Chapter 5

2467 Words
KINABUKASAN ay muling napadalaw si Francis kay Lara. May dala siyang prutas, tinapay, at chirchirya na napag-alaman niyang paborito ni Lara. Mula nang magkakilala sila kahapon ay hindi na ito mawaglit sa isip niya. He’s really worried about her. Kung kaya maaga pa lang ay bumili na siya sa grocery ng pasalubong niya para kay Lara. Pagdating sa bahay ng dalaga ay naabutan niya itong nagbubungkal na ng lupa sa likuran ng bahay nito. Mahaba pa rin manggas ng suot nitong blouse at hanggang sakong ang suot na palda. Para na itong matandang dalaga sa suot na kabaligtaran naman ng mukha nitong napakaganda. “Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?” Mabilis ang ginawang paglingon ni Lara. Agad na kumislap ang mga mata nito at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nang makita siyang nakatayo sa likuran nito. “Francis!” bulalas niya. “Ang aga mo namang naparito?” Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang plastic bags. “Ano ‘yan?” “Pasalubong ko sa ‘yo. Para naman may makakain kang makakasira sa healthy life style mo,” biro ni Francis na ikinatawa naman ng dalaga. “Hindi naman ikaw ang nauumay sa puro gulay araw-araw, ah. Pero salamat.” “Wala ‘yon. Ilalagay ko lang ito doon, wika ni Francis na itinuro ang maliit na balkonahe. Nang makabalik sa kinaroroonan ng dalaga ay nakapameywang na pinagmasdan niya ang ginagawa nito. “Ang aga mo namang nagtrabaho.” “Ayokong abutan ng mainit na sikat ng araw,” sagot ni Lara habang patuloy sa pagbubungkal ng lupa. Tumingala si Francis sa kalangitan. “Mukhang hindi naman sisikat ang araw,” puna ni Francis nang makitang ang kay abo at makapal na ulap sa kalangitan. “Ano ba iyang itatanim mo?” Niyuko ni Francis ang mga punla na nakalagay sa mga itim na plastic. “Mga punla iyan ng kamatis. Ililipat ko sila rito sa plot ng lupa na ginagawa ko.” Marahang tinapik ni Francis ang balikat ni Lara kaya nakatingalang napalingon sa kaniya ang dalaga. “Bakit?” nagtatakang tanong nito. “Akin na iyang dulos mo. Ako na riyan,” presinta ni Francis. “Huwag na. Madudumihan ka lang.” “I insist, Lara. Marunong ako gumawa niyan. Baka inaakala mong hindi,” nakangiting wika ni Francis. Lara’s eye’s blinked twice. “Sigurado ka?” “Oo nga.” Francis snatched the trowel from Lara’s hands. He gestured Lara to move aside at siya ang tumalungko at ipinagpatuloy ang ginagawa ng dalaga. “Hindi ka ba marunong manood na lang?” puna ni Lara na kinuha ang mga punla at nagsimulang itanim. “Hindi. Bukod kasi sa gwapo at makisig ako’y matulungin pa.” Lara groaned. “Pakialamero din at mayabang.” Francis laughed. “Pakialamero at mayabang pala, ha!” Dinakot ni Francis ang basang lupa at pinahit ang maruming palad sa mukha ni Lara. “Ayan, napakaganda mong babae pero mapanglait ka.” Napaawang ang bibig ni Lara dahil sa ginawa ni Francis. “Francis!” inis na bulalas ni Lara na pinahiran ang mukha. Lalong nagkalat ang putik sa mukha nito na ikinatawa ni Francis. “Nakakainis ka!” wika ni Lara na napapadyak pa sa inis. “Ah, nakakainis pala, ha…” Kumuha uli siya ng basa lupa at akmang ipapahid uli kay Lara ngunit umiwas ito at lumayo sa kaniya. “Halika. Hindi ako titigil hangga’t wala akong naririnig na papuri mula sa ‘yo, Lara!” “Diyos ko naman, Francis. Puring-puri mo na ang sarili mo! Hindi pa ba sapat ‘yon?” ani Lara na isinasanggalang ang dalawang palad sa mukha habang lumalayo sa lumalapit na si Francis. “Iba kapag sa ‘yo manggaling. Feeling ko kapag ikaw nagsabi, totoo.” Humalakhak si Lara. “Loko ka. Huwag ka ngang lumapit! Kapag nadumihan ang damit ko, bahala ka. Wala na akong pamalit. Magbuburles ako rito!” “Aba, at ako pa ang tinakot mo, ha? Gusto ko nga ‘yon, eh!” “Bastos ka talaga!” napatili si Lara nang bigla na lang siyang hinuli ni Francis. Nakagapos ang isang kamay nito sa beywang niya ang isang maruming kamay nito ay muling nagpahid ng putik sa mukha ni Lara. Parang bata namang tawa nang tawa si Francis habang si Lara ay itinatago ang mukha sa mga braso. Nang bitiwan siya ng binata ay dumakot din siya ng lupa at binato si Francis. Nadumihan ang suot nitong damit. “Oopps! Sareeeh!” Gumanti sa kaniya ang binata at ilang sandali pa ay napuno na ng putik ang kanilang katawan. Napaupo si Lara at pinasadahan ng tingin ang nasirang plot na ginawa niya. “Tingnan mo nga ang ginawa mo, Francis! Nasira na ang plot ko at nasaan na ang dahon nitong mga punla ko?” Natatawang tumabi si Francis ng upo kay Lara at kinuha ang nakadikit na putik sa balikat ng dalaga. “Ikaw kasi, eh. Ang simple ng hinihingi ko sa ‘yo, eh. Mahirap bang sabihin ‘yon?” “Kaya lumalaki ang ulo ng mga katulad mo, eh.” “Ayaw mo talaga?” Dumakot ng lupa si Francis. “Oo na! Guwapo ka na. Makisig, matulungin at guwapo uli. Ano, okay na?” nakairap na turan ni Lara. She must admit, totoo naman ang mga ipinagyayabang ni Francis. Pero ewan niya’t gustong-gusto nitong makarinig ng papuri mula sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang itinatakbo ng isip ng binata. “Labas sa ilong.” “Ay, bahala ka. Mag-record ka ng boses mo. Purihin mo sarili mo tapos pakinggan mo nang paulit-ulit.” Natawa si Francis sa tinuran ng dalaga. Naramdaman nila ang malakas na pag-ihip ng hangin. Nang tingalain nila ang kalangitan ay nakita nila ang itim at makapal na ulap na nagtitipon-tipon. Siguradong ilang sandali na lang ay babagsak na ang ulan. Akmang tatayo si Lara nang pigilan ni Francis. “Saan ka pupunta.” “Maglilinis ng katawan! Bukas ko na lang aayusin ang plot ko at mukhang uulan pa nang malakas!” “Babalik na lang ako rito bukas. Tutulungan kita.” Lara groaned in annoyance and rolled her eyes. “Please lang. Huwag ka na bumalik bukas. Bigyan mo nang katahimikan ang mga pananim ko rito.” Binawi nito ang kamay at nag-martsa papasok ng bahay nito. Naiwan naman si Francis na natatawa at hinihintay ang pagbagsak ng malakas na ulan. HINDI nga nagkamali si Francis nang bumagsak ang napakalakas na ulan. Nanatili siya sa labas ng bahay at hinayaan ang ulan na linisin ang putik sa kaniyang katawan. Hinubad na rin niya ang suot na t-shirt, exposing his muscled chest and six packed abs. While, Lara was inside her house. Nakapaglinis na ng katawan at nakapagbihis na rin ng malinis na damit. Mula sa bintana niya ay nakita niya si Francis na nakatayo sa labas sa gitna ng ulan. Napatitig si Lara sa anyo ni Francis at makikita sa mukha niya ang labis na pagnanasa. She wanted him. Noon lamang siya nakatagpo ng lalaking katulad nito. Bukod sa makisig at guwapo ay maalalahanin pa ito at matulungin. Nang lumingon sa gawi niya si Francis ay agad niyang ipinagkit ang matamis na ngiti sa labi. She cleared her throat. “Pumasok ka na rito sa bahay!” tawag niya sa binata. Francis just smiled. He looked up to the sky as he closed his eyes and stretched his arms sidewards, feeling the rain. Lara sighed as the beautiful view of Francis under the rain filled her eyes. Kung ihahambing si Francis sa mga lalaking nakarelasyon niya ay walang-wala ang mga ito. Kahit may pagkamayabang ang lalaki’y hindi iyong tipo na nakakainis. Marahil ang mga kapintasan nito ay isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming babae ang naaakit dito. Kilala ni Lara si Francis noon pa man. Lamang ay hindi siya makalapit dahil sa tuwing nakikita niya ito’y may kasama itong iba-ibang babae. Kaya nag-isip siya ng paraan kung paano siya nito mapapansin. Then, she came up with an idea. Sinadya niyang abangan si Francis sa daan patungo sa bahay ng kaibigan nito. Pinalabas niya at ng tatlong kasabwat niya na lalaki na binabastos siya ng mga ito. That scheme worked at nagtagumpay siyang makuha ang atensyon ni Francis. Matagal na niyang gusto ang binata at gagawin niya ang lahat upang mahulog ang loob nito sa kaniya. Umalis si Lara sa bintana at kumuha ng tuwalya sa kaniyang maliit na kwarto. Tinungo niya ang pintuan at doon tinawag si Francis. “Tama na iyan, Francis. Magkakasakit na na niyan. Pumasok ka na at magpatuyo.” Lumapit si Francis sa kaniya. Pinigaan nito ang basang damit at ginulo ang basang buhok. Tumutulo pa ang tubig mula sa katawan nito at sa basang pantalon. “Ang daya, ba’t nagbihis ka kaagad? Masarap kaya maligo sa ulan.” “Tss. Ikaw lang ang nasisiyahan. Ako, hindi.” “Ang kill joy mo naman, Lara.” Nagwisik pa ito ng tubig patungo sa kaniyang mukha na mula sa basang kamay nito. “Ano ba, Francis! Nakakainis ka na!” reklamo ni Lara na pinahiran ng palad ang nabasang mukha. Tatawa-tawa naman si Francis. “Kambing ka ba at takot kang maligo sa ulan?” tukso nito sa kaniya na winisikan uli siya sa mukha. Hinampas siya ni Lara sa balikat. “Tama na! Hindi na ako bata para maligo sa ulan, ‘no?” “Ang sarap kaya maligo sa ulan. ‘Lika, samahan mo ‘ko.” Sinubukan nitong hulihin ang kamay niya ngunit mabilis siyang umiwas at lumayo. “Ayoko nga!” tanggi ni Lara at ibinato sa h***d na dibdib ni Francis ang tuwalya. “Magpatuyo ka na. Mamaya magkasakit ka pa.” “Uuwi na lang ako. Wala naman akong bihisan dito, eh.” “Uuwi ka na ganito kalakas ang ulan? Madudulas ka lang doon sa pilapil. Diyan ka lang at hahanapan kita ng mga lumang damit ni Tatay.” Pagbalik ni Lara ay naabutan niya si Francis na nakatapis na lang ng tuwalya at pinipigaan ang hinubad na pantalon. Lihim na napalunok si Lara nang makita ito dahil alam niyang walang saplot si Francis sa ilalim ng manipis na tuwalyang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Narinig niyang tumikhim si Francis kaya napakurap siya. “Iyan na ba ang susuotin ko?” tanong nito na matamang nakatitig sa kaniya. “Ah, oo!” Lara handed the clothes to Francis. Malaking itim na t-shirt iyon na sigurado naman siyang magkakasya kay Francis at puting short. Kahit wala naman itong panloob ay walang problema dahil makapal ang tela. She just needed to avoid staring on the thing between his thigh na halata pa ring bumubukol sa kabila nang may suot na itong short. Nag-init ang kaniyang pakiramdam dahil may mga eskandalosong imahe na gumuhuhit sa kaniyang isipan. Mabilis na tumalikod si Lara at tinungo ang kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig sa banga at mabilis na uminom para palamigin ang sarili. “Saan ko ilalagay ang basang tuwalya na ito, Lar?” She looked back at him and saw him peeping between the kitchen’s curtain. Lara stepped closer to him. “Akina iyan at isasampay ko sa loob ng silid ko.” Mabilis na inabot ni Francis kay Lara ang tuwalya at bumalik sa maliit na sala. Nang maisampay ang tuwalya sa loob ng kaniyang silid ay binalikan ni Lara si Francis sa sala. Nakaupo ito sa pandalawahang sofa at nakapangalumbaba na nakatingin sa labas. Malakas pa rin ang ulan at tila walang planong tumigil. “Gusto mo ba ng kape?” alok niya sa binata. “Sure. Thanks!” Mabilis na tumalima si Lara at nagtimpla ng kape. Pagkatapos ay kinuha na rin niya ang tinapay na dinala ni Francis. “Heto. Oops, mainit ‘yan,” wika ni Lara nang hawakan ni Francis ang ilalim ng tasa. “Thanks,” pasasalamat ni Francis at ninamnam muna ang aroma ng kape bago humigop. “Dito ka na mananghalian mamaya. Mukha kasing hindi pa titila ang ulan.” “Huwag mo akong alalahanin. Isa pa’y wala namang bagyo ngayon. Titila din ‘yan mamaya.” Francis smiled at Lara that almost melt her heart. Muntik na nga niyang mabitawan ang hawak na tasa dahil sa nangingnig na kamay, hindi dahil sa lamig kung hindi sa presensya ni Francis. Kakaiba ang pakiramdam ni Lara nang mga sandaling iyon. As if there’s something that stirs inside her. Ibinaba ni Lara ang tasa ng kape at hinaplos ang braso. Nakimasid na rin siya sa mga patak ng ulan sa labas mula sa bintana. “Nilalamig ka?” puna ni Francis. “Medyo. Hindi ko inaasahang uulan ngayong araw.” “Ganito talaga ang panahon kapag buwan ng Hulyo. Iinit at uulan.” Lara fell silent for a moment. Tumikhim siya at muling tumitig kay Francis. Umangat ang kamay niya upang damhin ang pisngi nito. Nagtatanong ang mga matang tinitigan siya ni Francis. Mabilis na binawi ni Lara ang kamay at itinago sa pagitan ng magkadikit niyang hita. “Sinisiguro ko lang na hindi ka magkakasakit dahil sa pagtampisaw mo sa ulan.” Francis smiled. “Thanks for the concern, Lara. Pero hindi ako tatablan ng lagnat dahil lang nabasa ako ng ulan.” “Gabundok ang kayabangan mo sa katawan. Ano ba ang akala mo sa sarili mo bakal?” “Wala na kayong ginagawa kung hindi sermunan ako. Para kang si Roxanne.” “Sino’ng Roxanne?” tanong ni Lara kahit na kilala naman niya kung simo ang babaeng tinutukoy ni Francis. “Kaibigan ko rin iyon kagaya mo. She always nags at me.” “Mukhang alam ko na kung bakit,” natatawang wika ni Lara. “Kaibigan mo lang ba talaga siya?” “Oo naman,” mabilis na sagot ni Francis. “Baka friends with benefits?” pananalakab ni Lara. “Of course not. Ano ba iyang iniisip mo?” “Wala lang. Bago kasi kita nakilala’y may naririnig na ako tungkol sa inyo ng kaibigan mong si Roxanne nga. Lalo na doon sa palengke. Pinagchi-chismisan ka ng mga tinderang dalaga roon.” Francis chuckled. “Ganoon ba?” “Oo.” “Hindi ako nananamantala ng kaibigan ko, Lara. Katulad mo at ni Roxanne.” Bagamat nakaramdam ng inis si Lara sa tinuran ni Francis ay itinago nanlamang niya iyon sa pamamagitan ng pagngiti. Hindi maaaring hanggang kaibigan lamang ang relasyon ni Francis. Nais niyang higit pa roon ang ugnayan nila ng binata. Kung hindi rin lang niya maaangkin si Francis ay mabuti pang walang sino mang babae ang magmay-ari dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD