nang malapit na siya sa gate ay may lumabas na maputing lalaki na nang makita ang dalawang babae ay agad na bumati. He’s unfamiliar kaya naghinala na siyang isa ito sa mga makakalaban nila mayamaya lang. Tumigil sina Rexzy at Dalhia sa harapan ng gate dahil nakipagkilala pa ang lalaki. Narinig niyang nag-Tagalog ito kaya nalaman niyang ito ang Alog na tinutukoy ni Win. Well, matangkad nga ito at maganda ang pangangatawan. Mukhang alaga sa ehersisyo. Hindi agad siya nakapasok sa court dahil nakaharang ang tatlo sa gate. Napakunot ang noo ni Francis nang makitang todo ngiti si Rexzy sa bagong salta and the guy was obviously flirting with her. Tumikhim siya kaya naagaw niya ang atensyon ng mga ito. “Nakaharang kayo sa daan,” aniya na nakangiti. “Oh, sorry,” agad na hingi ng paumanhin ni Rexzy ngunit nang makita siya ay agad na napalis ang ngiti sa mukha na tumabi at binigyan siya ng daan papasok sa court. “Thanks,” aniya na sandali lang sinulyapan si Rexzy at pumasok na sa loob ng court. Hindi na nag-warm up pa si Francis dahil sapat nang warm up para sa kaniya ang laro niya kanila kahit hindi naman iyon nagtagal. Nakita niya si Jim na lumapit sa grupo ng mga kalaro nila. He counted them mentally at nasa pito ang bilang ng mga ito kasama na ang dalawang babae. Nang bumalik si Jim sa kanila ni Win ay nakalahad na ang palad nito. “Five thousand ang pusta nila, Bor.” “Wow. Mukhang pinaghandaan nila ‘to, ah!” natatawang wika ni Win na dumukot ng buong isang libo sa pitaka. Kinuha rin ni Francis ang wallet na nakasukbit sa tagiliran at kumuha ng kaniyang pusta. Hindi naman kailangang buuin nilang tatlo ang limang libo. Nang maibigay kay Jim ang pera ay sinuyod niya ng tingin ang mga naroong ka-baryo nila na nais manood. May nakipusta rin sa iba pang kabarkada nila para madagdagan ang three thousand na pusta nilang tatlo at nang mabuo ang limang libong piso. Ang mga tao sa kanilang baryo ay sports minded. Nag-e-enjoy ang mga itong manood ng basketball, takraw, volleyball o kahit na anong outdoor games. Nakita niya si Jim na pinahawak kay Rexy ang mga gamit nito kaya sumunod siya. “Puwedeng pahawak?” nakangiting tanong niya sabay abot ng wallet at susi ng motor niya kay Rexzy. Hindi sumagot si Rexzy ngunit kinuha ang wallet niya. Binigyan siya uli nito ng katakot-takot na irap. “Thanks,” aniya at kinindatan pa ito sa kabila ng pagtataray nito sa kaniya. NAHAHAPONG naupo si Francis at tagatak ang pawis sa mukha at katawan. Katatapos lang ng laro nila at goodbye five thousand pesos. Talo sila sa pustahan. Lumapit sa kanila ang tatlong nakalaro nila at nakipagkamay. The game was worth the bet. Totoo ngang magaling pumuntos ang Alog at take note, walang mintis. Nakakabilib ang pulso niya. Siguradong kahit si Jus ay hindi mapaniwalaan iyon. Nalaman din nilang James pala ang pangalan ng dayo. Even Dahlia and Rexzy cheered for that man. Nakakainis na nakakatuwa. Pero ganoon talaga ang laro. May nananalo at may natatalo. Maluwag sa dibdib na tinanggap nila ang pagkatalo and he even invited them na bumalik uli sa susunod. Nangako naman itong babalik at gusto rin silang kalaro. Nagpahinga lang ang mga ito saglit at uuwi na rin. Lumapit siya kay Rexzy na parang hinihintay talaga siya. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay iniabot na nito ang wallet niya at ang susi. “Salamat,” aniya. Tumango lang ang dalaga at tumalikod na. Naramdaman niya ang kamay ng kaibigan sa balikat niya. “Hindi lahat ng babae nahuhumaling sa ngiti mo, Bor. And that unaffable girl was one of them,” may tonong pangangantyaw na bulong ni Win sa kaniya. Napalatak si Francis. Win laughed. “Pinormahan ko ‘yan noon. Ni hindi manlang ako nakapagsalita bago ako tinalikuran,” humalakhak na siya na marahil ay naalala ang ginawa. “Wala naman akong balak pormahan siya.” Nagkibit balikat si Win. “Libre mo nga akong softdrink, Bor. Wala na ‘kong pera,” sabi nito na tumawa pa. Natawa na rin siya. “Bahala ka. Wala ka nang pang-date kay Mitch,” biro niya sa kaibigan na binuksan ang wallet nang papalapit na sila sa sari-sari store. Kumuha siya ng singkuwentang papel at inabot kay Win nang mapansin niya parang may mali sa wallet niya. Parang may kulang. Sinipat niya nang mabuti kung ano ang nawawala at unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya nang matantong wala na roon ang isang two by two picture niya na nakaipit sa I.D holder ng wallet niya kasama ang ilang I.D’s niya. Francis smiled sheepishly. May hinala siyang lihim na kinuha iyon ni Rexzy. “Ano’ng tinitingnan mo riyan?” usisa ni Win na marahil ay napansin ang pagtitig niya sa wallet niya. Mabilis niyang tiniklop ang wallet at inipit uli iyon sa pagitan ng tagiliran at garter ng jersey niya. Nakita niyang napadaan sina Rexzy at Dalhia sa harap ng sari-sari store. He grinned. “Nawawala kasi rito sa wallet ko ang picture ko, Bor.” Sinadya niyang lakasan ang boses para madinig ni Rexzy. Nginisihan siya ni Win at lalong ngumiti nang malapad nang mapasulyap kay Rexzy na hindi makatingin sa kanila. “Baka may kumuha at gustong pagnasaan ang picture mo, Bor,” biro nito. Nang tingnan niya si Rexzy ay namumula na ang mukha nito at nagmadaling hinila si Dahlia palayo sa kanila. He laughed in amusement. Napapailing namang nagbukas ng sofdrink si Win.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD