Chapter 4

3572 Words
“HINDI ka man lang ba papasok at magmeryenda muna, Francis?” Nakangiting umiling si Francis at maayos na inilapag sa sahig ang apat na plastic bags na ang laman ay ang pinamili ng matanda sa palengke. “Aba’y nakakahiya naman sa ‘yo. Pinagpawisan ka sa kabibitbit niyang mabibigat na plastic bags. Halika’t uminom muna kahit juice lang.” “Hindi na po, ‘La. Salamat na lang po. May pupuntahan pa po kasi ako. Dadalawin ko si Zea,” magalang na sagot niya sa matanda. Nakita niya kasi ang matanda na halos hindi na makalakad nang maayos sa bigat ng dala nitong plastic bags kaya tinulungan na niya ito. On the way rin naman kasi ang bahay nito kaya hindi naman siya naabala. Hindi nga niya alam bakit ito pa ang namamalengke gayong may apo naman itong dalaga na. Kahit man lang sana sinamahan nito ang lola nito lalo at matanda na at delikado na kapag naglalakad sa kalsada. “O, sige. Hindi na kita pipilitin. Salamat sa tulong mo, Francis. Gusto ko sanang ireto ka sa apo ko pero alam kong mapapasama ka lang sa kaniya. Kuu, pasaway na bata iyong si Cindy,” anang matanda na binuntutan pa ng mahinang tawa. Natawa na rin siya. “Sige po, ‘La. Aalis na po ako,” paalam niya. Tinalunton ni Francis ang makitid na daan patungo sa bahay nina Jus. Sadyain ang bahay ng kaibigan at malayo-layo rin mula sa main road. Ang dating kakahuyan ay pinatayuan ni Zyl ng bahay nito simula nang magbago amg pagkatao nito at ipinanganak si Zea. Nasa bukana na siya ng magkasangang daan patungo kina Jus nang masulyapan niya ang apat ka-tao hindi kalayuan sa kaniya. Nang titigan niya ang mga ito ay nalaman niyang pinalilibutan pala ng tatlong lalaki ang isang babae. Sandali muna niyang inobserbahan ang mga ito. Dalawa sa mga ito ay may kalakihan ang katawan at mukhang hindi gagawa ng mabuti ang hilatsa ng mga mukha. Nang makitang pumiksi ang babae nang tangkang hawakan ng lalaki ay nagpasya na siyang lapitan ang mga ito. “May problema ba?” tanong niya. Napalingon ang tatlong lalaki sa kaniya. Nakita niyang hinawakan nito sa braso ang babae na nagpupumiglas. He looked at the girl and her face was silently screaming for help. “Wala, pare. Sinusundo ko lang itong girlfriend ko. ‘Di ba, Love?” sabi nito sa babae na inakbayan pa nang mahigpit sa balikat na halos masakal na ang babae kaya hindi makasagot. Nang titigan niya ang tatlong lalaki ay hindi niya ito kilala. Marahil ay mga taga ibang barangay. Hindi rin naman niya kilala ang babae at hindi niya alam kung bakit naroon ang mga ito. He stared at the girl to confirm it and her eyes were telling the opposite. Ang pagtiimbagang nito at ang pilit na pagpupumiglas sa pagkakahawak ng lalaki ay nagpapatibay ng hinala niyang hindi nito kilala ang mga lalaki. “Pasensya na, Pare pero nagkakamali ka yata. Kaibigan ko siya at ni minsan ay hindi ka niya ipinakilala sa akin na boyfriend niya.” Nagkatinginan ang tatlong lalaki at nakita niyang sumenyas ang may hawak sa babae sa kasama nito. Sumugod ang isa at nakipagsuntukan siya rito. May bahid na ng dugo ang gilid ng labi niya nang makatulog ito sa suntok niya. Naglabas ng kutsilyo ang isa. Damn! Hindi niya akalaing mapapaaway siya ngayon. Dalawang suntok sa mukha lang ang tinamo ng lalaki mula sa kaniya bago ito bumulagta sa lupa at hindi na tumayo. Nang sipain niya ay hindi na rin gumalaw. Knock out na rin katulad ng isa. Mukhang nakainom ito dahil nakatulog sa dalawang suntok lang sa mukha. He chuckled while wiping the blood on the edge of his lips. Taas-baba ang dibdib na hinarap niya ang lalaking may hawak sa babae. “Come on. It’s your turn,” hamon niya rito. Marahas na tinulak ng lalaki ang babae dahilan para sumadsad ang babae sa lupa at mabitawan nito ang dalang plastic at bag. Sumugod sa kaniya ang lalaki. Nakaiwas siya sa unang suntok nito ngunit hindi sa pangalawa. Sapo ang ilong na napamura si Francis. Nang muli itong sumugod ay agad niya itong sinalubong ng sipa. Tumihaya ang lalaki sa lupa at dahil malaki ang tiyan ay nahirapan itong bumangon kaagad. Tumayo siya sa tabi nito at muli itong sinipa nang magtangkang tumayo. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon at tinawagan ang kaibigang si Martines na naka-assign sa police detachment sa kabilang baranggay. Nang nagtangkang bumangon ang lalaki ay muli niya itong sinipa dahilan para mahiga uli ito. Isinumbong niya kay Martines ang nangyari at nagsabi itong agad na reresponde. “Huwag ka nang bumangon riyan!” mabangis na sabi niya nang makitang nagtatangka pang bumangon ang lalaki. Hindi na nito itinuloy ang balak at nanatili na lamang na nakahiga at umuungol sa sakit na tinamo mula sa sipa niya. Nilapitan niya ang babae at tinulungang makatayo. “Okay ka lang?” “Okay lang ako. Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan,” may bahid ng pag-aalala ang boses nito. “Huwag mo akong alalahanin. Saan ka ba nakatira at bakit ka nandito?” “Doon ako nakatira sa banglid,” tukoy nito sa lugar na kung saan parte pa rin ng baryo nila ngunit halos kagubatan na. “Napadaan lang ako rito at pauwi na sana galing sa palengke nang harangan ng tatlong lalaking iyan.” Kunot-noong tinitigan niya ang babae. Doon na siya lumaki at nagka-isip sa baryo nila pero ngayon lang niya nakita ang babae. Hindi siya madaling makalimot lalo na sa magagandang babae katulad ng kaharap niya ngayon. “May nakatira pa pala roon sa banglid?” Tumango ang babae. “Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin. Ako nga pala si Lara.” Tinanggap ni Francis ang pakikipagkamay ni Lara. “I’m Francis. Hintayin muna natin ang kaibigan ko bago kita ihatid sa tinitirhan mo.” Tumango si Lara at kumikislap ang mga matang tinitigan si Francis. Halos sampung minuto lamang ang kanilang pinaghintay nang dumating si Martines at mga kasama nitong pulis. Agad na dinampot ng mga kasamahaan nito ang tatlong lalaki. Napapalatak na binigyan ng tig-isang batok ni Martines ang tatlo dahil ang mga ito rin diumano ang nagsimula ng g**o sa kanilang barangay noong isang linggo. “Pasensya ka na, Fran. Sadyang walang pinagkakatandaan ang tatlong ito. Ipapakulong ko na para hindi na makapamerhuwisyo pa.” “Salamat, pare,” wika ni Francis. Nagpasalamat na rin si Lara sa mga ito. “Paano, alis na kami,” paalam ni Martines na binigyan pa si Francis ng isang tapik sa balikat. Itinaas naman ni Francis ang isang kamay para magpaalam. NAPANGIWI si Francis nang maramdaman ang hapdi sa gilid ng labi niya. “Halika, pasok ka,” yaya ni Lara at nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan. Atubili siyang pumasok sa bahay ng dalaga. Iminuwestra nito ang sofa na gawa sa kawayan kaya naupo siya roon. Nakita niya ang dalagang pumasok sa isang pintuan na natatabingan lamang ng bulaklaking kurtina. Must be the kitchen, he thought. Francis surveyed the house. Maliit lamang ang bahay ni Lara. Tanging dalawang silya na gawa sa kahoy at parisukat na lamesita ang nakikita niya sa sala. May isang pintuan sa harap niya na natatabingan din ng kurtina. Marahil ay iyon ang silid ni Lara. Wala kahit anong electrical appliances siyang nakita. Kahit de-bateryang radyo ay wala ito. Kahit mga pictures ay wala ang bahay ni Lara. There were only ornamental plants in every corners of her house na nagbibigay ng presko at malamig na ambiance. Bumalik si Lara na may dalang isang baso ng tubig at inilapag sa lamesa. “Uminom ka muna. Pasensya ka na at wala akong maiaalok sa ‘yo na kahit ano,” hingi nito ng paumanhin. Francis shook his head. “Huwag kang mag-alala. Okay na ako sa isang baso ng tubig.” “Maraming salamat sa tulong mo, Francis. Kung hindi dahil sa ‘yo ay baka kung ano ang ginawa ng mga lalaking iyon sa akin. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob,” mahabang wika ni Lara. Napangiti na lamang si Francis dahilan para lumabas ang magandang biloy niya sa kanang pisngi. Napansin pa niya ang sandaling pagkatulala ng babae habang pinagmamasdan ang mukha niya. “Salamat sa tubig.” Tila natatauhang ngumiti sa kaniya si Lara. Muli itong tumayo at tinungo ang isang maliit at lumang aparador. Nang bumalik ito ay may dala nang bulak at betadine. Atleast, she has something essential and necessary. Hinila ni Lara ang upuan sa harap niya at naupo roon. “Gagamutin ko lang ang sugat mo,” aniya na nasasalamin sa mga mata ang paghingi ng permiso. “Wala namang kaso ito,” Francis lied. Ngunit nang dinampian ng daliri ang sugat sa labi ay hindi napigilang mapangiwi. “Talaga lang, ha, “ Lara stated. “Malayo sa bituka,” nakangiting wika ni Francis. “Sige na. Makabawi manlang ako sa pagligtas mo sa akin,” pamimilit nito. Bumuntong-hininga si Francis at marahang tumango bilang sagot. “Ilang taon ka na ba?” tanong ni Francis kay Lara. “Beinte dos lang ako. Ikaw ba?” balik-tanong nito na nilagyan ng betadine ang bulak. “Limang taon lang pala ang tanda ko sa ‘yo.” “Ahh,” Lara answered shortly and smiled thriftly at him. Nagsimulang dampian ni Lara ng bulak na nilagyan niya ng betadine ang sugat ni Francis sa gilid ng labi. Magaan ang kamay ni Lara ngunit napapiksi pa rin si Francis nang maramdaman ang hapdi. “Sorry,” wika ni Lara na hinipan pa nang marahan ang gilid ng labi niya. Francis gasped. Kung ibang babae ito ay iisipin niyang inaakit siya nito. Pero mukhang hindi naman ganoon ang intensyon ni Lara. Natural ang mga kilos nito at mukha namang walang malisya. Tumikhim siya at tinitigan ito. “Sino ang kasama mo rito sa bahay mo?” Malungkot na umiling si Lara at ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga mata nito. “Nag-iisa lang ako rito,” aniya na inilagay ang ginamit na bulak sa isang maliit na plastic. Muli nitong hinila ang silya pabalik sa dating puwesto nito at naupo roon. “Wala ka bang kuryente rito?” tanong ni Francis na tumingala sa kisame ngunit wala siyang nakitang kahit isang bombilya ng ilaw. Nagtatanong ang mga matang muli niyang tinitigan si Lara. “Meron akong gasera,” balewalang wika nito. “Hindi ba delikadong nag-iisa ka rito tapos wala pang kuryente?” kinabakasan ng pag-aalala ang mukha niya. “Hindi naman. Isa pa’y hindi naman kailangan ng kuryente. Wala akong TV o radyo. Kapag gabi’y maaga naman akong natutulog.” “Wala ka bang kamag-anak?” usisa niya na kinuha ang isang baso ng tubig sa maliit na mesa at inubos ang laman niyon. Ibinalik niya ang walang lamang baso sa mesa. “Wala. Mula nang mamatay ang itay ko dalawang taon na ang nakaraan ay ako na lamang mag-isa ang nakatira dito.” “What about your work? May trabaho ka ba?” Umiling si Lara. Francis sighed. “Kung ganoon ay anong ginagamit mo pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan mo?” Ngumiti nang matamis si Lara. “Marami akong tanim na kalabasa at iba pang gulay riyan sa likuran ng bahay. Kapag naani ay ibinebenta ko sa palengke.” Lara said proudly. “Pero hindi sapat ang mga iyon…” “Matipid naman ako kaya ayos lang kahit maliit ang kita ko sa mga gulay. Sapat na sa aking may bigas ako sa araw-araw. Hindi naman ako masyadong gumagastos sa ulam dahil sapat na sa akin ang gulay.” Nakaramdam ng habag si Francis kay Lara ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Ayaw niyang maramdaman ni Lara na kinakaawaan niya ito. Maraming kadalagahan na kasing edad nito ang ginagabi palagi sa party kung hindi man ay sa pamamasyal. Ngunit naiiba si Lara na mukhang simple lang ang pamumuhay at tanging gulay at punong kahoy lamang ang nakapaligid dito. Tipid na ngumiti si Francis sa dalaga. Noon lang niya napuna na kulay tsokolate pala ang mga mata nito na binagayan ng malalantik na pilik-mata at natural na naka-arkong kilay. Maliit at matangos ang ilong nito. Natural na mapula ang manipis na labi. Maganda si Lara. No doubt about that. Ngunit kahit kaunting malisya ay wala siyang naramdaman para dito. He is attracted with her pero hindi sapat iyon upang gustuhin niyang magkaroon sila ng relasyon. Which reminds him of his friend Roxanne. Kapag ganoon ay alam na niyang kaibigan lamang ang maaari niyang ituring dito. And that’s what he wants with Lara. Gusto niyang maging kaibigan ito hindi lang dahil naaawa siya o ano pa man. Siguro ay pinukaw lang nito ang protective instinct niya. “Huwag kang mag-aalala, Francis. Ilang taon na akong nakatira rito at wala namang nangyari sa akin.” “I wanted to believe that pero babae ka at walang kasama rito. You’re beautiful and…” Francis paused because he saw Lara smiling widely at him. He fake a cough. “Paano kung isang araw ay mapadpad rito ang mga taong gustong manakit sa ‘yo? Katulad kanina,” dagdag niya. “Naiintindihan ko ang pag-aalala mo, Francis. Salamat. Pero mag-iingat ako. Tingnan mo nga at ngayon mo lang nalamang may nakatira pala rito. Para sa akin ay mas ligtas ang lugar na ito.” “Hindi ko lang maisip na may babaeng nakatira sa liblib na lugar na ito at nag-iisa pa. Paano kapag may emergency na mangyayari? Halimbawa ay sumakit ang tiyan mo o kailangan kang dalhin sa ospital?” “Maalaga naman ako sa aking sarili, Francis.” Napalatak siya. “Kahit na,” aniya ngunit hindi na nakipagtalo kay Lara. Totoong nag-aalala siya sa kaligtasan nito ngunit wala rin naman siyang karapatang diktahan at panghimasukan ang buhay nito. Wala pang dalawang oras mula nang magkakilala sila at ayaw niyang magmukhang pakialamero sa paningin ni Lara. Ngumiti lamang si Lara. “Labis-labis ang pag-aalala mo, Francis. Ngayon lamang ako nakatagpo ng lalaking katulad mong maalalahanin.” “Hindi ba kailangan?” kunot-noong tanong niya. “Hindi naman sa ganoon. Nagpapasalamat nga ako sa ‘yo, eh. Masuwerte ang babaeng iniibig mo.” Nakangiting tumaas ang isang kilay ni Francis. “Aren’t you just fishing for some information, Lara?” Mabining tumawa si Lara. “Nakakahiya kasing magtanong kung may nobya ka na.” Francis laughed in amusement. “Well, dahil kaibigan na naman kita… wala pa akong girlfriend,” nakangiting saad niya. “Sa pogi mong iyan? Hindi naman yata kapani-paniwala.” Francis chuckled. “I love your honesty, Sugar. Pero sa kasamaang palad ay wala talaga. Nakikita pa lang ako ng babae kahit guwapong-guwapo sila sa akin ay hindi nila pinapatulan ang mga palipad hangin ko. Marami raw akong girlfriend. Babaero.” “Totoo ba?” Lara asked with full of interest. “Wala silang napapatunayan,” Francis laughed heartily. “Sinasabi nila kung ano lang iyong nakikita ng mata nila. Kapag may nakita silang babae na kasama ko babaero na agad ako.” “Baka kaya ka nabansagang playboy ay dahil nakikita nilang maraming babaeng umaaligid sa ‘yo?” “Kasalanan ko ba ‘yon?” may halo ng kayabangan na tanong niya. “Kasama lang naman. Hindi ko naman girlfriend.” Natawa si Lara. “Hindi ko alam kung iyong mga babae ang malalandi o ikaw, eh.” “What can I do? I am a charming kind of guy and I don’t have any problem winning a woman’s heart.” “Oo nga. Isali mo pang napakayabang din,” wika ni Lara sa pagitan ng pagtawa nang marahan. “Hindi ko nga maarok ang iniisip ng mga babae, eh. Kapag hindi pinansin, suplado ako. Kapag friendly naman ako, babaero naman ang tingin sa akin. Ano ba problema ninyo?” birong totoo na tanong niya kay Lara. “Sa opinyon ko naman, ang ganoong babae ay gusto na siya lang ang pansinin mo. Huwag ka na tumingin pa sa iba.” “Puwede ba iyon? Parang tingin lang, eh. Kung ikaw ang tatanungin, ayaw mo ba ng lalaking guwapo, super friendly, approachable, charming, matulungin at guwapo na katulad ko?” tanong ni Francis na inayos ang pagkakasandal ng likod sa silya. “Kailangan ba talaga ulitin ng dalawang beses ang salitang guwapo?” natatawang wika ni Lara. Francis grinned at her. Naalala niya si Roxanne sa sinabi nito. “Oo,” aniya na sinabayan ng pagtango. “Super friendly, huh?” “Makisig pa.” He winked at her. “Ubod din ng yabang!” “I’m just confident of myself. Hindi kayabangan iyon.” Ilang sandaling hindi nakasagot si Lara kaya binalingan niya ito. “Kita mo at natulala ka na. Hindi ka makapag-decide, ano?” He said grinning. Lara blinked and smiled. “Kung katulad mong super friendly ay huwag na lang. Possesive ako. Gusto ko kapag nagka-nobyo ako ay ako lang ang babae sa buhay niya,” nakairap na wika ni Lara. “Ibang klase kaya ako magselos.” Francis sighed. “Obviously, lahat kayong mga babae ay iyon ang gusto.” “Puwede ka namang magbago kung may babae ka talagang nagugustuhan, ‘di ba? Kung alam mong makakasakit iyon sa mahal mo bakit mo ipagpapatuloy?” “Hey, hindi ko kailangan magbago dahil hindi naman ako babaero. Friendly lang. Magkaiba iyon.” “Kahit na. Paano kung may girlfriend ka na tapos friendly ka pa rin sa ibang babae? Bibigyan mo lang ng dahilan ang girlfriend mong magselos.” Francis chuckled. Kung makapagsalita si Lara ay akala mo marami nang karanasan sa pag-ibig. “Well, tama ka. But at this point in my life, hindi ko pa yata kayang magpatali sa isang relasyon. You know, I love my freedom now. Maaari kong gawin kahit ano’ng gusto ko at walang nagbabawal sa akin.” “Sabagay…” maikling tugon ni Lara. “Kapag darating na ang babaeng gusto ko ay wala naman akong magagawa kung hindi ang sumuko sa pag-ibig, ‘di ba?” bigla siyang natigilan. “f**k, ang corny ko, ano?” aniya na natawa. Kumislap ang mga mata ni Lara. “Kapag nahanap mo na siya ay siguradong magiging abala ka na. Hindi mo na ako maaalala.” “Siguro nga…” wika ni Francis na sinulyapan si Lara. Lihim siyang natawa nang makitang nanulis ang nguso nito. “Silly. Kung iniisip mong kakalimutan kita kapag nagkaroon ako ng girlfriend ay ipanatag mo ang loob mo. I still want you to be my friend.” Umiwas si Lara ng tingin nang makita siya nitong nakatitig sa kaniya. Ngunit hindi nakaligtas sa kaniya ang sinusupil nitong ngiti. “Ikaw wala ka bang boyfriend?” tanong niya sa dalaga. Marahang umiling si Lara. “Wala na.” “Oh. What an idiot,” usal ni Francis. “Bakit mo naman nasabi? Hindi mo naman kilala ‘yong tao.” “I didn’t mean to offend you, Lara. Pero sino namang matinong lalaki ang iiwan ang isang napakaganda at napakabait na babaeng katulad mo?” “Namatay siya.” Natigilan si Francis. “Sorry.” Pilit na ngumiti si Lara. “Okay na naman ako ngayon, eh. Naka-move on na ako. Matagal na.” “Well, kung gusto mo naman uli pumasok sa isang relasyon ay marami namang lalaki ang siguradong magkakagusto sa ‘yo. You’re beautiful, mabait,” pinasadahan niya ng tingin si Lara mula ulo hanggang paa, “at sexy kung huhubarin mo iyang blusa mong mahaba ang manggas at hanggang sakong na palda na ilang dekada na yatang nasa baul.” “Bastos!” Mabilis na pinagkrus ni Lara ang braso sa dibdib. He grinned. “Medyo lang.” Pabirong sinipa siya ni Lara sa paa. Maybe they were meant to be friends dahil kahit sandali lamang sila mula nang magkakilala ay naging komportable na sila sa isa’t isa. Ni hindi siya nakaramdam ng pag-aalangang biruin ito. “Totoo naman ang sinasabi ko, ah! Kapag nagsuot ka ng matinong damit kahit hindi ganoon ka sexy ay siguradong lulutang lalo ang ganda mo. You have a face and a body to die for, Sugar.” “Binobola mo naman ako, eh!” “Aren’t you women always wanted to hear compliments? Papasa kang modelo ng b*a at panty sa Natasha at Avon—Aww, Aray!” hinaplos ni Francis ang nasaktang braso nang malakas na hampasin iyon ni Lara ng palad nito. “Bastos ka talaga!” Hindi napigilan ni Lara ang suntukin ito sa balikat ng ilang beses. Nakita ng dalaga na napangiwi ito na marahil ay masakit ang katawan dahil nakipagsuntukan. “Hey! I just want to remind you, lady that we’ve known each other for only two hours—” tinaasan siya ng kilay ni Lara, “and yeah, you can hit me all you want. ‘Di naman masakit.” “Gusto mo ba’ng dito na maghapunan?” tanong ni Lara na malapad ang pagkakangiti. Francis frowned. “Huwag na. Baka lasunin mo pa ako.” Hindi napigilan ni Lara ang mapahalakhak nang makita ang nakasimangot na mukha ni Francis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD